Chapter 39: Collecting Puzzle Pieces

1.3K 56 2
                                    

"Sinong hula mong may gawa nito?"

"Ehh hindi pa naman ako sigurado..."

Inilapit niya ang tainga niya sa'kin kaya wala na akong nagawa kundi ang ibulong dito ang nasa isip ko. "Tingin ko, ang may kagagawan ay si..."

Sinabi ko sa kanya ang pangalan ng hula kong may kasalanan at pati na din ang ginawa niyang trick. Dahan-dahan niyang inilayo ang mukha sa'kin at pagkatapos ay tumawa ito bigla dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat.

"Anong nakakatawa hijo?" takang tanong ni Detective sa kanya. Awtomatikong napaiwas naman ako ng tingin sa kanila at saka nagbaba ng tingin. I can feel their stares on us.

"Haha wala Detective, may naalala lang ako bigla sa ibinulong sa'kin ni Ms. Ericka," natatawa pa ding sabi nito. Napasimangot naman ako. Sabi na nga ba't mukhang mali ang hula ko. Kaya nga ayokong i-share sa kanya eh! Psh.

"Gusto mo bang sumama sa'kin?" mahinang tanong ni Al sa'kin matapos ibaling ni Detective ng tingin pabalik sa mga kausap namin kanina.

"Ha? Saan?" mahina kong tugon.

Ngumiti muna ito ng maluwang bago ako sagutin. "We'll trace the perpetrator's action."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, kasabay nito ang pagbaha ng excitement sa puso ko. Sunud-sunod akong tumango at saka ngumiti ng maluwang. Dumaan ang ilang segundo at saka ko narealize kung gaano ako kababaw pagdating sa kanya.

Bakit parang bata ako kung ituring ng isang'to? Tsk. Pasalamat siya... hindi ko siya kayang tiisin kung hindi... nevermind.

Maya-maya pa'y nagpaalam na kami kina Detective at saka diretsong pumunta sa building kung saan nagsimula ang lahat—ang AS01.

"Ui Al, mali ba yung hula ko?"

"Hmm... hindi naman sa mali. May punto naman ang sinabi mo kaya nga lang ang trick mo ay..." tumingin ito sa'kin at saka nagsmirk.

"Absurd, yeah," ako na ang nagtuloy sa gusto niyang sabihin. Sinabi ko kasi sa kanya na ang tingin kong may gawa ng pagkamatay ni Mr. Ryuu ay isa lang kay Mr. Montania at Mr. Cecilia. Base kasi sa nakita kong reaksyon mula sa tatlo ay imposibleng si Ms. Veronica ang may gawa. Mukhang siya kasi ang pinaka-apektado sa nangyari at imposible para dito ang patayin ang taong mahal niya.

"Pero malay mo, tama pala ang naisip mong trick ng killer," nakatawa pa ding sabi ni Al. Mukhang nag-aasar lang siya, napasimangot tuloy ako. Kasalanan niya naman kung bakit ako nagcome-up sa conclusion na posibleng na-hypnotize si Mr. Ryuu para mag-iwan ito ng palaso na may mensahe at magpakahulog. May nalalaman pa kasi siyang: 'He fell on his own but it's neither an accident nor a suicide.' na siyang nagpagulo tuloy lalo sa isip ko.

Una naming pinuntahan ang locker room kung saan may mga pulis na agad na humarang sa daraanan namin. Nasa first floor ito ng AS01 building at ang mga students na nag-ooccupy ng mga lockers dito ay mga students na enrolled sa Architecture at Arts and Sciences department.

"Sino kayo? Bawal munang pumasok dito sa loob!" sita sa'min nung isang matandang pulis. Tanaw namin mula sa labas ang ilang pulis na nag-iimbestiga sa loob ng kwarto.

"Nagpaalam po kami kay Detective Martinez na may titingnan lang sa locker ng schoolmate namin," magalang na sagot naman ni Al dito.

"Sigurado ka?" parang naghihinala pang tanong ng pulis.

"Opo, kung gusto niyo ay i-confirm niyo pa kay Detective o di kaya'y samahan niyo pa kaming lumapit sa locker para masiguro niyong titingin lang kami dito."

Masama pa din ang tinging ibinigay niya sa'min kaya napahalukipkip na lang ako sa tabi ni Al. Maya-maya'y may kinuha ito sa beywang at saka kami tinalikuran. Siguro ay tatawagan niya na muna si detective para makasiguro, mahirap nga namang basta na lang magtiwala sa kung sinu-sino. Ilang saglit pa at bumalik na yung pulis sa harap namin.

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now