Chapter 60: Finale

665 44 1
                                    

"Look who's here," nakangiti pang sabi ni Roan habang tinitingnan ang grupo ni AJ na maingat na pumasok sa loob ng warehouse kung saan nagsimula ang lahat—sa the House with No Windows. May kung ano siyang pinindot sa keyboard at pagkatapos ay lumitaw sa screen ang iba't ibang kuha ng CCTV mula sa iba't ibang parte ng warehouse.

"Ano ba talagang pinaplano mo, Roan?" sigaw ni Xander dito na kasalukuyang nakagapos at puno ng pasa at sugat ang mukha at katawan.

"You know what I want from the very start, Xander but you still chose to betray me and my sister. Noong unang sabihin palang sa'kin ni Annika na may nangbablackmail sa kanya ay nagduda na ako sa'yo. And I was right. Ikaw ang may kagagawan kung bakit nasira ang engagement party namin ni Ericka! Ikaw at ang grupo ng walanghiyang Josh na yun!" halata sa mukha nito ang tinitimping galit habang nakakuyom naman ang mga kamao nito. "Makikita nila ngayon kung paano magalit ang isang Roan Paolo Ramirez!"

"Nababaliw ka na talaga! Ikaw at ang kapatid mo, bakit ba pilit niyong ipinagsisiksikan ang sarili niyo sa mga taong di naman kayo kayang mahalin?"

Inis na itinutok ni Roan dito ang baril na hawak. "Tumahimik ka na lang kung gusto mo pang mabuhay!"

"Sa tingin mo ba, mapapasa'yo pa di si Ericka pagkatapos ng lahat ng nangyari? Mas lalo lang siyang lalayo sa'yo!"

"I know!" dumagundong ang boses ni Roan sa apat na sulok ng kwarto, kasabay nito ang pagbaril nito sa dingding sa likod ni Xander. "Kung hindi siya mapapasa'kin, hindi rin siya mapupunta sa iba!"

"Bakit ba galit ka kay Josh? Hindi pa ba malinaw na hindi naman siya ang dahilan kung bakit namatay ang daddy mo? We've investigated it together, right? Wala siyang—"

Natahimik ito ng barilin naman ni Roan ang sahig malapit sa inuupuan niya. "I don't give a damn about that anymore! I hate Josh dahil nasa kanya ang mga bagay at taong gusto ko and nothing can change that damn fact!"

"Sir, ito na po yung pinapakuha niyo!" napalingon sila sa lalaking kakapasok lang ng kwarto. May dala itong hindi kalakihang box. Napangisi naman ng maluwang si Roan at saka kinuha ang box.

"Alam mo ba kung ano ito, Xander?" Dahan-dahang inilabas ni Roan ang laman ng box. "It's a special delivery I bought just for you and Josh's group."

Dahan-dahang lumapit si Roan kay Xander at saka isinuot sa leeg nito ang kadenang may nakakabit pang bomba na may orasan. "Woah, I don't think it will really look good on you! Ang galing ko talagang mamili!"

"Siraulo ka Roan, tanggalin mo 'to!"

"Inuutusan mo 'ko without saying please? No way, my friend!" nakatawa pang sabi ni Roan dito. "Iiwan ko naman ang ibang bomba dito sa loob ng kwarto at pagkatapos ay pupuntahan ko na ang mahal kong si Ericka!"

"Sisiguraduhin kong hindi magtatagumpay ang plano mo!" sigaw ni Xander dito.

"Ohh? Pero mukhang nagtatagumpay na 'ko eh!" kampante pang sabi ni Roan habang pinapanood ang grupo ni AJ na nakikipagsagupaan sa mga tauhan niya. "I will bring this remote with me but first, I will press this timer. Timer starts now!" parang baliw na tumawa pa ito at saka gumawi sa may pinto. "Ikamusta mo na lang ako kay Satan ha? Bye Xander!" iyon lang at sinarado na nito ang pinto.

"Roan, bumalik ka dito! Roan! Shit!"

Sa labas ay patuloy pa ding nakikipag-away ang grupo ni AJ sa mga tauhan ni Roan.

"AJ, iwan mo na kaya kami dito at hanapin mo na si Xander? Masama kutob ko dito eh!" sabi sa kanya ni Ephraim.

"Kaya niyo na bang iwan ko kayo?"

"Siraulo ka ba, palagay mo sa'min weak?" si Alvin ang sumagot sa tanong niya.

"Fine! Kayo na munang bahala sa mga pangit na 'to! I'll go ahead!" sabi ni AJ at pagkatapos ay dali-daling tumakbo palayo. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay may bigla na lang pumukpok sa ulo niya mula sa likod.

ALTERSEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon