Chapter 46: Death Loop

924 51 2
                                    

Ilang sandali pa at nagtipun-tipon na ang lahat sa kwarto ni Ms. Jenica, ang pangalawang anak ni Mr. Anderson. Halata sa mukha ng matanda ang matinding pagkabalisa habang mababakas naman ang antisipasyon sa mga mukha ng iba pang nasa loob ng kwarto.

I looked at Al who is very quiet beside me. His arms are crossed while leaning on the cold wall with his eyes closed. I can't help myself but to admire this cool personality of his.

"N-Nalutas niyo na ba ang kaso? Alam niyo na ba kung sinong pumatay sa mga anak ko?" agad na tanong ni Mr. Anderson. Naramdaman ko ang bahagyang pagkilos ni Al sa tabi ko kaya napatingin ako dito.

"Yeah. I have already solved the case."

"K-Kung ganun, sino? S-Sino ang gumawa nito sa kanila?"

"Let me start my deduction first with the first murder, the death of Ms. Ma. Cecilia," tumigil ito saglit at saka sinenyasan si Atty. Casao na nasa tabi ni Mr. Anderson. "Base sa mga pictures niya at pati na din sa mga description sa kanya ng mga nakakakilala sa kanya, I can say that she's the kind and caring type of a daughter. She constantly worries about her father and her two sisters. Kaya naman nang makagawa siya ng pagkakamali na maaaring ikagalit ng pamilya niya ay agad siyang pumunta sa ninong niya para humingi dito ng advice. Tama ba ko, Attorney?"

"Ah o-oo," sang-ayon naman ni Attorney.

"T-Teka, anong pagkakamali ang sinasabi mo?" tanong ni Mr. Anderson.

"Ms. Ma. Cecilia was pregnant."

I heard how most of the people inside room gasped with the sudden news from Al.

"A-Anong sinasabi mo? P-paano nangyari iyon?" hindi makapaniwalang reaksyon ni Mr. Anderson.

"Ang sabi niya sa'kin ay may nangyari daw sa kanila ng boyfriend niyang si Dave nang minsan siyang dumalaw dito noong masama ang pakiramdam nito. Iyak siya nang iyak habang nagkekwento siya sa'kin dahil hindi niya daw alam kung anong gagawin at kung paano sasabihin sa'yo ang totoo..."

"Pwede niyo po bang sabihin kung anong advice ang binigay niyo kay Ms. Cecilia nang mga oras na iyon?"

"I told her to be strong dahil alam ko namang mauunawaan siya ng daddy niya. At kung hindi niya kayang sabihin dito mag-isa ang kalagayan niya, pwede ko siyang samahan o di kaya'y ng mga kapatid niya. Sabi ko pa nga'y wala siyang dapat ipag-alala dahil marami namang nagmamahal sa kanya."

"P-Pero wala man lang nabanggit sa'kin ang anak ko..." nanlulumong saad pa ni Mr. Anderson. Nakaramdam naman ako ng lungkot. Hindi lang mga anak niya ang namatay kundi pati na din ang nag-iisa niyang apong hindi pa naisisilang.

"Namatay si Cecilia bago pa man niya masabi sa'yo ang tungkol sa ipinagbubuntis niya..." malungkot na usal ni Attorney.

"Yes, she was killed but it was because she told her killer that she was pregnant," seryosong sabi ni Al.

"W-What?" parang bombang nagpatahimik sa buong kwarto ang sinabing iyon ni Al.

"Her sister, Ms. Ma. Jenica killed her," sagot ni Al dito. Napakagat naman ako sa mga labi ko habang patuloy lang na nakikinig dito.

"N-Nagbibiro ka ba hijo? Paanong si Jenica ang pumatay kay Cecilia? Namatay din si Jenica di ba? Anong—" napahilamos na lang sa mukha si Mr. Anderson, halatang gulong-gulo sa nangyayari.

"Mukhang bago pa man maging boyfriend ni Ms. Cecilia ang nakabuntis ditong si Dave ay may gusto na dito si Ms. Jenica. I think it was just one-sided at first but later on, her feelings has been reciprocated by Dave."

"Naging sila?" agad na tanong ko kay Al. Napatakip naman ako sa bibig ko nang marealize na napalakas ang boses ko. Sorry naman, nadala lang ng emosyon!

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now