Chapter 25: Finding Clues

1.5K 79 2
                                    

“It’s a Japanese character for Black Sheep.”

“B-Black Sheep?” Napalunok ako. Parang bigla akong kinutuban ng masama. Something like a very bad thing is about to happen. To me. To Josh. I’m not really sure but I can somehow sense it. Idagdag pa na may mga narereceive akong weird messages these past few days.

“Yeah. It was a code name used by someone…”

“And that is?” Matapang kong tanong. I sensed a hint of hesitation from him. He gave me a very serious look at pagkatapos ay pinaandar na ulit nito ang sasakyan.

“I don’t know,” napanganga ako sa sagot nito. Pagkatapos kong maghintay ng ilang segundo at kabahan dahil sa ‘very serious look’ niya, sasabihin niya lang palang hindi niya alam? Aish. Napasandal na lang ako sa inuupuan ko at saka napatingin sa labas ng bintana. Hindi ako nakatiis kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya at tiningnan siya ng masama. He was just looking straight in front.

Hindi ako naniniwalang hindi niya alam. Baka ayaw niya lang sabihin. Pero bakit naman?

“Don’t look at me like you were killing me in your mind,” sabi pa nito without even bothering to look at me. Psh.

“Eh kung hindi ka kasi pabitin di ba?” I rolled my eyes on him at saka nakasimangot na tumingin sa bintana. “Ayaw mo pa kasing i-share…”

“I told you before di ba? Even if all the other personalities including me were sharing the same body, we’re not sharing the same memory. Nagkataon lang na nakita ko ang sign na ‘Black Sheep’ before kaya ko nasabi sa’yo na it was a codename used by someone. I honestly do not have any idea who was that sender but, I’m sure one of us knew.”

Napabuntong-hininga naman ako matapos pakinggan ang side niya. I get his point. May mali nga naman ako. Masyado lang kasi akong nag-aalala sa mga nangyayari nitong mga nakaraan. I want this to end.

But how?

“Stop!” sigaw ko kaya bigla naman itong nagpreno. Mabuti na lang at wala na kami sa highway. Malapit na kami sa subdivision namin at kakaunti lang ang mga kasabay naming sasakyan.

“What now?” nakakunot ang noong tiningnan niya ko.

“Wait lang, may bibilhin lang ako,” sabi ko sa kanya at saka dali-daling lumabas ng sasakyan. Sakto naman kasing naitigil niya ang sasakyan malapit sa isang convenience store. Hinanap ko ang sadya ko at pagkatapos ay binayaran ito agad sa cashier. Nagmamadaling bumalik naman ako sa kotse niya at umupo sa pwesto ko kanina.

“Ano ba yang binili mo?”

“Something you’ll definitely like!” nakangiti ko pang sabi sa kanya at saka dahan-dahang lumapit dito. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at pagkatapos ay kinuha sa maliit na supot yung binili ko.

“What the—“ natigil ito sa pagsalita nang magtagumpay ako sa pagsubo sa kanya ng lollipop. Yeah, right. I just let him swallow a lollipop. I wanted to make sure if my suspicion was right kaya ko ‘to ginawa. Isa pa, I wanted to ask something from him.

Ilang sandali din itong nakayuko at walang imik hanggang sa dahan-dahan itong nag-angat ng tingin at saka gulat na tumingin sa’kin.

“Woah! Noona! Why are you here?” sobrang hyper niya pang sigaw. Napangiti ako. My guess was right. I finally knew his trigger now.

Haja’s trigger—anything sweet.

“Ahm, we’re in… a tour?” maang ko pang sabi sa kanya.

“Talaga? We’re touring around the city? With this car? Can I drive? Woah! Cool!” mangha pang sabi nito sabay hawak sa manibela. Nataranta naman ako bigla nang may marealize akong pagkakamali.

There’s no way Haja can drive!

“Haja!” sigaw ko sa kanya. He just gave me an innocent look with his riht hand still holding the lollipop and his left hand on the steering wheel.

“Ahm… you can’t drive while eating, okay? Kaya tayo tumigil kasi… ano… we were taking a break! I bought you a lollipop kaya wag ka munang magdrive ha?”

Saglit itong nag-isip at pagkatapos ay malapad itong ngumiti sa’kin.

“Okay! After I finished this, shall we go and drive around?”

“Ohh s-sure!” pakiramdam ko ay may mga namumuo ng pawis sa noo ko. My heart beats were also in an uproar. Ugh. Ano ba kasing pumasok sa isip mo at ngayon ka pa nag-experiment, Ericka? Ayan tuloy!

“Oh yeah, Haja… can I ask you something?”

“Sure! Mommy told me that I’m smart so ask me anything! I’m sure I can answer it!” I controlled myself not to pinch his cheeks. Ugh. Why so cute? Napapatitig tuloy ako sa kanya ng wala sa oras. Napailing-iling na lang ako at saka tumikhim muna bago magsalita.

“Do you know someone named ‘Black Sheep’?”


This is the reason why I have to call him. I have to ask him about that freak. I will also try to call the others later and ask them one by one.

“Black Sheep? Like the one in the song?”

“Ha?”

🎶“Bah—bah—black sheep, have you any wool? Yes sir, yes sir, three bags full! One for the~~”🎶

Napaface palm naman ako nang marinig ang pagkanta niya. Isa na namang wrong move Ericka. Paano nga naman niya malalaman kung sino yung freak na si Black Sheep? Aish. Minsan talaga yung brain cells ko hindi nagfafunction ng mabuti eh! Dapat talaga dinodonate na lang para mapakinabangan pa ng iba.

🎶“Bah—bah—black sheep, have you known me more? Connoisseur, connoisseur, three bags fool! One for the master and one for the dead, and one for the little girl who escaped down in pain,”🎶 Napatingin ako kay Haja nang biglang nagbago ang lyrics ng kinakanta niya. I looked at him with a confused face at saka pinakinggan mabuti ang kanta.

🎶“Bah—bah—black sheep, have you known me more? Connoisseur, connoisseur, three bags fool! One for the master and one for the dead, and one for the little girl who escaped down in pain!”🎶

“Hey! Where did you learn that song?” I asked stopping him from singing.

“Hmm… I heard it from—wait, where did I hear that song?“ tumingin pa ito sa taas at saka malalim na napaisip.

Connoiseur, a person who knows a lot about something. A master. Dead. And a little girl. Anong ibig sabihin ng kanta niyang yun?

“Ahh! I remember!” sigaw ni Haja at nakangiting tumingin sa’kin. “The tall hyung with a black jacket always sing that song!”

“W-When did you meet him? Can you still remember his name?” Parang sasabog na sa sobrang lakas ang tibok ng puso ko.

“Hyung! I called him Hyung! But… his name is…” nakasimangot itong tumingin sa’kin. “Mianhe noona, but I don’t know his name.” Parang bigla naman akong naguilty sa nakita kong expression ng mukha nito.

“I-It’s okay! You don’t need to be sorry hehe,” sabi ko at saka ginulo ang buhok niya. Now I’m treating him like a child.

“But I remember him having a mark on his chest!”

“A mark? What kind of mark?”

“A black heart with a chain?” napapakamot sa ulong sagot nito.  “Mianhe noona, I’m getting sleepy,” sabi nito at saka humikab pa. He must be so tired because of everything that happened.

Napatingin naman ako sa phone ko nang magring ito bigla. It was Yaya Carol. Malamang sa malamang ay nag-aalala na siya kung nasaan na ko. Basta ko pa man din iniwan lang si manong Bart kanina sa labas ng bookstore.

I looked at Haja whose eyes were already closed while leaning on his seat. Inilayo ko naman sa kanya yung hawak-hawak niyang lollipop. I moved forward and leaned on him.

“Thanks for the clues, Haja. See you next time!”

I kissed him on his forehead at pagkatapos ay sinagot ko na yung tawag sa phone ko.

***

The next morning ay maaga akong gumising. Today is Sunday so I better start my day going to church. Kailangan kong humingi ng guidance kay Lord dahil may mga weird na pangyayaring dumadating sa’kin ngayon. Bahagya pa akong nagulat nang makasalubong si mom habang paakyat ito ng hagdan.

“Where are you going?” Wow. Wala man lang ‘good morning’ at smile coming from her. Ang sweet talaga ni mom kahit kailan. Take note, almost one week kaming hindi nagkita dahil sa business trip nito at yung huli pa naming pagkikita ay yung itinakas ako ni Josh—este ni AJ from the hospital. I was actually prepared na pagsalitaan niya ko ng hindi maganda, pagsabihan just like any other moms out there would normally do and then what now? She just asked where the heck I am going.

“I’m going to church,” maiksi kong sagot sa kanya at saka siya nilagpasan.

“Rilorcasa family has a very good reputation. Good job on that!” nagpanting naman bigla ang tainga ko sa sinabi niya kaya napaharap ako dito.

“We’re just friends!” I told her emphasizing each of my words. Kaya naman pala parang wala siyang pakialam kahit itinakas ako ni AJ that night. Kaya pala sabi ni ate Euri ay wala na akong dapat ipag-alala dahil naipaliwanag niya na ang lahat kina mom. Kaya pala. I let out a bitter smile.

Tumalikod na ako at itinuloy ang pagbaba. Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya ulit. Mom would never go back to the mom I used to love. She doesn’t care about me anymore. Oh no, since then nga pala wala naman talaga siyang pakialam sa’kin. She only care about my sister. While me, I’m daddy’s girl. But everything changed when that accident happened. Mom and dad. All they care about now was their social status.

Lumabas ako ng bahay. Wala ako sa mood magpahatid kay manong Bart dahil alam kong irereport lang nito kina mom ang pupuntahan ko. Naglalakad na ako palabas ng subdivision namin nang biglang may tumigil na sasakyan sa harap ko.

Babale-walain ko na sana ito at itutuloy ang paglakad ko nang bigla na lang may lumabas na dalawang lalaking nakaitim mula sa loob nito.  Pareho silang naka-bonnet. Ilang segundo din akong parang napako sa kinatatayuan ko dahil sa biglaang pagbaha ng kaba sa dibdib ko. Maya-maya pa’y napaatras ako. I tried to runaway pero agad nilang nahawakan ang magkabila kong braso.

“S-sino kayo?”

“Sumama ka na lang ng maayos!” sigaw nung isa at pagkatapos ay hinaklit niya ko pasakay sa itim na van. Nagpumiglas ako pero masyado silang malakas. Parang bumabaon sa braso ko yung kuko nila sa sobrang higpit ng pagkakapit nila.

“T-Tulong! Tulungan—mmphh” natigil ang pagsigaw ko nang may itinakip na panyo sa bibig ko. Ilang saglit pa ay umikot na ang paningin ko hanggang sa tuluyan ng magdilim ang lahat.

***TBC

Happy father's day sa ating mga daddies! 😄

~EuclidAngel❤

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now