C H A P T E R 70

660 27 7
                                    

Kaye's POV

'Jusko anak!! Hihinga ka ng malalim ha?!!' natatarantang sabi ni Mama.

'WAAAAAHHHHHH!!! MAMAAAAAA!! NATATAKOT AKOOOOOO!!!!!' sigaw ko.

'Anak kaya mo yan! Andun lang kami sa labas mag hihintay ha???' sabi naman ni Papa. 'Bilisan mo ng konti ang pag mamaneho!' sigaw ni Papa kay Kuya.

'Oo oo oo oo oo teka langggg!!!'

'HINDI BA PWEDENG SAMAHAN NIYO KO SA LOOB????!!' daing ko at napakapit ako saaking tiyan.

'ANO TAYO?! MAG PI-PICNIC SA LOOB??' sigaw naman ni Dave.

'ANG SAKITTTTT NA AAAHHH!!!!'

'Tiis tiis lang Kaye!' sabi niya.

'GAGOOO!! IKAW MANGANAK DAVE DAMI MO REKLAMO!!!!' sigaw ko.

'Jusko namang bata ito.' sabi ni Mama at pinaypayan ako ng mas malakas.

'MAMAMAMAMAMAMAMA!! AYOKO NAAAAA HUHUHUHU UWI NA TAYOOOO!!' sigaw ko at kumapit ako sa braso ni Mama habang sunod sunod na umiiling.

'Kaya mo yan Kaye! Isipin mo tatae ka lang ng TIBE!!'

Agad kong nasabunutan si Dave sa kaniyang sinabi. 'AAAHHH!!! BWISIT KA!!! BWISIT KA!!!!! HUHUHUHUHUHU!!'

'Heto na! Heto na! Nasa hospital na tayo!' rinig kong sabi ni Kuya, agad siyang bumaba at tumawag ng tulong.

May nurse agad na dumating at inalalayan kaming makababa.

'AGUUUYYYY AGUYY!!!' sigaw ko dahil pakiramdam ko ay mapupunit ang buo kong katawan sa sobrang sakit.

Hindi ko na alam kung sino sino o kung saan saan ako napapakapit. Pati ang mukha ko ay basang basa na ng pinag halong pawis at luha.

Akay akay ako ng dalawang nurse habang nakahawak naman ako kay Mama. 'Teka langgg! Hindi niyo manlang ba ako isasakay sa wheel chair???' tanong ko sa nurse.

'Ma'am mas okay ho itong nag lalakad kayo para bumaba na si Baby at hindi kayo sobrang mahirapan pangananak.'

'Opo ma'am, labor palang po ito.'

ANO?!!

LABOR PALANG?!!!!

--

Nasa isang silid kami ngayon at pinahiga muna nila ako, pakiramdam ko ay may isang dosenang mga maskulado ang sumusuntok saaking tiyan sa sobrang sakit.

'Uwi na tayo Mama huhuhuhuhu...' daing ko.

'Anak konting tiis nalang ha? Pag katapos nito ang laking ginhawa sa pakiramdam.' sabi niya.

Napakagat ako sa unan at pilit na iniibsan ang sakit na nararamdaman ko.

'Onga naman, isa kang amazona baka nakakalimutan mo.' pang aasar ni Dave.

Sa inis ko sakaniya ay naitaas ko ang aking gitnang daliri at agad naman akong sinaway nila Papa.

'Kaye!'

Muli nanamang humilab na napakatindi ng aking tiyan.

'WAAAHHHHH!! HINDI KO NA KAYAAAA!! ALEX ALEX ALEX ALEX ALEEEEXX!!' sigaw ko.

Nagulat sila Papa saaking nasabi, pati ako ay napatigil nang ma-realize ko kung anong naisigaw ko.

Aish.

Anong gagawin ko? Eh hindi ko naman talaga maiitago sa sarili ko na gusto ko na siyang makita.

Bumukas ang pinto at niluwa nito ang Doctora.

'Iche-check ko na po kayo.' sabi niya

Tinaas niya ang aking damit at tiningnan ang pagitan ng hita ko. 'Ma'am, ready na po ba kayo?' mahinahon niyang tanong.

Sunod sunod naman akong umiling.

'Tara na po.'

Pakiramdam ko ay lalabas na ang aking puso sa sobrang lakas ng tibok nito.

'Ma! Pa! Natatakot akoooo huhuhuhu!' hagulhol ko.

'Wag kang mag alala hindi kami aalis, ipag dadasal ka namin ha??'

Tuluyang nang tinulak ng dalawang nurse ang aking higaan.

Binuksan nila ang pintuan at pinasok na ako sa...

D E L I V E R Y R O O M

Ito na talaga.

Lalabas kana baby.

Pinatong nila ang mag kabila kong binti para mag hiwalay. May naramdaman pa ako na may pinahid sila sa pag lalabasan ni Baby.

'Misis, kapag sinabi ko pong ire, iire po kayo ha?' sabi ni Doctor.

Sunod sunod akong napalunok.

'O-Opo..' kinakabahan kong sabi.

'Hingang malalim po..'

Inhale....

'MISIS, IRE PO!'

Napahawak ako sa gilid ng kama at, 'AAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!! SHEEET!!! ANG SAKITTT!!!' sigaw ko.

'Sige pa po Misis, mas lakasan ang pag push h--

'JUSKO DOC! TODO NA YOOONNN!!!!'

'One more pa po Misis.'

May biglang lumabas sa gilid na nakasafety clothes din at may mask. Lumapit siya saaking tabi at kinuha ang aking kamay.

'You can do it.' bulong niya.

Napatigil ako bigla at napatingin sa lalaking ito.

I know it's him.

.












'A-Alex...?'

---

He is SheWhere stories live. Discover now