Chapter 41: Shared Memories

1.7K 80 17
                                    

‘Let’s meet where we first met. The house with no windows at the West. When the brothers were finally together, that will be the time when I appear from the shadows.’ – 黒羊

“Anong ibig niyang sabihin sa ‘where we first met’? Doon kaya yun sa lumang mansion kung saan niya ko dinala nang kinidnap niya ko?” nanatiling tahimik ang kasama ko kaya napatingin ako dito.

“Hey Al, are you okay?”

Parang nagising naman ito bigla sa pagtapik ko sa balikat niya kaya agad itong tumingin sa’kin.

“Ahh yeah, I’m okay. M-May iniisip lang ako.”

“Obvious nga! I-share mo kasi yang nasa isip mo para naman mabawasan noh!”

“’The house with no windows at the West.’ It sounds familiar…”

“Pamilyar? Talaga? Kung ganun, alam mo na kung saan—“ Natigilan ako nang bigla na lang rumehistro sa utak ko ang isang pamilyar na imahe. Imahe ng isang lumang bahay sa dulo ng isang masukal na daan. May mga ligaw na damong tumutubo sa harap ng bakuran nitong mukhang ilang taon nang hindi napipinturahan. Basag na ang ilang bintana nito at halatang napabayaan na dahil sa tagal ng panahon.

Napapikit ako nang bigla ko na lang marinig mula sa isip ko ang isang pamilyar na boses.  

“Let’s go Ecka!”

“Saan tayo pupunta ate?”

“Basta, sumunod ka na lang!”

“Baka mapagalitan tayo nila mommy kapag umalis tayo ng walang paalam!”

“Okay lang yan, saglit lang naman tayo!”

“Sige, basta ikaw bahala ah?”

“Oo naman!”

“Al—“

“Ohh?”

I can feel my heartbeats in an uproar for the nth time because of my memories. Huminga muna ako ng malalim at saka ako tumingin kay Al na mukhang nag-aabang ng sasabihin ko.

Should I tell him about my past? About our past?

“Ahh w-wala… h-hindi pa ba tayo uuwi? Maggagabi na kasi…” sabi ko sa kanya at saka umiwas ng tingin.
Josh still has no memories about our past. He might get confused now kapag bigla ko na lang ikwento kung anong nalalaman ko. Hindi pa pwede, kailangan ko munang maghintay ng tamang oras.

“Oo nga noh! Sige, ang mabuti pa ay umuwi na tayo. Kapag may naisip kang posibleng maging clue kung saan yung lugar na tinutukoy ni Black Sheep, kontakin mo ko agad ha? I mean, si Josh. Call him right away. I’m sure magegets naman niya kung anong nangyari base sa pagpasok ng memories sa kanya later when he took over…”

“Ahh s-sure.”

“Let’s go!”

Nauna na itong tumayo at saka nakapamulsang dumiretso na pababa.

The house with no windows at the West… should I go and visit that, alone?

Let’s meet where we first met.
Kung ganun, isa rin si Black Sheep sa mga batang nakasama namin noon.

“We were friends before but he can’t remember it. He can’t remember me as well as the sins he committed.”

Pero sino?

Nang makauwi sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Binuksan ko ang drawer malapit sa kama at mula doon ay inilabas ko ang isang music box. It’s the music box my sister gave me on my 7th birthday. Itinaas ko ang takip nito at kahit mahina ay maririnig mula dito ang isang melody, a classical music. Kinuha ko ang kwintas na may pendant na susi mula sa loob nito at saka ako naupo at tinitigan ito.

ALTERSEVENUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum