Chapter 22: Trigger or a Clue

1.5K 85 5
                                    

JOSHUA'S POV

My mind suddenly got activated after hearing my clock alarmed. I stretched my hand to stop it from ruining my day at pagkatapos ay pumikit ulit ako. Yesterday's memory suddenly popped in my imagination.

Eri's face while kissing me. Napapikit ako ng mariin. Parang may mga dagang biglang naghahabulan sa tiyan ko. Napabangon ako bigla at napatanggal ng kumot. Pakiramdam ko'y nag-init bigla ang buong katawan ko.

Oh damn it!

Dumiretso ako sa C.R at saka naghilamos. Naalala ko na naman yung gabing nahimatay si Ericka sa may gate ng school.

"Asan na ba si Ericka? Gabi na ah?" For the nth time ay tumingin ako sa relo ko. It was already quarter to eight at mangilan-ngilan na lang ang mga students na naglalakad palabas. Ang sabi niya kanina ay nakalabas na siya ng locker pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Gaano ba kalayo ang building niya papunta dito sa gate?

Lumabas na muna ako ng sasakyan ko at saka lumapit sa gate. Nakita ko naman si Ericka dito na may hawak pang papel.

"Ma'am, okay lang ba kayo? Namumutla na kayo?" rinig kong tanong ni Manong guard dito. Agad akong tumakbo palapit sa kanila. Akmang hahawakan ni manong guard si Ericka nang ilayo ko siya dito.

"Don't touch her," madiin kong sabi na mukhang ikinagulat ni manong guard. I don't know why but I felt like I don't want anyone to touch her aside from me. Pabagsak na sumandig naman si Ericka sa dibdib ko. Kahit nanghihina ay pilit itong dumilat para tingnan ako. Tatanungin ko pa lang sana kung okay lang ba siya nang mapipi ako bigla sa inusal niya.

"A-AJ?"

She called me AJ. Damn it. Napakuyom ako ng kamao at saka tumingin sa sarili kong repleksyon.

Bakit hindi niya ko tinawag as Josh? Bakit AJ ang binanggit niya at hindi Josh? Aish!

Huminga ako ng malalim at saka ko pinakalma ang sarili ko. Biglang nagsumiksik naman sa isip ko yung mga nangyari kahapon sa bahay ni Eri. Damn. Napahilamos ako sa mukha nang maalala lahat ng pinaggagawa ng isa ko pang personality.

"Noona! May boyfriend ka na?"

"Ha?"

"Pag lumaki na ko, can I marry you?"

"Ha? M-Marry me?"

"Yup! You can take care of me forever!" I held both of her hands."Am I not good enough? P-Pag lumaki ako, promise magiging doctor ako tapos magpapagawa ako ng malaking hospital! I'll make you happy!"

"Talaga? Then, I'll marry you kapag lumaki ka na!"

"Promise?"

Oh damn! Did I really do that? Huminga ako ng malalim at saka napapikit.

Anong mukha na lang ang ihaharap ko kay Ericka nito?

Nagpalit ako ng damit at saka dumiretso sa gym ng bahay namin. Huminga ako ng malalim at saka sinimulang suntukin yung punching bag.

Oh sh*t! Okay lang sana kung hindi ko naaalala kung anong mga ginawa nila katulad ng sitwasyon namin before. Pero iba na ngayon. Tama si Eri. I can now recall everything.

Sinuntok ko ng malakas yung punching bag kaya malakas din itong nagswing pabalik. Hinihingal na lang akong napayakap dito.

"Got some problems bro?" napalingon ako kay kuya na kakapasok lang. Mukhang magwowork-out din ito based on his get-up. Oo nga pala, Saturday ngayon kaya wala din itong pasok.

ALTERSEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon