Chapter 3: The Rescued Girl

2.8K 126 3
                                    

The Rescued girl’s POV

After mawalan ng malay yung lalaking nagligtas sa’kin ay tinawagan ko kaagad yung family driver namin. Nagtaka pa nga si Manong Bart kung sino yung akay-akay kong lalaki kaya pinaliwanag ko sa kanya yung nangyari.

“Naku ma’am, buti na lang pala at dumating siya kundi baka napano na kayo!”

“Oo nga manong eh! Natakot talaga ko kanina! Hayss..”

“Eh kung bakit mo naman kasi ako tinakasan na naman ma’am?”

“Oooppss!!,” nagpeace-sign na lang ako sa kanya. Eh kasi naman may pinuntahan pa ko dun eh...

Nang makarating kami sa bahay ay tinulungan ako ni manong Bart para buhatin yung ‘hero’ ko paakyat ng kwarto. Buti na lang wala sila mommy kundi katakot-takot na tanong ang aabutin ko nito!

“Ako na pong bahala sa kanya manong, pwede na po kayong lumabas, salamat po!”

Tumango na lang ang matanda habang pangiti-ngiti pang  lumabas. Nagbihis na muna ko ng pangbahay tapos umupo ako sa tabi nito.

OMO!! Ang gwapo pala niya! Lalo na ngayong wala siyang salamin. Kinuha ko sa bag ko yung salamin nito na pinulot ko kanina. Inilagay ko ito sa mesa sa tabi nito.

Hmm.. pero kakaiba siya ah? Nung una kasi akala ko ang weaaaaaaaaaaaaak weak niya! As in! kaya nga natakot ako nung sa dami ng pwedeng lumapit at tumulong sa’kin eh siya pa ang lumapit! Pero nung kinuha nung goon yung salamin niya.. parang nag-iba siya? Weird.

Pero ang cool!! Parang yung mga nababasa ko lang sa mga shoujo manga!! Kakoiii!!!

Napansin ko yung I.D na suot niya at tiningnan ito. Sabi ko na nga ba same school kami eh!

Hmm.. Allan Joshua S. Rilorcasa pala ang name niya.. nice name!! Pero teka, Rilorcasa? Kaapelyido niya yung sikat na Ice Queen sa school?

Hindi kaya magkamag-anak sila?

Ihhhhh!!! Idol ko yun ihhh!!! Pag nagkataon.. OMG!! Teka, bat kinikilig ako?

Napagawi yung tingin ko dun sa likod nung I.D tapos may nakita akong contact number. Oo nga pala! Dapat tawagan ko na yung mom or dad  niya!! Kinuha ko yung phone ko at kinontak yung number na nakuha ko dito. Ilang rin lang at may sumagot na sa kabilang linya.

“Hello?”

“Ahh hello po? This is Ericka Basilonia.. ahm.. regarding Joshua Ri—“

"You’re with Josh? Where is he?”

“Ahh eh nasa bahay ko po siya ngayon—“

“What?”

“Ahm eh yun nga po.. nawalan po kasi siya ng malay kanina—“

“Sh*t!! anong address yan at pupunta ko?”

“Ahh sa Parkview Village po.. Blk 22 Lot 12”

“Got it! Papunta na ko diyan! Salamat!”

*toot toot*

O-kay. Halos lahat ng gusto kong sabihin lahat di natuloy? Pero teka, sabi niya pupunta siya dito? At base dun sa boses ng nakausap ko, halata naming babae yun at medyo bata pa? Ate niya kaya? O.. girlfriend? 💔

Halaa erase that broken heart!! W-wala naman akong paki kahit m-may girlfriend na siya eh!! He just saved me! Ni hindi niya nga ko kilala di ba? Pero okay lang naman siguro kung magiging crush ko siya di ba?

Umupo na lang ulit ako sa tabi nito at tinitigan ang maamo nitong mukha.

Aha!

Kinuha ko yung phone ko at pinicturan ito. Wala naman sigurong masama kung gagawin ko ‘tong wallpaper di ba? Hihi

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now