Chapter 30: Sean

1.4K 78 12
                                    

ERICKA’S POV

Wala pang thirty minutes ay dumating na si Annika para sunduin ako sa bahay. I just wore simple jeans and plain black shirt, tipong parang nasa bahay lang. Sinilip ko naman siya na nagreretouch pa habang nakaupo sa loob ng kotse. She’s wearing a pink dress and white heels, kikay na kikay ang dating. Walang imik na sumakay na lang ako sa kotse niya. Pinaandar naman agad ng driver niya ang kotse pagkapasok ko sa loob nito.

“Oh my God Ericka! I’m so kinakabahan! As in! Look!” hinigit niya pa yung kamay para idikit sa chest niya. Sana kasing taas din ng energy niya yung energy ko ngayon. “Ang lakas ng tibok di ba? I really do not know how to calm my heart now!” sobrang hyper pang sabi niya.

“Kumalma ka nga! Baka atakihin ka sa puso niyan!” komento ko sa kanya. Bata pa lang kasi kami ay mahina na ang puso nito. Excused nga ito lagi tuwing P.E class namin noong Elementary and High school dahil hindi siya pwedeng mapagod nang sobra.

Huminga muna ito ng malalim at saka pilit kinalma ang sarili. After few seconds ay humarap ito sa’kin. “Ericka… thank you ah?” nakangiti niya pang sabi. Ito na naman ako, nakakaramdam na naman ng guilt.

“B-Bakit ka naman nagte-thank you?” iwas ko sa tingin niya.

“Kasi kahit crush mo si Josh, okay lang sa’yo na samahan ako para makita siya.”

Awts. Kung alam mo lang…

“Bestfriend kita eh,” mahina kong sagot sa kanya.

“Yiee! Yan ang gusto ko sa’yo eh! I love you bes!” tuwang-tuwang niyakap niya pa ko. Kung sabagay, hindi naman ako gusto ni Josh. At kung meron mang babaeng gugustuhin kong makatuluyan niya aside from me, siguro si Annika na yun. After all, she’s pretty, kind, smart and very sweet. Kung ikukumpara sa’kin, I’m way too simple. Kung ako isang commoner sa isang fairy tale story, siya naman ay isang Goddess o kaya ay isang princess. Ganun kalayo ang kaibahan namin.

Tahimik lang akong nakinig sa kwento niya about all her experiences abroad habang nasa byahe kami. Masyado pa ding lutang ang isip ko hanggang ngayon, epekto ng halos walang tulog.

Ano kaya kung gumawa na lang ako ng reason mamaya para maka-exit agad? Kaso kapag umalis ako agad, magkakaroon silang moment na silang dalawa lang! Parang ayoko din naman nun. Pero kahit naman magstay ako, possible pa ring magkaroon sila ng moment.

Ano ba yan Ericka? Ano bang dapat mong gawin?

“We’re here!”

“What?” sa gulat ko ay napasigaw pa ko ng malakas. Bakit parang ang bilis naman ng byahe namin? Tipong parang 5 minutes pa lang ang nakakalipas. Kung ganito lang pala kalapit ang pagitan ng mga bahay namin, sana naglakad na lang kami. Napatingin pa tuloy ako sa suot kong relo para makasigurong hindi lang 5 minutes ang nagdaan. And I was right. Halos 20 minutes na pala ang lumipas simula nang bumyahe kami mula sa bahay.

“Sabi ko, andito na tayo bes! Ang lalim naman kasi ng nasa isip mo parang nakarating na siya sa pinakailalim ng Mariana trench!” nakasimangot na pahayag nito.

“What?”

“Let’s go na nga bes!” hinayaan ko na lang siyang hilahin ako palabas ng kotse. Napangiwi na lang ako nang makita ang pagsalubong sa’min nung isa sa mga kapatid ni Josh.

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now