C o n t i n u a t i o n

623 20 5
                                    

Kaye's POV

'Anong ginagawa mo dito?' napapikit ako ng mariin at pinipilit na pakalmahin ang sarili ko.

Pinalandas niya ang kaniyang kamay saaking braso at inaamoy amoy ako.

Nandidiri ako sa lalaking ito, 'Eversince I laid my eyes on you, nabihag mo ako.'

Napalunok ako, 'Bitawan mo ako ano ba.' pilit akong nag papakatapang pero sa totoo lang nanlalambot na ang tuhod ko. Gusto ko nang sumigaw at humingi ng tulong.

'Kaya lang, kapatid ko ang nakinabang sayo hahaha swerte naman ni Alex, di ka lang niya natikman. Nabuntis kapa.' he sarcastically said.

'But you know what my fantasy is? To fuck you..'

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung paano ako gagalaw at lalayo sakaniya na hindi masasaktan ang baby ko.

Para akong nag aagaw hininga nang maramdaman ko ang kamay niya saaking tiyan, 'May thrill pa nga ngayon eh, kasi buntis ka. Ano kaya mangyayare if I fuck you while you're pregnant? Hahahaha! Sarap!'

'W-wag kang mag isip ng ganiyan Alfred, hindi magandang biro.' nauutal kong sabi.

'Who says I'm joking? Kinakabahan kaba? Why? Kasi walang mag po-protekta sayo? HAHAHAHAH ayun nasa hospital pa! Tulog!' parang baliw niyang sabi.

Napahikbi ako at tumulo ang aking luha, natatakot ako.

'Ohh oh.. Wala pa nga eh umiiyak kana agad?' sabi niya at hinaplos pa ang aking pisngi. Ngunit mas lalo lamang akong naiiyak.

May kinuha siya sakaniyang bulsa at isa itong maliit na kutsilyo, napasinghap ako ng itapat niya ito sa pisngi ko.

'Tatahan kaba o bubutasin ko ang tiyan mo?'

Awtomatiko akong napatigil sa pag iyak at kinagat ko ang aking labi.

God, help me. Wag ang baby ko.

Hinarap niya ako sakaniya, at napaatras ako. Naapakan ko pa ang ilang bubog sa sahig, buti nalang may suot akong tsinelas.

Parang namumula ang kaniyang mata pati ang buong mukha niya, he's not in his normal condition. Halatang halata.

Napasandal ako sa may pintuan at nakaharang naman ang dalawa niyang kamay.

'Ang ganda mo.' may pag manyak ang kaniyang tono ng pananalita kaya mas lalo akong natatakot.

Kahit ang imposible hinihiling ko padin na sana dumating si Alex para iligtas ako.

Unti-unti siyang lumalapit saakin at napapikit ako ng mariin.

Help me.. Please...

*beep!*

Napatingin kami pareho sa may gate nang may bumusina.

'FUCK!' Alfred hissed at dali dali siyang umalis.

Nanatili akong nakasandal sa pintuan at hindi makagalaw.

For a moment I thought katapusan ko na.

Bumukas ang gate at niluwa nito si Aj pati si Mama at Papa.

'Uy Kaye! Nakita ko sila sa grocery that's why hinati--

Hindi ko na narinig pa ang mga susunod na sinabi ni Aj nang bigla akong napaluhod at nawalan ng malay.

---

'Pero Ernesto, siguro kana ba diyan?'

'Baka nga ho mas okay pa yon Tita, hindi na po namin alam kung anong nangyayare sa Kuya ko. Pakiramdam ko ho may gusto 'yon kay Kaye.'

Nag mulat ang aking mata at nasa puti akong silid. Napatingin sa mga taong nasa loob.

'Ay jusko anak!' agad na lumapit saakin si Mama, 'May masakit ba sayo?? Sabihin mo. Ang tiyan mo??'

'N-nauuhaw po ako.' nauutal kong sabi.

'Ernesto! Akina ang tubig!'

Agad nilang inabot saakin ang tubig at mabilis ko itong ininom. Pakiram ko ay lambot na lambot ang aking katawan.

'Nasan po tayo?' tanong ko.

'Nasa hospital ka Kaye, bigla kang nahimatay pag dating namin.' sagot ni Aj.

Nag sink-in saakin agad ang nangyare, napahawak ako sa kamay ni Mama dahil nakaramdam nanaman ako ng takot, 'Wag niyo po akong iiwan... Si A-Alfred... Sasaktan niya kami ng baby ko. Tinutukan niya kong kutsilyo.' umiiyak kong sabi.

'Nakita ko siyang tumawid mula sa kabilang bakod. Sabi ko na nga siya ang may kasalanan.' sabi ni Aj habang umiiling, 'Pasensya kana Kaye, hindi na rin namin alam ni Dad kung ano bang tumatakbo sa isip ng Kuya ko ngayon. Maybe he's on drugs.' paliwanag niya.

'Anak, hindi safe ang kalagayan mo dito.' mahinahon na sabi ni Mama. 'Lalo na't buntis ka, tingnan mo ang nangyare sayo. Pasalamat nalang kami at noong natumba ka ay hindi tiyan mo ang bumagsak. Paano nalang ang apo ko?' maluha luha niyang sabi.

Lumapit din saakin si Papa at seryosong nakatingin, 'Mas mabuti pa sigurong saatin kana mamalagi. Mas ligtas ka doon, maraming mag babantay sayo. Pati kuya mo ay papauwiin ko para dagdag bantay.'

'P-Po..?'

Saamin? Aalis akong Manila?

'Mas payapa ang magiging pag bubuntis mo doon saatin hanggang sa mapakapanganak ka.'

Paano naman si...

'Kaye, makinig ka sa Papa mo, hindi na rin kami pinapatulog ng pag aalala at takot. Hindi namin kilala ang mga tao dito, buti doon saatin lahat kakilala mo at walang gulo. Samangalang dito sari-saring problema.' sabi ni Mama.

'Ako na po ang bahalang mag hatid sainyo, iyon nalang po ang pu-pwede kong maitulong.' sagot naman ni Aj.

Pero..






Paano si Alex?

---

He is SheWhere stories live. Discover now