C o n t i n u a t i o n

847 37 0
                                    

Kaye's POV

11:00 pm.

Napalinga ako saaking gilid at natutulog na si Alex saaking tabi.

Napabuntong hininga ako at sumandal sa ulunan ng kama. Hindi ako makatulog sa di 'ko malaman na dahilan.

Kinuha ko ang aking laptop at binuksan ang aking IG.

I searched 'Alexandra Merile'

51k followers         4k following

Hmm.. Wala silang picture ni Alfred?

Sa totoo lang, until now hindi naman ako komportable sa babaeng 'to, hindi ko nalang pinapahalata kay Alex dahil naging kaibigan niya din naman si Alexandra at may trabaho sila.

I can really feel something about her, bakit hindi niya sinabi na kapatid ni Alex ang boyfriend niya? Napaka daming chance para sabihin iyon.

Unless, she's a--

'You're still awake?'

Nagulat ako kay Alex at naisara ko ang aking laptop.

'Goodness Alex, aatakihin ako sayo.' sabi ko habang nakahawak sa dibdib.

'Why aren't you sleeping?' tanong niya saka lumapit sa may bewang ko.

Pinatong ko naman ang aking laptop sa gilid humiga na rin.

Nilagay ni Alex ang kaniyang kamay sa may tiyan ko.

'Sleep kana babe.' sabi niya habang nakapikit.

'Oo babe, matutulog na ako.'

Nasanay na ako na ganito kami ni Alex, wala namang masama diba? He's gay.

I admit minsan tinatablan ako ng kilig sa mga banat niya, and then mare-realize ko na beki nga pala ang siraulong 'to.

Pumikit na ako at nag dasal.

I prayed to God na sana palagi niya kaming i-guide ng mga mahal ko sa buhay, at sana rin maging okay na si Alex sa pamilya niya.

---

Kinabukasan ay nauna saaking umalis si Alex, last na shooting na nila ngayon at sa The Empire's Bar isho-shoot.

Ang sabi ko sakaniya ay sasama ako pero hindi naman niya ako ginising kaya heto ako ngayon at nag mamadali.

I just don't feel okay, there's something na parang sinasabi na sundan ko si Alex.

Kahit basa pa ang aking buhok ay hindi na ako nag abalang tuyuin pa ito, hindi na rin ako nakapag damit ng maganda at tanging T-shirt lang naisuot ko saka denim pants.

Pag sakay ko ng taxi, 'Manong sa The Empire's Bar po.' sabi ko.

Tiningnan naman ako ng driver, 'Iha, ang aga mo yata mag lalasing ah? Hindi pa bukas iyon ng ganito kaaga.'

Umiling ako.

'Nako hindi po, para po sa trabaho.'

Inarkila ng team ni Xandra ang place para lang sa last scene ng promotion.

Sa gitna ng biyahe ay sinubukan kong i-contact si Alex pero walang nasagot. Baka busy na yun.

Lumiko ang driver sa gas station, napatingin naman ako saaking relo.

'Aish, ang tagal.' bulong ko saaking isip.

Nang matapos ang pag papa-gas ay nakiusap ako sa driver na baka pwedeng bilisan ng kaunti.

It's already 9 am. Baka naman wala na akong maabutan doon.

'Ma'am dito na po tayo.'

Inabot ko na ang aking bayad, 'Salamat po.'

Nag lakad ako papunta sa loob, 'Hay salamat andito pa sila.' bulong ko.

Lumapit ako sa isang staff, 'Hi, nag s-shooting paba sina Alex?' tanong ko.

'Opo ma'am.'

'Asan sila?'

'Nasa VIP lounge po.'

'Okay, thank you.'

Nag lakad ako papunta sa VIP lounge pero napatigil ako nang mapansin ko ang isang lalaki at babaeng nag uusap.

Hindi ako pu-pwedeng mag kamali. Si Alfred yung lalaki. He's holding a drink at inabot ito kay Xandra saka siya ngumisi.

Tumalikod siya kay Alfred saka nag lakad, sinundan ko siya ng tingin at papunta siya sa direksyon ni Alex.

Agad din naman akong nag lakad sa direksyon niya, bago niya pa maiabot kay Alex ang inumin ay hinila ko ito at nakita ko ang pag kagulat nila.

'Kaye? Kanina kapa dito?' tanong ni Alex.

Nakakunot ang noo ni Xandra saakin pero ngumiti ako sakaniya.

'Uhm.. Kaye, para kay Alex yung drink na yan, gusto mo ba? Ikukuha kita.' offer niya.

'No thanks.' maikli kong sabi at tiningnan ko siya ng diretso.

'What's happening here?' dumating si Alfred at tumingin saaming tatlo.

Wow. Di gagana sakin ang yabang mo, as if naman wala kang alam.

'I was just giving Alex a drink.' sabi ni Xandra.

'Kaye, bakit mo ba kinuha?' bulong saakin ni Alex.

Pero binigyan ko muli sila ng isang matamis na ngiti. 'Masarap ba tong drink na to?' sabi ko habang dahan dahan itong hinahalo.

Tumango si Xandra, 'Ofcourse, ibibigay ko ba yan kay Alex kung hindi, right?'

I chuckled, 'Is that so? Hmm.. Okay then.

.

.

.

.

.

.




















... You drink it first.'

---

He is SheWhere stories live. Discover now