Chapter 11: Third

1.9K 91 5
                                    

"Wag mo ng masyadong isipin yung nakita mo para hindi ka na matakot,” sabi nito pagkababa namin ng sasakyan.

“Uhm sige…” sabi ko na lang sa kanya at saka nauna ng pumasok sa loob. I feel uneasy. Dumiretso ako sa kusina at saka naghilamos. Medyo nanginginig pa rin ako dahil sa nakita ko kanina.

“Ang mabuti pa siguro, magpahinga ka na lang muna sa kwarto. Ako na lang muna ang magluluto,” rinig kong sabi niya kaya napalingon ako dito. He looked so worried.

“I-I’m okay,” mahinang sabi ko sa kanya. Lumapit naman ito sa harap ko at hinawakan ang magkabila kong pisngi. I felt my cheeks burn. I gulped.

“Namumutla ka… you’re not okay. So go get some rest. Tatawagin na lang kita kapag luto na ang foods,” nakangiti pa nitong sabi. I felt relieved and secured. Tinanguan ko siya at saka pumasok na sa kwarto. Nagshower na muna ako at saka nagpalit ng damit. Inilabas ko ang laman ng bulsa ko at nakita ko yung amulet na nahulog nung lalaki kanina.

Nailagay ko pala siya sa bulsa ko…

Since I was a naturally born curious woman, sinilip ko kung anong nasa loob ng amulet at nakita ko ang isang SD card.

Wait, hindi kaya…

“Ericka?” napalingon ako sa pinto nang biglang pumasok si Josh. “Luto na yung uhm… ulam natin.”

“Sige magsusuklay lang ako saglit,” sabi ko sa kanya at pagkatapos ay iniwan niya na ko. Itinabi ko naman ulit yung SD card sa lalagyan niya at saka itinago sa drawer ko. Pagkatapos kong magsuklay ay lumabas na ko ng room. Naabutan ko naman si Josh na nag-aayos ng mesa.

“Anong niluto mo?”

“Uhm… I don’t know. I just mixed up some ingredients,” napapakamot pa sa ulong sabi nito. Napanganga na lang ako sa sinabi nito at saka tiningnan ang mangkok na nasa hapag at may lamang sabaw. Kumuha ako ng kutsara at tinikman ito.

“So? H-How is it?”

“I don’t know how it tastes. Parang may kakaibang lasa ei. Pero mukhang edible naman siya kaya hayaan na natin,” nakangiti kong sabi sa kanya at saka naupo na. Nagsandok ako ng kanin na hindi ko malaman kung overcooked ba o nasobrahan lang sa tubig dahil naghalo ang pamamasa at pagkasunog nito. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. At least he tried cooking.

Kumuha ako sa soup na nasa mangkok. Mukha siyang nilagang baboy pero may kangkong at okra dito. Hindi naman siya maasim kaya hindi ito sinigang, may patatas din na malalaki ang hiwa. Dumampot pa ko ng pritong manok. At least this fried chicken looked decent to eat.

“Pasensya na ah? Hindi talaga ako magaling magluto kaya yan lang ang nakayanan ko,” apologetic pa nitong sabi. Okay lang, cute ka naman.

“M-masarap naman ei! Next time, ako naman ang magluluto ng kakainin mo,” I smiled reassuringly at him.

“Do you want to swim later?”

“Eh? Wala akong swimsuit!”

“Okay lang yan, tayo lang naman ang nandito sa resthouse!” sabi pa nito sabay tawa. Kung si AJ ‘to ngayon, iisipin kong may iniisip itong kalokohan sa pagtawa niyang yan. But since he was the nerd and innocent Josh, I’ll just let it slide.

Pagkatapos naming kumain ay nagprisinta na akong maghugas ng mga pinagkainan namin. Nagpalit na lang muna ako ng white shirt at maiksing shorts bago sumunod sa kanya sa labas ng resthouse kung saan tanaw na ang beach. I looked around at saka ko nakita si Josh na nakaupo sa may buhanginan. He’s wearing white sando at striped black and white boxer shorts. Oh my, why is he so hot?

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now