C H A P T E R 35

857 45 0
                                    

Kaye's POV

Nakarating na ako ng Café at hindi na rin ako nag pahatid kay Calvin, nag tricycle nalang ako tutal malapit lang naman.

'Ah Ma'am kanina pa po kayo hinahanap ni Sir Alex.' sabi ni Badette.

'Ganun ba? Nasa office ba siya?' tanong ko.

'Opo ma'am kanina pa po.'

'Sige salamat.' nag tungo na ako sa office at binuksan ko na ang pinto.

Naabutan ko si Alex na nag aayos ng mga papel. 'Kanina mo pa daw ko hinahanap?' imik ko saka sinaraduhan ang pinto at naupo sa sofa.

'Oh saan ka galing?' he asked without looking at me.

'Diyan lang, kumain. Nagutom ako kanina eh di na kita naintay.' sabi ko at sinandal ang aking ulo.

'Ah, enjoy ka naman?'

Parang iba ang tono ng boses niya ngayon.

'Syempre pagkain yun eh kaya enjoy ako!' sagot ko naman.

He chuckled pero parang sarkastiko.

'May questions kaba diyan sa mga documents natin?' tanong ko saka lumapit sakaniya.

'Wala.' hindi padin siya tumitingin saakin. 'Pwede ka naman lumabas uli. Baka may nag iintay sayo.'

What?

'Huh? Sinasabi mo diyan?' I asked pero hindi siya umimik.

Sumandal ako sa may lamesa, 'Huy! Ano nga sinasabi mo diyan?'

He looked at me coldly, 'Di naman halata na namiss niyo ang isa't isa ano? Higpit ng yakap ah?'

Kumunot ang aking noo, 'Y-you mean si Calvin? Sino nag sabi sayo?'

'It doesn't matter Kaye.'

'Well it matters to me--

'I saw the both you.' pag putol niya sa sinasabi ko, yumuko siya muli. 'So kayo na ulit?'

'Gaga! Hindi no, nag usap lang kami, atsaka it wasn't planned, nakita niya lang din ako sa park.' paliwanag ko.

'Wow parang movie lang ah?'

'Teka paano mo ba kami nakita?' tanong ko.

'Hinahanap nga kita kanina pa, sa pag hahanap ko naman sayo, iba ang nakita ko.' he rolled his eyes.

'You wouldn't believe it, we just had our closure. Goodness.' di ko makapaniwalang sabi. 'Okay na din siguro yon, actually masarap sa feeling eh. Parang may nawalang galit sa puso ko.'

'Sweet naman.' he said sarcastically.

Ako naman ay nakakaramdam na ng inis sa kaniyang sinasabi. 'Ano ba nangyayare sayo Alex? Bad trip kaba ha?'

'Wala.'

'Kung badtrip ka wag moko idamay ha.' pag babanta ko.

'Okay.'

Napahilamos ako saaking mukha at naalala ko naman ang sinabi ni Calvin kanina.

Hinawakan ko sa mukha si Alex at hinarap saakin.

.

.














'Nag seselos kaba?'

---

He is SheWhere stories live. Discover now