Chapter 6: Ex-bestfriend

2.4K 106 3
                                    

"Ui Josh! After mo niyan, itong assignment ko naman ang gawin mo ah?" sigaw sa'kin ni Miggy pagkababa niya sa harap ko ng mga libro niya't ilang papel.

"Sige matatapos naman na 'tong kay Red ei," sabi ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa clubhouse ni Ephraim sa may Cavite. Dito pala sila tumatambay after class kapag wala silang gangfights at lakad sa labas. Kasalukuyan akong gumagawa ng mga assignments nila sa science. Nang sabihin nila sa'kin kaninang may kailangan sila sa'kin, naisip ko kaagad na malalagot na naman ako kay ate Euri dahil mapapaaway na naman ako. Mabuti na lang at dito kami dumiretso at ayon kay Jade na siyang sumagot sa tanong ko kanina, study day daw ngayon kaya dito lang dapat kami. Hinanap ng paningin ko si boss pero hindi ko siya makita.

"Sinong hinahanap mo?" tanong ni Alvin na nakatingin na pala sa paglinga-linga ko.

"Ahh... wala si boss dito?" tanong ko. Nangalumbaba lang ito sa may mesa at saka ako tiningnan.

"Bakit mo hinahanap si boss? Type mo ba siya?" seryoso nitong tanong habang nakatitig sa mga mata ko.

"Ha?? Hindi ahh! Nagtataka lang naman ako kasi mukhang siya lang ang wala dito," sagot ko sa kanya. Napabuntong-hininga ito.

"Mabuti kung ganun kasi bawal magkagusto kay boss," nag-unat ito. Napakunot naman ang noo ko.

"Bakit bawal?" curious kong tanong.

"That's a rule na ginawa ni Ephraim," sagot nito sabay ngiti ng makahulugan.

"Anak ng pucha naman oh! Akala ko makakapagpahinga na tayo ngayon!" napalingon kaming lahat kay Ephraim na kakapasok lang at mukhang galit na galit.

"Anong nangyari?" lapit dito ni Rom.

"Yung grupo ni Xander nagwawala sa Street 13 at hinahanap yung bata natin!" sagot nito sabay tingin sa'kin. Teka, ako ba yung tinutukoy niyang bata?

"Sinong bata?" mahinang tanong ko kay Miggy na busy sa pagkalikot ng cellphone sa tabi ko.

"Sino bang pinakabata dito?" balik-tanong niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa hawak nito.

"Ahm...," nilingon ko yung mga kasama naming at saka sinalubong ang matalim na tingin ni Ephraim. "Ako?" turo ko sa sarili ko.

"May iba pa bang bumugbog sa mga kasamahan ni Xander maliban sa'yo?" suplado nitong sagot. Kung ganun, mukhang tinutukoy niya nga yung pangyayari sa Street No.13...

"Pupunta ko dun ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Pupunta TAYO. Come on! Tumayo na kayo para matapos natin agad yun bago pa malaman ni boss!" may awtoridad na sabi nito at saka nagsikilos na yung mga katabi ko. Kahit si Miggy na busy sa cellphone niya kanina ay maabilis na tumayo. Lumabas na sila at dumiretso sa van ni Ephraim. Sumunod na rin ako sa kanila.

Bale ang nakaupo sa pinakalikod ay sina Red, Rom at Miggy. Katabi ko naman sa gitna si Miggy at Alvin habang nasa passenger's seat naman si Jade at si Ephraim yung driver. Sumakay na ang lahat kaya nagsimula ng magdrive si Ephraim.

"Ui Alvin may tanong ako!" kulbit ko sa katabi ko.

"Ano na naman?" medyo inis na lingon niya sa'kin.

"Bakit ayaw ipaalam ni Ephraim kay boss na may laban ngayon sa grupo nung Xander?"

"Kasi kapag nalaman ni boss, malamang si boss lang ang tatapos nun!"

"Ha??" naguguluhan kong reaksyon.

"Malakas si boss kahit babae siya. Blackbelter ba naman, magaling sa taekwando, judo at fencing kaya kahit mag-isa, siguradong kaya niya mga yun! Pero itong si Ephraim, ayaw niyang nasasaktan yung kamay ni boss dahil lang sa mga panget na yun!"

"Bakit naman?"

"Magaling na pianist kasi si boss tapos magaling din magpainting kaya hindi maganda kung maiinjured ang kamay niya," kwento nito. Napatangu-tango na lang ako. Ang galing pala ni boss kung ganun. Kaya pala ginagalang siya ng mga kasama namin at mataas ang tingin sa kanya.

"Teka, kung alam niyang posible siyang mainjured, bakit pa siya nalaban?"

"Nagrerebelde kasi si boss, tinigilan niya na ang pagpepaint at pagpapiano"

"Ehh? Sayang naman! Pero bakit?"

"Hindi ko rin alam!" kibit-balikat nito. Nakakacurious tuloy lalo. Ilang sandal pa, nakarating na rin kami sa Street No. 13. Agad naming nakita ang bulto ng mahigit sampung kataong may mga dalang kanya-kanyang panghampas. Bumaba na kami sa van.

"Sabi ko yung nerd lang yung kailangan namin!" sigaw nung kalbong may malaking katawan. Nakilala ko yung limang nasa isang tabi na mga nakaaway ko nung nakaraan. May mga kasama silang mukhang malalakas dahil malalaki ang katawan pero may isang nakaupo lang at mataman kaming tinitingnan. Hindi ko pa siya masyadong makita dahil madilim sa parteng inuupuan nito.

"At ano sa tingin mo basta na lang naming ibibigay itong bata namin sa inyo?" sagot ni Ephraim dun sa kalbong nagsalita kanina.

"Ibigay niyo na yang nerd na yan para hindi na kayo masaktan pa!" mayabang na sabi nung isang lalaki na may kulay dilaw na buhok.

"Kahit ibigay namin siya sa inyo o hindi, ganun pa rin naman mangyayari sa inyo... magugulpi lang kayo," napalingon ako kay Jade na biglang sumabat sa usapan nila. Nakacross-arms lang ito at mataray na nakatingin sa mga ito.

"Eh di kung ganun, away-away na lang 'to! Puro salita eh!" sabi nung maitim na lalaking katabi nung lalaking nagsalita kanina. Naramdaman kong humanda na yung mga kasama ko.

Halaa... anong gagawin ko?

Susugod na sana yung kabilang grupo nang biglang may magsalita sa kanila.

"Sandali," sabi nung lalaking nakaupo sa may sulok kanina. Tumayo na ito at binigyan siya ng daan nung mga kasama niya. Mukhang siya ang boss nila. Naglakad ito palapit sa'min kaya nakita ko na kung anong itsura niya. Hindi katulad ng mga kasamahan nito, hindi siya mukhang sanggano. Kasing-tangkad ko siya, maputi, at may kulay brown na buhok na medyo gulo-gulo pataas.

"Sasali ka din ba sa away ng mga panget mong alaga Xander?" tanong dito ni Red. Magkakilala sila? Tumawa lang yung lalaking tinawag na Xander. Tiningnan ko ito at napatigil ito sa pagtawa nang makitang nakatingin ako sa kanya.

"Hisashi buri Aj-kun," sabi nito habang nakatitig sa'kin. Teka, kilala niya ko?

"Kilala mo ko?" tanong ko sa kanya. Tumawa lang ulit ito at matalim akong tiningnan.

"Hindi mo na ba naaalala ang mukha ng bestfriend mo? Ang bestfriend na... tinraydor mo?" bigla akong kinabahan. Makikita sa mata nito ang galit.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Ephraim sa'kin.

"Hindi... hindi ko alam," naguguluhan kong sagot ko. Mukhang lalong nagalit si Xander. Tumawa lang ito at saka tumalikod. Nakita kong may binulong siya sa mga kasamahan nito at bigla na kaming sinugod ng mga 'to.

"Sandali!" tawag ko kay Xander pero sumakay na ito sa motorbike nito at umalis na sa lugar.

Kung totoo ang sinabi niya, bakit hindi ko siya matandaan?


***

ALTERSEVEN
Vote.Comment.BeAFan
EuclidAngel

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now