C H A P T E R 24

884 47 0
                                    

Kaye's POV

Andito kami ngayon sa kusina at humihigop si Alex ng sabaw para naman mainitan siya sa katawan.

Matapos ko siyang tawanan kanina ay nag tampo tampo pa ang bakla, so I offered him a soup na alam ko namang hindi niya matatanggihan.

'Bago ka bumalik sa Café, mag pagaling ka muna.' sabi ko sakaniya.

'Yeah I will. Buti nalang I have some savings kundi di ko alam gagawin ko.'

Tinaasan ko siya ng kilay.

'Sus! Ikaw pa! If I know million na yung savings mo wag nga ako!'

Inirapan naman niya ako. 'Parang sumasakit nanaman ang ulo ko.' daing niya.

'Eh kasi naman nag paulan ka, basang basa lahat sayo.' tumayo ako at may kinuha. 'Oh inumin mo yang gamot.' sabi ko at nilagay sa tabi niya.

'Salam--

Nagulat kami pareho sa isang malakas na kulog kaya napakapit ako kay Alex.

'OUUUUCHHHH!!!' daing niya kaya agad naman akong napabitaw.

'Hala hala sorrryyyy! Di ko sinasadya omg!' agad ko itong hinimas at hinipan hipan.

'Pftt-- Joke lang!'

The fuck?!

'Bwisit ka!!!' hinampas ko siya ng malakas sa braso at muli nanaman siyang dumaing. 'ARAAAAYYYY ANG SAKIT!'

'Di moko maloloko bakla ka!' sabi ko at di siya pinansin.

'Huhuhu ansakit sakit.. Totoo nga!' sabi niya at pinipisil ang braso. 'Lalo ata akong di gagaling dito eh!'

Nilapitan ko naman siya. 'Hmp! Patingin nga!'

May pula ito ng konti dahil sa hampas ko. 'Ikaw kasi eh!' paninisi ko.

'Ako pa talaga?? Ha?! Di kaba naaawa sakin?' sabi niya at pumikit pikit pa.

I rolled my eyes.

'Arggg! Okay fine, sorry.' sabi ko at marahan na hinimas ang braso niya. 'After nito mag pahinga kana dun sa guest room, lalagyan ko lang ng bedsheet yung kama wait lang.' he nodded.

Kumuha ako ng bedsheet at blanket sa cabinet, wala naman kasi laging tao dito kaya di na ko nag aabala na ayusin to palagi.

Pinagpag ko muna ang kama saka sinimula na lagyan ng bedsheet, I make sure na maayos ang pag kakalagay kaya bahagya akong tumuwad para maipit ko sa bawat corners ang bedsheet.

'Ahem..' napatingin naman ako kay Alex na nakasandal sa may pintuan. 'Tapos na ko kumain.' sabi niya.

Binalik ko ang aking atensyon sa ginagawa ko, 'Eh yung gamot nainom mo na ba?' tanong ko.

'Yes ma'am!'

Bigla naman siyang umupo sa kama kaya sinaway ko siya, 'Tekaaa! Hindi ko pa tapos ayusin eh!'

Pero para siyang walang nakinig at humiga pa, 'I'm so tired, tapos papagalitan mo ako? Hmm?' sabi niya habang nakapikit.

Napailing nalang ako, heto nanaman siya at mag papaawa.

'Here.' pag abot ko ng unan.

Tumayo ako at ini-on ang aircon sa kwarto.

'Mag papahinga kana ba?' tanong ko.

Tumango siya habang nakapikit.

Lumapit naman ako sakaniya at kinumutan siya. 'Goodnight Alex.' sabi ko.

'Goodnight..' sabi niya. Halata sa boses niya ang pagod kaya lumabas na ako ng kwarto.

Akmang sasaraduhan ko na ang pinto nang muli siyang umimik.






'Thank you, Babe.'

---

He is SheWhere stories live. Discover now