Chapter 26: Black sheep

1.5K 80 7
                                    

A/N: This chapter is dedicated to @Miss_DyosangBaboy (。>﹏<。) ang cute niya kasi nagdemand ng update hahaha sorry for the long wait Eucliddos! May importanteng exam kasing dumaan. Anyway, balik monday update na po tayo! \(^o^)/ Actually,  kagabi pa talaga dapat 'to kaso mahina internet, malakas po kasi yung ulan. Hays. Mianhe! Enjoy the UD.
ありがとう。

~EuclidAngel(*˘︶˘*).。.:*♡

***

ERICKA'S POV

"Noona, are we going to die?” I bit my lower lip as I looked at his scared face. I don’t know how to answer him dahil maski ako ay natatakot din sa kung anong pwedeng mangyari sa’min. I feint a smile and held his hand.

“Don’t worry, it’s not yet your time,” napalingon ako sa katabi kong lalaki. His eyes were so distant it makes you think what kind of world he was seeing. If it was the same with what we, normal people see, I really wanted to know. 

“Why?” tanong nito nang mapansing nakatingin ako sa kanya. Napansin ko ang mga sugat sa braso niya at binti. Magsasalita pa lang sana ako nang makarinig kami ng sunud-sunod na mga yabag. Iniluwa ng malaking pintuan ang maraming lalaking nakasuot ng itim.

“Sinong kukunin natin?” rinig kong tanong ng isa sa kanila.

“Yung bubwit sa gilid!” sagot ng isa at kapagka’y napatingin sila sa direksyon namin. Napalunok ako at napahigpit ang hawak sa kamay ng batang nasa tabi ko.

“N-Noona…” his voice breaks my heart. I bit my lower lip then looked at the man who was slowly approaching us. I turned my gaze at the only door in the room. It was blocked by the black men.

“Hoy bata! Bitiwan mo yang bubwit na yan kung ayaw mong isama ka namin agad!”

Napabalik ang tingin ko sa lalaking nasa harap namin. Unti-unti itong naglakad palapit sa’min.

“A-Anong gagawin mo?”

“N-Noona… I-I’m s-scared…” nagsimula na itong umiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit.

“Wag niyo na kong pahirapan pa! Akin na yan!”

“No!” sigaw ko sa kanya.

“Makulit ka ah?” isang malakas na sampal ang naramdaman ko kaya tumalsik ako sa isang gilid. Nabitawan ko tuloy yung batang yakap ko.

“Awts! Let me go!” rinig kong sigaw ng bata. “Noona! Help me!”

Pilit akong tumayo kahit sobrang sakit pa rin ng pisngi ko at ng likod kong tumama pa sa pader.

“Bitiwan mo siya!” sigaw ko sa kanya pero parang wala lang itong narinig. Nageecho sa buong kwarto ang mga iyak ng bata habang karga-karga nila ito palabas ng kwarto.

Nagulat na lang ako nang biglang tumakbo palapit sa mga lalaking nakaitim yung batang lalaking kanina pa tahimik. Pero mas nagulat kami sa ginawa nito.

“Waaaaaahhhh!” palahaw ng bata.

“Anong ginawa mo?” sigaw ng lalaking may karga sa bata at saka sinampal ang batang lalaki dahilan para tumalsik ito sa isang sulok. Nabitawan nito ang basag na boteng may bakas na ng dugo.

Dahan-dahan kong tiningnan ang itsura ng batang karga-karga kanina ng lalaki. Kalunus-lunos ang itsura nito. His face was bleeding excessively.

Unti-unti kong ibinalik ang tingin sa batang lalaking may kagagawan nito. And to my surprise, he was smiling.

A smile with no regrets.

ALTERSEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon