Chapter 50: A Friend or an Enemy

1K 51 11
                                    

Pagkasakay ko sa elevator ay agad kong pinindot ang ground floor. I need to talk to the police right away. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at saka binuksan ang data connection. Agad kong chinat via messenger si Ate Euri para sabihin ang nalaman ko.

I'm really sure of it! Someone used the CCTV footage this morning and replaced the video this afternoon so it would turn out that he was here when the killer killed Dr. Lajara! Someone wants to frame up Death!

Dahil mahina ang signal ay hindi pa din nadedeliver ang message na sinend ko. Napatingin pa ako sa pinto nang bigla itong bumukas sa may 10th floor at saka sumakay ang isang matangkad na lalaki. He's wearing a face mask and is coughing awkwardly. Mukhang kasing-tangkad niya lang si Josh at may alun-alon itong buhok na medyo tumatakip pa sa mga mata nito. Pinindot nito ang basement habang ako ay tumungo na lang at saka tumingin sa phone ko.

Isa pa sa gumugulo sa isip ko ay yung sinabi ng nurse kanina.

"Yes, nakita kong magkausap sila ni Dr. Lajara kanina."

Dr. Lajara was still alive this morning when Death gave him a visit.

"Imposible Miss, bakante na ang room na iyon ngayon dahil lumabas na ang pasyente kaninang umaga."

I should have asked her what time did Dr. Lajara left his room. Teka, room?

"Sa 15th floor po ba ang office ni Dr. Lajara?" tanong ko sa officer.

"Hindi, sa 16th floor siya," maiksi nitong sagot.

"Sa 16th floor? Kung ganun, bakit..."

Kung ganun, alam ni Death na nasa 15th floor si Dr. Lajara kanina!

"Pero paano niya naman nalaman na doon nakaconfine si Doc?"

"Maybe someone asked him to come and visit him."

"Yun na nga din ang nasa isip ko. And that someone—" para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marealize ko kung sinong sumagot sa tanong ko. Dahan-dahan ko siyang nilingon at para akong naestatwa nang bigla na lang itong lumapit sa'kin at tinakpan ang bibig ko.

"Hmp—" naamoy ko ang pamilyar na amoy ng chloroform na unti-unti na namang umaagaw ng lakas ko.

"Sorry, but I need to do this," yun lang at unti-unti nang nagdilim ang lahat.

***

I found myself inside a car with Josh holding the steering wheel. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko para mas luminaw ang paningin ko.

"Gising ka na pala," sabi pa nito sabay ngiti ng maluwang.

"Josh..." umayos ako ng upo at pagkatapos ay tinitigan siya. He's wearing a white long sleeves with three buttons unbuttoned at the top. His disheveled hair and his red lips added more to his oozing manliness.

Ugh, why so hot?

"Sorry ah, medyo malayo pa byahe natin. You can go back to sleep if you want."

Magrereact pa lang sana ako nang bigla itong tumingin sa'kin. Parang nalunok ko tuloy bigla ang dila ko nang magtama ang mga mata namin.

Ugh, I missed those smiles.

"Do you want me to sing you a song? Para di ka mabore?"

"Ha?" nakanganga ko lang na reaksyon sa kanya. He on the other hand, smiled really widely. A smile full of joy and happiness. A smile with no worries and problems. A smile I missed so much. Maya-maya pa'y nagsimula na itong kumanta.

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now