Chapter 16: Secret

1.6K 85 8
                                    

“Psychopath? Seryoso?” nakanganga ko pang tanong sa kanya.

“Yeah. He’s more violent than AJ and Third. Wala siyang sinasanto at walang nakakakontrol sa kanya. He’s the most dangerous among us, the psychopathic murderer.”

“M-murderer?”

“Yes. He existed for the sole purpose of killing,” tuluy-tuloy pang sabi niya. Napapikit ako at saka huminga ng malalim.

“Y-You mean, n-nakapatay na siya ng tao?” nanlalambot kong tanong. Hindi niya ako sinagot. But seeing how serious his facial expression is, parang nasagot na rin ang tanong ko.

“Starting from now on, maaalala na ni Josh ang lahat ng mangyayari sa oras na may ibang personality ang magtake-over sa katawan na ‘to. He’ll be aware, but he won’t be able to do anything,” seryosong sabi niya habang tinitigan ako sa mga mata.

“That’s my curse. Since I was the smartest, I can make him remember everything once he came out after me,” mahina niyang sabi habang dahan-dahan pang lumapit sa’kin. Hinawakan niya ang pisngi ko. Parang bigla namang nag-init ang buong mukha ko. “Do you hate me now?”

I looked at his eyes intently. Oh God, I feel like melting with his stares.

How can I hate such guy?

“No,” I whispered. He then let out a smile.

“Do you want me to share some secret?”

“Ha?”

“There is a way on how to bring Josh back even when another is taking over this body. Do you wanna know how?” mahina niyang sabi habang nakatingin sa mga labi ko. He then bit his lower lip na nagpabilis ng husto sa heart beats ko. Napalunok naman ako ng ilang beses.

Don’t tell me…

“Yes or no?” ulit niya pang tanong. Only an inch separates our lips.

“Ye—“ hindi pa man ako nakakatapos sa pagsagot nang maramdaman ko ang pag-angkin niya sa mga labi ko. Napapikit ako. It was sweet. Oh God, I missed his kisses. Naramdaman ko ang kamay niyang tumaas mula sa likod papunta sa likod ng ulo ko. Patuloy lang siya sa paghalik, sa pagsipsip sa labi ko. Napahawak naman ako sa batok niya nang maramdaman ang panghihina ng mga tuhod ko. I can’t stop. Or more so, I don’t like to stop.

“T-Teka—“ napadilat ako nang bigla niya akong bitawan.

“E-Eri? Why are you—why did I—Oh shi*t! He came out!” laglag ang pangang napatitig lang ako sa kanya. He’s really back. Josh is back. At saka ko biglang naalala ang mga pagkakataong hinalikan niya ko—yung sa rooftop, yung sa kotse kanina at ngayon—pero teka, bumalik din siya sa pagiging Josh nung unang dumating kami sa Batangas ah? Ibig sabihin…

“Are you okay?” napabalik sa kasalukuyan ang isip ko nang marinig ko ang nag-aalalang boses ni Josh.

“Ahh I’m okay,” sagot ko. Hindi sinasadyang napatingin ako sa lips niya kaya napatungo ako. Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang sarili. I fanned myself dahil ang init ng pakiramdam ko. Napatingin kami sa pinto nang marinig ang katok mula dito. Agad namang pumunta sa pinto si Josh at binuksan ito.

“Ate Euri!” agad na bati dito ni Josh.

“Oh? You’re Josh now?” napatangu-tango pa nitong sabi habang naglalakad papunta sa table nito. Kasunod nitong pumasok si kuya Bryle na may dala pang mga sandwich.

“Magmerienda muna kayo,” alok niya sa’min sa mga dala niya. Kumuha naman ako ng isa dahil nagugutom na ko.

“Nung itinakas ka nga pala ni Josh, pinuntahan ko at kinausap ang parents mo kaya wala kang dapat ipag-alala sa pag-uwi mo mamaya,” sabi ni ate Euri. Isa nga rin pala yun sa inaalala ko. Ang magiging reaction ni mom and dad…

ALTERSEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon