C o n t i n u a t i o n

638 25 0
                                    

Kaye's POV

'Sure ka ba diyan sa gagawin mo?'

Andito ako ngayon sa condo ni Alex at tinutulungan ako ni Aj na kuhanin ang mga gamit ko.

'Oo.' maikli kong sagot.

'Hindi mo manlang ba iintayin ang sasabihin ni Alex? I'm sure hindi niya gugustuhin na umalis ka.'

Matapos ang mga sinabi saakin ni Alfred, hindi na ko nag dalawang isip pa na bumalik sa bahay ko at doon nalang uli mamalagi.

'Hindi naman ko dito nakatira, NAKIKITIRA LANG.' I emphasized my last word at tinuloy ang pag iimpake.

Narinig ko ang buntong hininga niya. 'Kung iniisip mo ang sinabi ni kuya Alfed, wag mo na siyang pansinin. Kilala mo naman yon.'

'Tama naman ang kuya mo.' malamig kong sabi.

'So yun nga ang dahilan kung bakit ka aalis?'

Napatigil ako saaking ginagawa. 'Uuwi na pati sila Mama, bukas ng umaga andoon na yun sa bahay ko.' pag iiba ko ng usapan.

'Basta ingatan mo lang palagi ang sarili mo at ang baby niyo, para pag gising ni Alex maayos niyo kung ano man ang problema niyo.' he said.

'Wala na kami kailangan pag usapan ni Alex, hindi ko siya pipigilang tumayong ama sa anak ko, at mas lalong HINDI ko siya pipigilan na mag karoon ng mamahalin niya.' I bitterly said.

'Ikaw ang mahal ng kapatid ko diba? Atleast hear him out first, malay mo may rason kung bakit niya nagawa yon.'

Umiling ako, 'Baka pwedeng ihatid mo na ko Aj.'

--

After half an hour ay nakadating na kami sa bahay, agad akong bumaba at binuksan ang lock ng pintuan.

Bitbit naman ni Aj ang aking mga gamit.

'Salamat Aj, ako na bahala mag ayos niyan mamaya.' sabi ko.

'No problem. Pag may kailangan ka wag ka mahiya mag sabi saamin, kami muna ang bahala sayo habang hindi pa okay si Alex.'

Tumango lamang ako sa sinabi niya.

'Sige mauna na ako, babalik muna ako sa hospital ite-text nalang kita kung may balita na sakaniya.'

'Salamat. Ingat.' maikli kong sabi.

Tumango siya at tumalikod na, bumusina muna siya bago tuluyang makaalis.

Napaupo ako sa sofa at hindi ko napigilang mapahagulhol, kanina ko pang pinipigilan ang mga luhang ito pamula sa hospital.

Nag replay nanaman sa utak ko ang ginawa ni Alex at Xandra, kung anu-anong mga pumapasok sa utak ko.

Kailan pa nila ginagawa yon?

Gaano na katagal?

Gaano na katagal akong kompyensado na ako lang ang minamahal ni Alex?

Kaya ba ayaw na niya akong pumupunta ng office?

Dahil ba laging pumupunta doon si Xandra?

Napapikit ako ng mariin, I hate this feeling. Sobrang sakit sa dibdib. Kung kailan natanggap ko na sa sarili ko na mahal ko si Alex pero... Bakit?

Oh yes I forgot.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.





He is just the father of my child.

I don't have the rights to demand something from him.

---

He is SheWhere stories live. Discover now