C o n t i n u a t i o n

675 20 3
                                    


Alex's POV

I am finally in my condo, pabagsak akong humiga sa kama dahil sa pagod. Gusto kong matulog muna, pakiramdam ko ay nanlalambot ako sa haba ng biyahe.

Pumikit ako at agad na nilamon ng tulog.

-

Naalimpungatan ako nang marinig kong may tumatawag saakin cellphone.

Nanlalabo pa ang aking paningin at kinapa kapa ang cellphone saaking bulsa.

Mommy Calling...

Oh shit I forgot to text her.

(Answer)

'Oh my God Alex! Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko????' panimula niya.

'I'm so--

'Alalang alala ko kanina! Sabi mo tatawag ka pag dating mo diyan!'

Napakamot ako saaking ulo, 'Mommy.' malambing kong sabi, 'Pasensya na, nakatulog ako agad pag dating eh, sobra kasi ako napagod. Bagsak agad.' paliwanag ko.

'HMMP!!!'

'Sorry sorry talaga Mommy, nakatulog kasi ako agad. Andito ako ngayon sa condo, maliligo lang ako tapos pupunta ako kila Dad para kamustahin sila doon.'

Narinig kong bumuntong hininga siya, 'Oo na sige na.' mahina niyang sabi.

'I love you misis ko.'

Hindi siya agad umimik, 'Nakangiti ka siguro 'no?' pantutukso ko.

'Gago!!' sigaw niya.

I laughed, 'Si Austin?'

'Ayun gising, kinakausap nila Mama sa kwarto, nasa terrace ako ngayon eh.' sabi niya. 'Oh siya sige, mag gayak kana anong oras na din oh, para makauwi kana agad dito.' dagdag niya.

'Opo uuwi ako agad diyan don't worry.' panigurado ko. 'I love you I love you I loveyou.'

'Bakit ang sweet mo masyado ha? May ginawa kang kasalanan no?!' pag ta-taray niya.

Napatawa naman ako, 'Wala po, ewan ko ba, I feel like I need to say those words.'

'Hmm.. I love you more Daddy. Sige na at tamana muna ang landian!'

'Hahaha okay okay, tell Austin I love him too!'

'I will po.'

'Goodbye Mommy.'

Call Ended.

Agad akong nag gayak ng aking gamit, pupunta pa ako sa bahay ni Dad para kamustahin sila ni Kuya Aj at makibalita kung ano na bang lagay ni Kuya Alfred. Kahit naman hindi mabuti ang estado namin ngayon, he is still my brother.

--

I'm currently on the way sa bahay ni Dad at sa kalagitnaan ng biyahe ko ay may nadaanan akong jewelry shop. Bigla kong naalala na nakabalot nga pala sa plastic yung candy ring at nasa bag ko.

Pag katapos na pag katapos kong pumunta kila Dad ay pupuntahan ko yung jewelry shop, gusto ko siyang bigyan ng totoo at disenteng singsing pero di ko maiwasang mapangiti pag naaalala ko yung mga ini-provide ni Kaye makasal lang kami.

Kahit wala siya dito napapakilig niya padin ako. God.

Tinigil ko na ang kotse sa harap ng bahay at agad na bumaba. 'Alex is in the house!!' bungad ko sa kanila.

'Bro!' tumayo si kuya Aj at tinapik ang likod ko.

'Anak! Kamusta ang bagong kasal?!'

I chuckled, 'Heto, I'm living my best life Dad!'

He is SheDove le storie prendono vita. Scoprilo ora