Chapter 35: A Jerk and A Prince

1.6K 76 9
                                    

I heard my alarm broke off kaya kahit antok pa ay pupungas-pungas na bumangon na ko mula sa kama ko. I immediately checked my phone para tingnan ang oras. It’s only 8AM. I neither have any text messages nor missed calls.

Sabagay, ano pa nga bang aasahan ko? I stretched my arms and bend it sideways along with my body.

‘Let’s meet soon. -黒羊’

Naalala ko na naman yung nakasulat sa card na padala ni Black Sheep. Pagkabasa kasi ni Al dun sa nakasulat sa card ay ibinalik niya na sa’kin yung flowers at saka nauna ng lumabas. Pareho lang kaming tahimik sa byahe hanggang sa makuwi. I was waiting for him to open a conversation pero wala man lang siyang sinabing kahit na ano pagkabanggit niya ng ‘Black Sheep’. Hindi ko tuloy alam kung ano bang dapat kong isipin. And take note, that was already a week ago.

Wala man lang paramdam ang mokong!

Tumayo na ako at saka nagtuloy sa C.R para maligo. May 10AM class kasi ako ngayon at ayokong malate. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako dala ang bag at books ko. Dire-diretso akong pumunta sa kitchen para magbreakfast. Since wala naman akong nakakasabay kumain ay nakaugalian ko ng sa kitchen kumain. Naabutan ko pa si yaya Carol na naglalagay ng food sa lunch box.

“Is that for me, ya?” malambing kong tanong sa kanya at saka tiningnan ang niluto niya. It’s my favorite hamonado! Mukhang walang diet-diet muna this day!

“Aba’y syempre naman! Magbebreakfast ka ba? Gusto mong ipagsandok kita?”

“Ahh naku hindi na po ya! Hot chocolate na lang po!”

“Sigurado ka?”

“Yup!” masigla kong sagot sa kanya bago ito tumalikod para ipagtimpla ako ng hot chocolate. Naupo naman ako sa mesa at saka ibinalik ang tingin sa mga lunch box na nasa ibabaw nito.

“Teka, bakit po dalawa yung lunch box? Para kanino po yung isa?”

“Syempre para sa boyfriend mo hija! Sabihan mo naman siyang dumalaw dito minsan nang maipagluto ko! Mukha pa naman siyang mahilig sa sweets!”

“T-Teka po, si Josh po ba tinutukoy niyo?”

“Aba’t may iba pa ba?” ibinaba na nito sa harap ko ang hot chocolate at saka naupo sa tabi ko.

“Ahh ehh kasi naman ya, wala naman kaming label ei…” nakasimangot kong sabi sa kanya at saka sinimulang simsimin ang mainit na tsokolate.

“Naku naman hija, wag ka ngang negative diyan! I’m sure sa huli kayo pa din ang magkakatuluyan! Trust me, yaya knows best!” Napangiti ako sa sinabi nito. She can really boost my spirit with so little efforts.

Sana ganyan din si mom sa’kin…

Pagkaubos ko sa iniinom ko ay inilagay ko na sa bag ko yung dalawang lunch box at saka nagpaalam kay yaya Carol. Pagkalabas ko ng kitchen ay bahagya pa akong nagulat nang maabutan sa living room si dad. Muntik ko na namang makalimutan na dito pa rin pala sila nakatira kahit mas matumal pa yata sa buhos ng ulan tuwing summer ang pag-uwi nila ni mom dahil sa kabi-kabilang business ventures. Kung sabagay, laganap na nga pala ang climate change.

Lalampasan ko n asana ito tutal naman ay parang abala ito sa binabasang dyaryo nang marinig kong magsalita ito.

“I heard you’ve been admitted to the hospital last week. Have you gotten yourself into trouble again?” nakakunot-noong tanong nito pagkababa sa hawak na dyaryo.

Seriously, he was asking that now?

“It was just an accident dad,” matamlay kong sagot sa kanya.

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now