Chapter 9: Sweetness Overload

2.2K 83 8
                                    

ERICKA'S POV

"San ba talaga tayo pupunta?" sa pangatlong pagkakataon ay tanong ko sa kanya. Hinintay ko kung may makukuha akong reaksyon mula sa kanya pero dumaan ang ilang segundo na parang wala itong narinig. Nanatiling nasa harap lang ang paningin nito. Nanatiling nasa harap lang ang paningin nito. Napasimangot na lang ako't napahalukipkip sa upuan ko.

"Naiinip ka na ba?" rinig kong tanong niya.

"Ayaw mo kasing sabihin kung saan tayo pupunta!"

"Hindi ko pa kasi alam kung anong isasagot sa tanong mo."

"Ha? Bakit naman? Teka, wala ka pang plano kung saan tayo pupunta?"

"Wala pa," sabi niya sabay ngiti ng maluwang. Napanganga ko sa sagot niya.

"Seryoso ka?"

"Saan mo ba gustong pumunta?" saglit akong natigilan sa tanong niya. Saan nga ba? Feeling ko naman okay lang kahit sa’n pa kami magpunta…

"Kahit saan…" sagot ko sabay tingin sa labas ng bintana. Mukhang malayo na rin pala ang nararating namin.

"Wala na bang kasunod yan?" tanong niya na ikinalingon ko. Nakakunot ang noong tiningnan ko siya. "Kahit saan di ba? Basta kasama ko?" sabi nito sabay kindat. Hindi ko tuloy alam kung paano magrereact. Biglang uminit ang mukha ko kaya agad akong napaiwas ng tingin. I fanned myself and tried to calm down. A smile has automatically curved in my lips.

“Kung ngingiti ka, dapat yung nakikita ko ng malinaw para mapangiti mo rin ako!” banat niya pa. Napangiwi ako nang mapansing nakatingin siya sa reflection sa bintana.

Halaa nakakahiya!

“S-sinong nangiti?” sabi ko sabay ayos ng upo and then I pout.

“Ako! Nakangiti ako kasi magkasama tayo!” sabi nito sabay halakhak. Oh shocks! Pwede bang irequest sa kanyang bumalik na muna siya sa pagiging Josh?

‘Okay Ericka--inhale, exhale! inhale, exhale!’ sabi ko sa sarili ko habang nagpapakawala ng malalalim na buntong-hininga.

"Okay ka lang ba? Inaasthma ka ba?" may pagaalalang tanong niya maya-maya.

"Ahh hindi... okay lang ako hehe," sagot ko sa kanya sabay kagat sa lower lip ko. Paano ba magpanggap ng hindi kinikilig?

"Akala ko napagod ka na... kanina ka pa kasi tumatakbo sa isip ko!" sabi niya sabay lip bite. Shet. Ang hot niya! At ang lips, parang ang sarap…

“WAIT!!!” sigaw ko. Bigla naman siyang nagpreno.

“Bakit?”

“Kasi ano… yah! Bakit ka nagpreno? Paandarin mo yung sasakyan!”

“Eh bigla ka kasing sumigaw! Ano bang problema?” tanong niya.

“Paandarin mo na!”

“Sagutin mo muna tanong ko!” sigaw nito.

“Ehh kasi ang gwapo mo! Ang hot mo! Tapos pumipick-up lines ka pa habang nagpapacute! Mauubusan ako ng hangin sa ginagawa mong pagpapakilig! Pwede bang… pwede bang hinay-hinay lang?” hinihingal pa ko ng matapos akong magsalita. Ilang segundo pa at saka ko narealize kung anong ginawa ko. Oh shocks! Did I really say that loud?

Tahimik na pinatakbo na niya ang sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana dahil ayokong makita ang reaction niya.

“Pfft—“ rinig ko pang pigil niya ng tawa. OMO! Kill me now please!

Maya-maya pa'y itinigil niya na ang kotse niya sa isang mall.

"Tara! Bili muna tayo ng maisusuot natin," sabi niya at saka naunang bumaba ng kotse. Oo nga pala, nakahospital gown pa rin ako hanggang ngayon. Tinanggal ko muna ang seatbelt ko at saka binuksan ang pinto at sumunod sa kanya. Napasimangot ako nang malingunan ko ang repleksyon ko sa salamin ng kotse niya. I looked like a pale white lady in a hospital gown!

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now