Chapter 28: Friend from the Past

1.5K 74 12
                                    

“B-Bakit ngayon ka lang?” sa wakas ay nasabi ko sa kanya. I heard him chuckle. Lumayo naman ito saglit at tinitigan ang mukha ko.

“I’m sorry,” sabi niya pa at pagkatapos ay pinakawalan na ako mula sa pagkakatali sa lubid. Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo nang bigla niya akong buhatin na ikinagulat ko naman.

“Hey you don’t need to—“

“Sshh, just let me carry you out of this dark place,” sabi niya habang buhat-buhat ako. Napasandig na lang ako sa dibdib niya. Ang bango niya. I can also feel his heartbeats beating fast too. Siguro ay dahil napagod ito sa pagligtas sa’kin.

“Mabuti naman at nahanap mo na siya,” napatingin ako sa nagsalita at saka ko lang napansin na nasa labas na pala kami ng bahay na pinagkulungan sa’kin at nasa harap na namin ang lahat ng myembro ng Blaue Rosen. Nagpababa naman na ako kay AJ at saka nahihiyang humarap sa kanila.

“T-Thank you sa pagligtas sa’kin,” pagpapasalamat ko sa kanila.

“Wala naman kaming masyadong ginawa,” bale-walang sabi ni Ephraim.

“Yeah right, parang nasayang lang ang pag-aalala ko kanina,” sabi pa ni Rom na nakabusangot ang mukha.

“B-Bakit? Anong nangyari?” takang tanong ko sa kanila. Ininguso naman ni Jade yung entrance ng mansion na pinagdalhan sa’kin. Napanganga ako nang makitang maraming gangsters na natutulog at nakasalampak sa may sahig. May mga sugat at pasa pa ang iba.

“We came here immediately after boss called pero pagdating namin, wala ng kaaway. Napabagsak na ng boyfriend mo lahat. Hindi man lang nagtira!” napapailing na sagot ni Red. Hindi ko naman alam kung paano magrereact.

“I already called the police kaya ikaw ng bahalang magpaliwanag sa kanila mamaya,” sabi naman ni Camille at pagkatapos ay tumalikod na ito palabas. Napatingin naman ako kay AJ na napatingin din sa’kin. He just smiled widely at me.

Pagkatapos dumating ng mga pulis at damputin ang mga gangsters ay sumama kami ni AJ sa kanila sa station para magbigay ng statement. Ibinigay ko sa kanila yung description nung lalaking tingin ko ay mastermind sa naganap na kidnapping.

Pauwi na kami nang mapansin kong masyadong tahimik si AJ. Parang malalim ang nasa isip nito at diretso lang itong nakatingin sa unahan ng sasakyan habang nagdadrive. Ang awkward tuloy, sobrang tahimik.

Teka, hindi kaya… nagshift na naman siya ng personality? Galing kami ng station kanina which means…

“Al?” tawag ko sa kanya. Nagulat naman ako nang bigla itong magpreno. “Bakit bigla kang nagpreno?” sigaw ko sa kanya. I immediately composed myself back after few seconds. Masyado yatang napalakas ang boses ko.

“Bigla ka rin kasing natawag ng pangalan! Can’t you see I’m driving?!” masungit na sagot nito at pagkatapos ay pinaandar na ulit ang sasakyan.

“So, si Al ka nga?” tanong ko ulit sa kanya.

“Yeah,” maiksing sagot nito. Napalunok naman ako ng ilang beses. Kaya pala ang serious mode niya ngayon. Pero teka, ang ibig sabihin…

“Your trigger is…police?” gulat kong tanong sa kanya. Napahugot naman ito ng malalim na paghinga.

“Maybe.”

Napatangu-tango naman ako. That explains it. Naalala ko noong una ko siyang makitang lumabas. There was a car accident that time at may mga pulis din sa paligid. Sunod na paglabas niya ay nang may biglang pumasok na mga pulis sa room na pinasukan ni Josh yesterday.

“Where’s Josh’s glasses?”

“Ahh here!” hinalungkat ko naman sa pouch na nakasukbit sa’kin yung salaming inabot ni Camille kanina bago kami magpunta ng station. Pagkaabot ay sinuot naman niya agad ito. Mas bagay nga naman sa kanya ang nakasalamin. Nerdy. Serious mode. Cool.

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now