C H A P T E R 23

885 44 0
                                    

Kaye's POV

Naalimpungatan ako nang may marinig akong kumakalampag ng gate.

Sino naman kaya yon? Eh mag hahating gabi na. Baka mamaya mga adik lang yon at nanti-trip, kaya muli kong pinikit ang aking mata.

Ngunit makalipas lamang ang ilang segundo ay kumalampag nanaman ito, kaya sumilip na ako sa binatana. Teka wala namang tao eh? Ang lakas pati ng ulan sa labas.

Lumabas ako ng kwarto at kumuha ng payong para i-check kung ano bang mayroon sa baba. Nag dala na din ako nang maaaring ipang self-defense incase.

Binuksan ko ang gate at, ''Oh my goodness! Alex!' agad akong napaluhod para mapantayan ko siya.

Bigla siyang sumubsob sa may balikat ko. 'Teka tek tara sa loob basang basa kana!' pati ang payong na hawak ko ay nabitawan ko na para maalalayan si Alex. Dahan dahan ko siyang tinayo at umakbay siya saakin para mas malalayan ko siya.

Nang makapasok kami sa loob ay pinaupo ko muna siya sa sala saka ako kumuha ng tuwalya.

'Diyos ko Alex ano nanamang nangyare sayo?? Bakit ganiyan itsura mo?!' natataranta kong tanong.

'H-Hindi ko na kaya sa bahay Kaye..' nahihirapan niyang sabi.

'Teka aalisin ko muna ang damit mo lalo kang lalamigin pag suot mo pa yan, itaas mo kamay mo.' sinunod naman niya ako at inaalis ko na ang damit niya, agad ko siyang binalutan ng tuwalya para hindi siya lamigin.

'Tell me, what happened?? Sinaktan kaba uli nila??'

Dahan dahan siyang tumango.

Napapikit nalang ako ng mariin, 'Teka asan ba ang kotse mo?? Bakit ka nag pakabasa??'

'Kinuha na ni Dad.'

'Ha?? Regalo niya yon sayo diba? Bakit niya binawi??'

Lumungkot ng mukha niya, 'Tinatakwil na niya ko bilang anak.'

WHAT?!

'B-Bakit naman umabot sa ganon Alex?' tanong ko.

'Hindi ko na kasi talaga kaya sa bahay, pakiramdam ko pag andun ako kada galaw ko mali, para akong preso na bantay bawat kilos.'

'Shhh.. Tahan na.' niyakap ko siya at hinagod ang kaniyang likod.

'T-Tapos kanina nung papunta ako sa bahay mo, yung sinakyan ko na taxi hinoldap ako nung driver.'

'Putangina..' Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko. 'Sinaktan ka???' nag aalala kong tanong.

Ramdam ko naman ang pag iling niya sa balikat ko, 'No, pero nakuha niya yung cellphone ko pati wallet.'

'Ano kaba! Okay lang yon na makuha pwedeng pwede mapalitan yon kaysa sinaktan ka!' lumakas ang aking boses.

Rinig ko naman ang pag iyak niya.

'Shhh.. Tamana yan, andito kana. Don't worry mag tutulungan tayo.' sabi ko para naman kahit papaano ay gumaan ang loob niya.

'Thank you Kaye.'

Bumitaw ako sa yakap at tiningnan ko ang mga sugat niya. 'Aish.. Grabe oh pagang paga pa din yung iba mong sugat. Mag palit kana din ng short mo basa din eh.'

Kinuha ko naman ang kaniyang bag at nag kalkal ng pu-pwede niyang maisuot kaso lang ay puro basa na din ito. 'Hala ano ba naman 'to puro basa lahat.' sabi ko.

'Saglit titingin ako ng pwede mong maisuot sa kwarto ko.' tumango siya at ako naman ay nag hanap na, kaya lang paniguradong sikip to sakaniya.

Kumuha nalang ako ng short na pinaka malaki saakin. 'Here.' pag abot ko sakaniya na kulay pink na short.

Nag simula na siyang ibaba ang kaniyang zipper kaya saglit muna akong tumalikod.

Ilang minuto pa ay umimik siya. 'Okay na.'

Pag harap ko ay kinagat ko ang aking labi para mapigilan ang pag tawa ko. Sobrang hapit sa hita niya ang short ko, may naaaninag pa akong nakabukol.

'Bakit mokot tinatawanan?' pag papaawa niya.

'Nako hindi hindi.' lumapit ko sakaniya. 'Di ako natatawa.' kinagat ko ang pang ibaba kong labi at bumubukol na din ang pisngi ko dahil sa nag babadya kong tawa.

'Halatang halata sa mukha--

'HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!' hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag tawa dahil sa laki niyang tao ay nakapink siyang short na sobrang fitted.

Sinimangutan naman niya ako.

'Sorry sorry.. Promise di na ko tata--

Nagulat ako nang bigla niyang hubadin ang short kong pink at muntik pang madala ang kaniyang brief!


Tinakpan ko naman ang aking mata. Bwisit! Mag kakasala ako sayo Alex!

---

He is SheWhere stories live. Discover now