Chapter 47: Death

988 57 4
                                    

Death is here. Call me ASAP.

Halos mabitawan ko ang phone ko nang mabasa ang message na iyon ni Ate Euri. Dali-dali akong bumangon at saka nagpalit ng damit. Agad kong kinuha ang phone ko at pagkatapos ay lumabas na ng bahay. Naabutan ko naman sa garahe si Manong Bart na kakatapos lang maglinis ng kotse.

"Manong Bart! Pwede niyo po ba kong ihatid kina ate Euri?"

"Ahh sige hija, sumakay ka na. Teka, nagmamadali ka ba?"

"Opo! May emergency po kasi!" sabi ko sa kanya at saka sumakay na sa kotse. Binalikan ko ang message ni ate Euri sa phone ko pagkaupong-pagkaupo ko sa loob.

Death is here. Call me ASAP.

Death. The last Alter of Josh and the one who Al referred as 'the psychopath'.

"Psychopath? Seryoso?" nakanganga ko pang tanong sa kanya.

"Yeah. He's more violent than AJ and Third. Wala siyang sinasanto at walang nakakakontrol sa kanya. He's the most dangerous among us, the psychopathic murderer."

"M-murderer?"

"Yes. He existed for the sole purpose of killing," tuluy-tuloy pang sabi niya.

Napapikit ako at saka huminga ng malalim. How did Death come out? Kagabi lang ay si Al pa ang nasa katawan niya bago kami maghiwalay matapos niyang i-solve ang kaso.

May nakapagtrigger kaya sa kanya habang pauwi?

"Naku, iba na talaga ang panahon ngayon!" napatingin ako sa rear view mirror nang marinig kong magsalita si Manong Bart.

"Bakit po?" tanong ko sa kanya.

"Eh kagabi lang ay may nangyaring gulo diyan sa kabilang kanto, pakalabas ng subdivision natin! Mukhang grupo ng kabataang sangkot sa fraternity. Ang dami nga daw patay ayon sa balita."

"P-Patay? K-Kagabi lang po?"

"Oo! Kaya huwag kang magpapagabi ha? Kapag kailangan mo ng susundo, tawagan mo agad ako o kaya ay si yaya Carol mo para masiguro namin ang kaligtasan mo."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Ayoko mang pagdudahan si Josh pero hindi ko maiwasang kutuban ng masama lalo pa at mukhang hindi basta coincidence ang mga nangyayari.

Kung sakaling tama ang hinala kong nasangkot si Josh sa gulo kagabi, ibig sabihin ay may kung anong nakapagtrigger sa kanya para lumabas si Death...

Ang tanong ay, ano?

Maya-maya pa'y nakarating na kami sa bahay nila Ate Euri. Nagpasalamat muna ako kay Manong Bart at saka dali-dali nang tumakbo papasok. Naabutan ko naman sa living room ang magkakapatid na Rilorcasa, gayundin ang mga member ng Blaue Rosen na mukhang may mga nakaaway dahil sa mga sugat at pasa nila sa mukha.

"Mabuti naman at nandito ka na, Ericka," salubong sa'kin ni ate Euri.

"A-Ano pong nangyari? Asan po si Josh?"

"He's on his room."

"Po?"

"Umuwi siya kagabi with his clothes dirtied by blood. Tinanong ko siya kung anong nangyari pero parang wala lang siyang naririnig na tumuluy-tuloy lang ng lakad paakyat. I got worried kaya sinabi ko agad kay Ate Euri ang tungkol dito," paliwanag ng kuya ni Josh.

"We went on his room immediately, only to find him busy typing on his PC," pagpapatuloy ni ate Euri. "When I looked at his eyes, I was convinced that it was Sean completing his novel."

ALTERSEVENTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang