Chapter 21: Sweet-lover

1.6K 88 4
                                    

I’m always watching you, Ericka.

Napatingin ako sa aninong papalapit sa’kin. Agad na napuno ng takot ang puso ko nang marinig ang tawa niya. Mula sa kung saan may narinig pa akong isang tunog. Isang classical music. Hindi ako pamilyar sa title nito pero ang alam ko ay napakinggan ko na siya noon.

Unti-unting lumalapit ang anino. Maliwanag sa likod nito kaya tanging silhouette lang niya ang nakikita ko. Matangkad siya at may magandang pangangatawan.

“Ericka…” marahan niya pang sabi. Papalapit siya nang papalapit. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.

“No!!!” sigaw ko. Agad akong napadilat. Hinihingal akong napatingin sa puting kisameng tumambad sa’kin.

“Are you okay, Eri?” nilingon ko si Josh na nakatunghay sa’kin.

“A-Anong ginagawa mo dito?” agad kong tanong sa kanya. Lumayo naman ito at saka nakacrossed arms na tumingin sa’kin.

“Nahimatay ka sa gate. Mabuti na lang at hinintay kita.”

“Ha? H-Hinintay mo ko sa gate?” parang may kung anong humaplos sa puso ko.

“Oo. Gabi na kasi kaya hindi kita pwedeng hayaang mag-isang umuwi. Ang sabi pa man din ni ate Euri, may nagbalita daw sa kanya na may gumagalang rapist ngayon sa area malapit sa school.”

“R-Rapist?” bigla akong kinilabutan sa sinabi nito.

“Oo! Kaya wag ka ng umuwing mag-isa!” malakas pang sabi nito habang nakakunot ang noo. Teka, galit ba siya?

“Bakit ka sumisigaw?”

“Wala!” sigaw pa nito. Huminga pa ito ng malalim bago magsalita ulit. “Bumangon ka na at magbreakfast. Ihahatid kita muna sa inyo para makapagpalit ka ng uniform,” kalmado ng sabi nito at saka tumalikod na’t dire-diretsong lumabas ng room. Napapikit-pikit pa ko habang nakatingin sa likod niya. Tinapik-tapik ko pa ang magkabila kong pisngi. Pakiramdam ko kasi’y nag-init ito bigla.

Bumangon naman na ako at saka sumunod sa kanya sa labas. Naabutan naman namin si ate Euri na nagbe-breakfast kasalo ang dalawang lalaki at isa pang babae. Kung hindi ako nagkakamali ay kuya ni Josh yung isa, si MJ. Sikat din kasi ito sa school, lalo pa’t student siya from Computer Engineering.

Napatigil sila sa pagkain nang makita ako. Okay, awkward. Kung bakit ba naman kasi sa dami ng pwedeng bahay na pwedeng tulugan ay dito pa ko sa bahay nila Josh nagpalipas ng gabi. Pwede naman niya kong gisingin tapos iuwi sa bahay namin di ba? Tsk. Tsk.

“Maupo na kayo Eri, Josh,” utos ni ate Euri kaya kahit parang gusto ko ng mabaon sa lupa dahil sa titig ng mga kapatid niya’y naupo na lang ako sa tabi niya. Umupo na rin si Josh sa tabi ko. Nagsandok na kami ng makakain.

“Ehem, siya na ba ang sagot sa mga dasal mo Josh?” nasamid ako bigla sa tanong ng kuya ni Josh. Nakangiti pa ito ng nakakaloko na mas lalong nagpagwapo dito. Pero nah, mas gwapo pa rin si Josh para sa’kin. Teka, ano na naman ba ‘tong sinasabi ko?

“Oo nga kuya, ipakilala mo naman sa’min ang girlfriend mo!” banat pa ng isang lalaking mukhang mas bata sa kanya. Pang boy next door ang itsura nito at mukhang habulin din ng chicks.

“Tigilan niyo nga si kuya Josh, kuya Vince! Hayaan nating si kuya Josh ang maginitiate na ipakilala siya sa’tin!” sabi naman ng babaeng parang manika sa sobrang cure. She has curled long hair tied in both sides. Napangiti naman ako sa ka-cute-an nilang magkakapatid.

“She’s Ericka, Josh’s friend,” sabi ni ate Euri. Awts, friend. “Ericka, these are my siblings. MJ, Vince and Joy.”

“Friend? I thought she was his girlfriend?” nakapout pang sabi ni Joy.

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now