Chapter 38: Suspicions

1.6K 68 7
                                    

“Anong sinabi niya sa’yo?”

“Ha?”

“T-The guy who initiated the kiss,” sabi nito at saka umiwas ng tingin.

“The next time I come out, you have to sleep with me.”

Napakagat ako sa ibabang labi ko at saka atubiling tumingin sa kanya.

“W-Wala.”

Napayuko ako, hindi ko alam kung paano ako titingin sa kanya ng diretso. Pakiramdam ko ay sobrang pula pa din ng mukha ko dahil ramdam ko pa din ang pag-iinit nito. Idagdag pa na parang nageecho pa din sa isip ko ang sinabing kondisyon ni AJ para pumayag siyang ipaubaya kay Al ang kaso.

Seryoso ba si AJ sa hinihingi niya? Hindi kaya tinitrip niya lang ako? Pero kung seryoso siya, papayag ka ba Ericka? Isusuko mo na ba ang bataan sa kanya? Halaa Erase! Erase!

Napatakip naman ako bigla sa mukha ko dahil sa tinatakbo ng isip ko. OMG Ericka, you are so perverted!

“Eri?” napabalik naman agad ang tingin ko kay Josh nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko. Halaa nasa harap ko nga pala si Josh ngayon!

“B-Bakit?” Parang na-guilty ako bigla nang makita ang pag-aalala sa mga mata nito.

“Are you okay? I can barely remembered what happened so…” huminga muna ito ng malalim at saka nagpatuloy. “Is there any thing I could do… for you?”

Parang may humaplos naman sa puso ko dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga, he’s the super-caring Josh I know. Ang kaso nga lang ay sa pagkakataong ito, hindi siya ang kailangan ko. Sorry Josh.

“Josh… kasi…”

Naglakad ito palapit sa may barricade at saka dumungaw para makita ang pinakababa mula dito. Napakagat naman ako sa ibaba kong labi at saka pilit pinakalma ang sarili.

Paano ko ba sasabihin sa kanyang kailangan ko si Al para malaman kung anong totoong nangyari doon sa lalaking nahulog? Paano ko sasabihin sa kanyang ipatake-over niya sa katawan niya si Al?

“I’m not the one you need… right?”

Lumingon ako kay Josh na nakatingin pa din sa baba. Parang may kung anong kumirot na naman sa puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko tuloy magawang sumagot, pinagsalikop ko na lang ang mga kamay kong pinagpapawisan na kanina pa.

“You need Al… and not me.”

Napapikit ako sa sinambit ni Josh. Ramdam ko ang lungkot sa mga binibitiwan niyang salita. Hindi ko alam pero ramdam ko ang sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko mula pa kanina.

“You know how to call him?”

Tumango naman ako. Narinig ko ang paghigit nito ng malalim na hininga at pagkatapos ay dahan-dahan itong lumapit sa’kin.

“I’ll let him take over, but in one condition…”

“Ha?” Awtomatikong napataas ang tingin ko sa kanya. Sobrang lapit na pala niya sa’kin kaya nang muntik nang tumama ang ulo ko sa mukha niya pagtaas ko ng tingin.

“A-Anong kondisyon?”

Pati ba naman siya, may kondisyon? Lihim akong napasimangot at napabuntong-hininga.

Parang nanigas naman ako sa kinatatayuan ko nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. “Don’t put yourself into any danger. Please, Eri.”

Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Yung kaninang sobrang bilis na pagtibok ng puso ko, pakiramdam ko ay dumoble pa. Natatakot akong marinig ni Josh ang ingay ng heartbeats ko. Dapat pala ay pinasakan ko muna ng headset ang tainga niya kanina bago niya ko yakapin para sure akong hindi niya maririnig ang pagwawala ng puso ko.

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now