Chapter 37: His Condition

1.4K 68 5
                                    

Seriously, I’m not sure what kind of face should I make upon seeing the sight that occurred before me. AJ is desperately resisting on the ground with both hands tied at the back. Nakatayo sa tabi nito si ate Euri na mukhang kakatapos lang igapos ang kapatid at si kuya Bryle na nangingiti na lang habang nakatingin sa pagkasadista ng girlfriend. I took a deep breath at saka naka-crossed arms na napailing-iling na lang kay AJ.

“Hey dear, aren’t you gonna help me here?” tanong pa ni AJ pagkakita niya sa’kin habang pilit na kumakawala mula sa pagkakagapos. It seems like he was caught off guard by his sister right after he went off the scene a while ago. Ito na nga ba ang sinasabi ko sa kanya kaya ko siya niyayayang bumalik na kanina pa.

“You know you have 2pm class yet you are still lurking around here?” halos mag-echo sa lahat ng sulok ng may kadilimang bahagi ng hagdang iyon ang boses ni ate Euri. U-oh! Naiimagine kong kanina niya pa hinahanap si Josh kaya ganito na lang ang galit niya ngayon o kung hindi naman ay…

“Ay ate Euri!” tawag ko sa pansin niya.

“What?” nakakunot ang noong lumingon siya sa’kin.

“Someone attacked us a while ago! Wala po bang dumaan dito pababa?”

“Ha?” parang bigla itong napaisip at maya-maya pa’y nanlaki ang mga mata nito at pagkatapos ay napatingin sa katabing si kuya Bryle.

“I told you,” sabi pa sa kanya ni kuya Bryle. Napakunot naman ang noo ko sa naging reaksyon nilang dalawa. Sabay na napadako ang tingin nila sa pinto ng Emergency Exit at pagkatapos ay dagli silang tumakbo palapit dito.

Ipinaglipat-lipat ko ang tingin ko kay AJ na nasa lapag at kina ate Euri na humahangos papunta sa pinto. What should I do first?

“Oh my God!” malakas na sigaw ni ate Euri ilang saglit matapos nitong buksan ang pinto. Dahil mas umiral ang curiousity ko kaysa sa pagtanggal sa pagkakatali ni AJ, agad akong tumakbo papunta sa pwesto nila ate Euri at tiningnan kung anong tinitingnan nila sa ibaba.

And there it is—the man who’s probably the one who shot the arrow with a message earlier, lying in the ground below us. May mga iilan ng estudyante ang nakapaligid dito at kahit limang palapag ang taas namin ay kita namin ang bakas ng dugong nagmumula sa katawan nito—a pool of blood that bordered his lifeless body. Kung aksidente mang nahulog ito dahil sa pagmamadali o may iba pang taong tumulak sa kanya para sapitin niya ang malagim na nangyari sa kanya, I’m not really sure.

“Hey! What happened?” rinig ko pang sigaw ni AJ na mukhang papalapit na din sa’min.

“I’ll call 911! Bryle, call the student council officers to stop the students from getting near the scene!” agad na sabi ni ate Euri at saka kinuha ang phone sa bulsa. Si kuya Bryle naman ay agad na tumakbo paalis para sundin ang pinagagawa ni ate Euri.

“What? Someone died?” casual na tanong lang ni AJ habang nakadungaw sa duguang katawang nasa baba.

“Hey! May klase pa kayo! Pumunta na kayo sa mga rooms niyo at kami ng bahala dito,” sabi sa’min ni ate Euri pagkatapos nitong ibaba ang tawag.

“Pero ate Euri—“

“Ericka!” pigil niya sa pagsasalita ko. Nagpakawala muna ito ng malalim na buntong-hininga at pagkatapos ay kalmadong tumingin sa’kin. “Okay fine. You won’t be able to focus in your class anyway. Now, tell me what exactly happened before we came.”
Huminga muna ako ng malalim at saka tiningnan silang dalawa.

“Papaalis na po ako kanina nang bigla na lang may lumipad na kung ano sa harap ko. I found out that it was an arrow with a weird message attached on it. Mabuti na nga lang po at nahila ako ni AJ…”

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now