C o n t i n u a t i o n

867 40 0
                                    

Kaye's POV

'Pakisabi kay Alex, aalis muna ako may bibilhin lang sa mall!' sigaw ni Alfred.

'K!' sagot ko naman pabalik.

Nang makarating ako sa taas ay sinarado ko ang pinto ng kwarto ni Alex at ini-lock ito.

'Oh bakit parang nag mamadali ka?' tanong niya.

'Aish. Wala! Aalis daw kuya Alfred mo.' umupo ako sa tabi niya at hinalo ang soup.

'Hmm.. Mukhang masarap yan. Tamang tama nagugutom na din ako.' sabi niya.

'Gaga ka kasi eh, alam mo na ngang may sakit ka di kapa kumain lalong sasama pakiramdam mo niyan walang laman tiyan mo.'

'Ay sorry na po Inay, eto na nga oh kakain na ho ko ng dala mo.' pag bibiro niya.

Tinapat ko sakaniya ang kutsara na may sabaw. 'Oh..'

'Hmm.. Sarap. Thank you girl, hulog ka talaga ni Darna.' sabi niya.

'Baliw, di ako sanay na ganyan ka. Mas okay pa na ino-okray moko palagi.' sagot ko naman.

'But seriously, thank you kasi napaka buti mong kaibigan saakin. Labyu mwua!'

'Labyu more mwua!' I gave him a flying kiss at nag tawanan kami. 'Kaya ubusin mo na to para makainom kana ng gamot okay ba?'

'Sureness!' at pumalirit siya.

'Shhhh! Wag ka maingay baka mamaya may makarinig sayo.' pag saway ko.

'Namiss ko ang real voice ko na mala Ariana Grande! Atsaka tayo lang naman tao dito, si Kuya Aj malamang nanchichix na naman yun.'

'Baka naman kaya ka nilalagnat eh ilang araw mo nang di naiilabas si Alessandra de Rossi, dahil puro Alexander Torres ang peg mo ngayon.' pag bibiro ko.

'Ay juskooo! Feeling ko nga huhuhu miss ko na ang mga fafabols ko!'

Pag sa kire talaga ng baklita na 'to kahit kailan!

'Oh inumin mo na nga tong gamot mo. Ibababa ko lang tong pinagkainan mo sa baba.' sabi ko at inabutan siya ng tubig.

'Go lang girl. Pag balik mo mag browse tayo ng mga fafa sa IG, I need to bless my eyes ughhh!!' sigaw niya. Napailing nalang ako sa kaartehan niya at bumaba na sa kusina.

Binaba ko ang sulyaw at kutsara sa lababo, 'Lilinisin ko na nga din to.' bulong ko at saka sinimulang hugasan. Kumuha na din ako ng towel atsaka palangga para ilagay sa noo ni Alex at bumaba ang lagnat niya---

*blaaaaaggggg!!!!*

Napatingin ako sa taas nang may malakas na kalabog akong narinig.

'TANGINA MO KA!!!'

Nanlaki ang aking mata nang marinig ko ang boses ni Alfred na parang galit na galit.

'Kuya tamana!' rinig kong sigaw ni Alex.

Dali dali akong umakyat papunta sa kwarto niya.

'I KNEW IT! ALL THIS TIME, MAY TINATAGO KA!!! TANGINA MO!




































.... BAKLA!!!

---

He is SheWhere stories live. Discover now