Chapter 15: The Solution

1.7K 101 14
                                    

After few minutes, we found ourselves in the school’s gymnasium kaharap ang mga naglalakihang players ng basketball team. They were all looking at us with mixed emotions. Yung iba nakakunot ang noo, yung iba naman ay nagtataka at yung iba ay nagnanakaw ng tingin sa’kin at saka nangiti ng maluwang.

Halaa? What’s with these guys?

Bahagya akong lumapit kay Al at nagtago sa likod nito. Napansin ko naman ang pagkawala ng ngiti nila. Hmp! Dapat lang noh! Matakot sila kay AJ—este kay Al! Magaling kaya ‘tong makipag-away!

Maya-maya lang ay dumating na rin sila ate Euri kasama si kuya Bryle at Ephraim. May mga kasama na din kaming pulis na tinawagan din ni Al kanina.

“So, what do we have here?” tanong ni Coach Jorge na nakacrossed-arms pa at nakatayo sa tabi ng mga players.

“I’m here to tell you the identity of Gray Navales’s killer,” dire-diretsong sabi ni Al. Napanganga naman ang iba sa mga players. Ang iba ay tinawanan pa siya at bahagya pang umiiling-iling.

“Hindi ba si Ephraim ang pumatay? Siya lang ang may motibo dito para patayin si Gray!” sabi nung lalaking kulay brown ang buhok. May sukbit itong backpack sa kanang balikat at may nakapatong pang tuwalya sa leeg nito.

“Sinabi ko na ngang hindi ako ang pumatay sa gagong yun!” sigaw naman ni Ephraim. Halatang inis na inis na ito dahil siya ang tinuturong suspek ng krimen.

“Right. He’s just the first discoverer of the body. Pero nagkataon nga lang kaya na nandoon siya kaninang umaga?” napaisip ako sa sinabi niya. Humarap ito kay Ephraim at saka ito tinanong. “Why did you go there this morning?”

“May nagtext sa’kin na kailangan daw akong makausap ni Coach Jorge kaninang umaga kaya agad akong pumunta sa Education building. Pagdaan ko sa office ni Sir, wala pa siya kaya nagC.R na muna ako at doon ko nga nakita yung bangkay ni Gray. Paglabas ko, saktong nakita ko si Coach Jorge na papasok sa office niya at doon ko sinabi sa kanya yung nakita ko,” paliwanag ni Ephraim. Pero teka, kung may nagtext sa kanya this morning, hindi kaya may gustong mag-frame up sa kanya?

“Come to think of it, wala akong maalalang appointment sa’yo this morning Ephraim,” sabat ni Coach Jorge habang nakakunot ang noo.

“Nako! Bistado ka na pre! Tigilan mo na paggawa ng kwento!” sabi naman ng lalaking medyo semi-kalbo ang buhok. May sukbit itong sports bag at hawak ang cellphone sa kaliwang kamay.

“Hindi ako gumagawa ng kwento ah!” akmang susugurin nito ang lalaki nang pigilan ito ni Camille.

“Can you dial the number who texted you this morning?” sabi ni Al dito. Huminga muna ito ng malalim bago sumunod at saka sinubukang tawagan ang number.

“Cannot be reached,” sabi nito at saka ibinaba ang cellphone.

“Inspector, can you please turn on the victim’s phone?” sabi ni Al sa Inspector at pagkatapos ay sinabihan niya si Ephraim na tawagan ulit ang number. Napasinghap kami nang magring ang cellphone ng biktima.

“Anong ibig sabihin nito?” takang tanong ni Ephraim.

“It was Gray who lured you to come this morning,” sagot ni Al. Napuno ng bulungan ang buong gym. Kanya-kanyang kuro-kuro ang sinasabi nila pero hindi ko sila inintindi. Bahagya akong nakarinig ng kakaibang tunog mula sa kanila kaya napalingon ako sa mga ito.

Asan na yun?

“P-pero bakit?” takang tanong ni Ephraim.

“He wants you to witness something,” sabi nito habang matamang nakatingin sa mga nasa harap namin. Sinundan ko ang tingin nito at saka ako napakurap-kurap nang matukoy ang taong tinitingnan niya.

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now