P R O L O G U E

3.4K 89 2
                                    

Kaye's POV

'Alex! Hindi pa ba tayo uuwi? Gaddd girl anong oras na!' pag mamaktol ko.

'Kailan ka pa naging KJ ha?! Sige mauna ka nang umuwi, ako mag hahanap pa 'ko ng mga fafa dito!' malakas niyang sabi dahil sa sobrang lakas ng tugtog saaming paligid.

Lasing na lasing na siya at sigurado ako na hindi na niya alam ang mga ginagawa niya. Kaya mas pinili ko na maupo nalang at bantayan siya, baka kung ano pang kagagahan ang gawin ng baklita na 'to.

'Oh yeah! Party! Party!' sigaw niya ng malakas at nag tatakbo sa dance floor.

Napahilamos ako saaking mukha. Pasalamat siya at ayokong may mangyaring masama sakaniya.

*Ring*

*Ring*

*Ring*

Cali calling...

(Answer)

'Hello Cali?'

'Hello Kaye, ano na nangyare diyan? Hindi pa ba kayo umuuwi?'

'Hay nako hindi pa' tinakpan ko ang kaliwa kong tenga dahil sa ingay.

'Binugbog nanaman ba siya ng mga kuya niya?'

Napabuntong hininga ako.

'Oo eh, iyak nga nang iyak kanina. Atsaka andami nanaman niyang pasa sa mukha at katawan'

'Oh my goodness. Kung pwede lang ako sumunod diyan kaso walang mag babantay kay Max at Carlie, bukas pa kasi ng umaga ang uwi ni Jax.'

'Okay lang yun Cali, we understand.'

'Just please text me or call me pag nakauwi na kayo ha? Kaye, ikaw na bahala sa kaibigan natin. Alam mo naman yan.'

'Oo Cali, ako na ang bahala.'

Napatingin ako kay Alex na hataw na hataw sa gitna at napapaligiran na siya ng mga lalake.

'Sige Cali I'll call nalang.'

'Sige Kaye.'

End Call.

Dali dali akong nag punta sa direksyon ni Alex at marahas siyang hinila.

'You're so drunk Alex!' suway ko.

'Ano ba! Bitawan mo nga ako!'

Pilit ko siyang hinihila palabas ngunit mas malakas siya sakin kaya kinagat ko ang kamay niya.

'ARAYYY!! ANO BA KAYE!!!'

'Sumakay kana sa kotse bakla!' bulyaw ko sakaniya.

'Bwisit naman oh!' marahas siyang sumakay sa kotse at malakas na sinaraduhan ang pinto. Umikot ako sa may driver's seat at sumakay na din.

Tiningnan ko si Alex na pulang pula ang mukha at puro pawis pati ang polo niya ay bukas na din.

'Tanginang buhay to!!!!' sigaw niya.

'Problema ba nila sa pagiging BAKLA?!! Putangina!' napasabunot siya sa kaniyang sarili.

'Hey...' hinagod ko ang likudan niya. 'Andito lang ako.'

Tumingin siya saakin. 'Sabihin mo sakin Kaye, anong mali?! Bakit hindi nila ako matanggap? Maayos naman ang buhay ko! May maganda akong trabaho! Nang dahil lang sa pagiging bakla ko ginaganito nila ako!' madiin niyang sabi.

'Nothing is wrong with you Alex.' sagot ko naman. Naaawa ako sa kalagayan niya.

'Ano bang klaseng anak o kapatid ang gusto nila?! Yung barumbado? Yung kagaya nila napapalit palit ng babae?! Eh BULLSHIT TALAGA!!'

He is SheWhere stories live. Discover now