C H A P T E R 62

772 36 0
                                    

Kaye's POV

Marahan niya akong binaba sa kama at sinimulang tuyuin ng tuwalya.

Matagal tagal din kaming nag babad sa bathtub matapos ang steamy session namin.

'Open your legs a little baka wet pa yan.' pag bibiro niya.

He gently pat the towel onto my skin.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapatingin kay Alex, bakit ba kahit maliliit na bagay hindi niya napapalampas. Daig niya pa ang babae sa pagiging maalaga sa lahat.

I'm so lucky that he's the father of my child. Pakiramdam ko hinding hindi niya kami pababayaan.

'Here.' inabot niya saakin ang aking dress at underwear.

I smiled, 'Thank you daddy.' sabi ko naman.

Nag simula na din siyang mag bihis ng kaniyang sarili. Ako naman ay kiniliti siya sakaniyang likod. 'Andaya mo daddy, you didn't put your junior inside me.'

Natawa siya, 'I'm scared, baka matusok ko si baby.'

'Sira!!!' sinapok ko siya.

'Bakit? Nabitin kaba hmm?' humarap siya saakin na namumungay ang mata. Akala ko ay hahalikan niya ako dahil lumalapit siya saakin, pinikit ko ang aking mata at hinintay ang labi niya.

Mga ilang segundo pa ay wala padin, kaya minulat ko na ang aking mata at sa tiyan ko pala siya nakahalik.

'Baby bitin daw mommy.' imik niya.

'Sira ka talaga! Pati sa anak mo sinasabi mo yan!' bulyaw ko.

He chuckled at humiga na sa kama, 'Don't worry mommy, pag labas ni baby hindi lang gabi gabi ang gagawin ko sayo, a-araw arawin pa kita.' he winked.

Hinigit ko ang kaniyang balahibo sa binti, 'Gagoooo!!' pero sa totoo lang ay naexcite ako sa sinabi niya hihihihi..

Humiga na din ako sa tabi niya at humilig sakaniyang dibdib.

'Sorry ulit Alex, I was too clumsy.' imik ko.

Nakapikit na siya, 'I will not say na okay lang kasi hindi naman okay kung may nangyare sayong masama. Pasalamat na din ako kay Calvin at nasalo ka. Nauna lang siya sakin ng isang segundo, ako dapat yon.' himutok niya.

'Ano kaba naman, wala lang iyon saakin hawakan niya ako o kung ano man. Selos ka agad.' pag bibiro ko.

'Sinong di mag se-selos doon? Eh para kayong nasa palabas! Ang corny!'

Natawa ako, 'Eh ako ba nag se-selos pag may nag papa-picture sayo pag nasa mall o nasa Café tayo?'

Simulan noong ilabas ang commercial nila ni Xandra ay may mga nakakilala sakaniya, syempre pati na din ang aming Café. Kaya pag lumalabas kami may mga pailan ilan na nag papa-picture sakaniya.

'Ahhhh so you're jealous too?' pang aasar niya.

Umiling ako, 'NO!'

'Haha yeah right, I know you wouldn't get jealous. Ako lang talaga 'tong ano eh.' parang may tabang sa pananalita niya.

'Ano?' tanong ko.

'Nothing, let's sleep na. Baka mag ka-eyebags na si baby.' bumaba siya ng kaunti at marahang hinalikan ang aking tiyan.

'Goodnight baby, daddy loves you so much!' at hinimas himas ang aking tiyan.

Umangat na siya at muling binalik ang aking ulo sakaniyang dibdib.

He also kissed my forehead, 'I love you mommy.' he sighed.

Who wouldn't fall for this man?

Everyday, he's making me kilig and putting butterflies in my stomach.

Napakagat ako saaking labi at parang naibulong ko lang ang aking sinabi.

This is the first time na masasabi ko ito sakaniya.


'I-I love you too..'

---

He is SheWhere stories live. Discover now