C H A P T E R 2

1.2K 49 2
                                    

Alex's POV


Ang tagal naman sumilip ng gaga na 'yon. Siguro na-yummyhan din dun sa fafa.

*blaaggg!*

'Ay t*teng malaki!' napatalon ako sa aking kinakaupuan at napahawak sa mag kabila kong boobs.

Dali daling pumasok si Kaye ng office at pabagsak na umupo.

'Gaga anong nangyare?!' tanong ko.

'Wala.' maikli niyang sagot pero nakakunot ang noo ng lola mo.

'Sa tingin mo maloloko ako babaita?' pag babanta ko.

Napabuntong hininga siya. 'K-Kasi yung ano...'


'Ano?'


'Yung---

'Bwiset naman Kaye Anne!! Pabitin amp*ta!' naiinis kong sabi.

'Yung lalaki sa labas na tinutukoy mo.'

'Oh ano?! Kinuha ba number mo? Niyaya ka makipag momol?! One night st--

'He's my ex.' pag putol niya sa madaldal kong bibig.

Nanlaki ang aking mata at pumalirit. 'Ohhhh my gashhh!! Haaaa!? Pano mo kinulam-- ARAY!'

Binatukan ako ni gaga!

'Manahimik ka nga! Gusto mo ba may makarinig sayo ha? Baka mamaya may pumasok na employee!' pag suway niya.

Oo nga pala tanging si Kaye, Cali, Jax at ang pamilya lang nila ang nakakaalam na bading ako. Syempre pati yung mga nakajugjugan ko ahehehe.

'Ay sorry naman te na-carried away lang! Totoo? Naging jowa mo yung hunk na fafa na yun?!' di makapaniwala 'kong sabi.

Tumango naman siya at napasabunot sa sarili.

'Teka teka bakit naman sobrang affected ka? Mahal mo pa ba?' tanong ko.

'H-hindi ah. Parang naalala ko lang yung dati.'

'Talaga? Malaki ba yung bird?'

'Malaki-- ay bwiset ka talaga baklita!!'

----


Matapos naming i-close ang Café ay mali AKO lang pala ang nag close, simula nang nakita ni Kaye yung EX kemerut niya eyaw na lumabas ng office at doon na daw siya matutulog. Paka-arte!

Dumiretso na 'ko pauwi saamin at ini-park ang kotse sa harap ng bahay. Bago ako bumaba ay inayos ko ang aking damit pati ang buhok ko.

'Aherm!' I cleared my throat at malakas na inhale exhale.

Kung kanina ay Alessandra de Rossi ang lola niyo, ngayon back to ALEXANDER TORRES.

Bumaba na 'ko ng kotse at pumasok sa bahay, naabutan kong nag iinuman sila kuya pati ang mga kaibigan niya.

Ay jusko! Mag hunos dili ka ateng!

'Oh andito na pala ang kapatid ko! Come join us!' pag tawag sakin ni Kuya Aj.

'Sup Alex! Upo ka muna dito!' yaya naman saakin ni Mario.

Eh kung sayo kaya ako umupo! Ang sasarap niyoooo!

'Nako uh.. Pass muna tayo brad!' sagot ko.

'Walang pass pass! Here, kahit isang shot lang!' at inabot naman saakin ni Lorenzo ang shot glass na may lamang alak.

Namumungay na ang kaniyang mata habang nakatingin saakin grabeeee! Parang after-sex-look hihihi.

Wala na akong nagawa kundi inumin ito at humagod ang mainit na likido saaking dibdib.

Napaka pait girl!

'Sige akyat muna ako sa kwarto, maiwan ko muna kayo diyan.' pag paalam ko sa kanila.

'Sige pre!'

Pag pasok ko ng kwarto ay napasandal ako saaking pinto at inalis ang botones ng damit ko.

'Gosh! Nag init ako dun ah!' bulong ko.

'Nag init saan?'

Nanlaki ang aking mata nang marinig ko ang boses na iyon.




















'Dad...'

---

He is SheWhere stories live. Discover now