Chapter 32: Prime Witness

1.5K 77 6
                                    

ERICKA'S POV

It has been hours since Annika left pero pakiramdam ko ay nag-eecho pa rin ang galit na boses nito sa apat na sulok ng kwarto. Great, I just lose my best friend this day and my body's still aching. I looked at Josh who was sleeping soundly at the bed beside me. He looked so calm and at peace.

Ano kayang magiging reaksyon ni Josh kung sakaling nakita niya o narinig ang naging pag-uusap namin ni Annika kanina? Will he be flattered? Annoyed? I let out a deep sigh. He'll probably get confused too.

Ang mabuti pa ay maglakad-lakad na muna ako para naman kahit papaano ay mawala ang pangangalay ng likod ko. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa at pagkatapos ay bumaba ako sa kama ko. I tried so hard not to make any unnecessary noise so I won't disturb Josh's sleep. After I went out of the room, I looked at the long, dim-lit corridor. Napalunok ako nang maalala na naman yung movie na napanood ko before about four filmmakers who are watching a documentary about a certain haunted Hospital in Changi in the beginning. It ended in an abrupt manner that's why they decided to spend a day and a night at the Changi Hospital to figure out what happened and perhaps finish the story themselves. Kung hindi ako nagkakamali ay "Haunted Changi" ang title ng movie na 'yun. That movie was the reason why I easily get scared whenever I'm in a very quiet hospital. I looked at my wrist watch and found that it was only 6PM. I then let out a sigh of relief. Masyado pa palang maaga.

Siguro naman ay wala pang multong nagpapakita ng ganitong oras di ba?

Nagsimula akong maglakad palayo ng kwarto ko. May mga nadaanan pa akong mga rooms na may mga paalis ng bisita. Mukhang mga nagdala sila ng foods sa kamag-anak nilang naka-admit dahil may mga dala pa silang lunch box at cooler. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom. Oo nga pala, hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga. No wonder may gyera ng nangyayari sa pagitan ng mga baby snakes sa tiyan ko.

I took my phone from my lab gown's pocket at saka tinext si yaya Carol habang patuloy sa paglalakad.

Nagulat na lang ako nang biglang may bumunggo sa'kin mula sa harap, dahilan para mahulog ang cellphone ko sa sahig. Shocked, I was unable to react immediately. Napatulala na lang ako sa lalaking nakabangga ko at sa phone kong nasa lapag. Saka ko lang napansin na doctor pala ito base sa suot nitong white lab coat.

"S-sorry miss," agad namang sabi nito at saka dinampot ang nabagsak kong phone. Hindi ko maiwasang mainggit sa mahahaba at mala-kandilang mga daliri nito. Pagkakuha ay agad niyang inabot sa'kin ang cellphone. I can't see his face clearly dahil nga medyo madilim sa corridor at may suot pa itong mask at headdress, not to mention na may suot din itong salamin. Siguro ay kagagaling lang nito sa operating room. I looked at his nameplate and saw that he's Dr. Renzo Cinco.

"Salamat po," maiksing sagot ko sa kanya. Tinanguan niya lang ako bilang tugon at saka nauna ng umalis. I immediately turned on my phone at maya-maya pa'y nag-appear na sa screen ang name ni yaya Carol.

"Hello ya?" I turned my back when I realized that I was at the end of the corridor, near the emergency exits. Hahakbang na sana ako palayo nang may marinig akong mahinang ungol mula sa taas ng hagdan.

"Pabalik na kami ni Ms. Euri at may dala na kaming makakain. Pasensya na kung medyo natagalan, ang haba kasi ng pila..," halos hindi ko na napakinggan pa ang mga sinasabi ni yaya Carol dahil mas nanaig ang kuryosidad ko sa kung anumang narinig ko mula sa taas.

"Wait lang ya, I'll just check something here," sabi ko sa kanya at saka dahan-dahang humakbang paakyat.

"Anong iche-check mo? Nasa labas ka ba ng room mo?"

"Yeah, naglakad-lakad po ako," mga ilang hakbang pa at saka ko narating ang papaikot na hagdan paakyat. And as soon as I turned on my right to step another one, I was dumbfounded to see a very unexpected sight.

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now