C H A P T E R 45

933 40 14
                                    

Alex's POV

Nang makarating kami sa Cafè ay sinabihan ko muna si Kaye na matulog, dumadaing padin kasi siya na masakit ang ulo.

Sabi ko sa bahay ko na siya ihahatid pero ayaw niya, mas gusto niya raw dito.

Kaya heto, natutulog siya sa sofa na tanging T-shirt ko lang ang nakakumot. Nakaupo ako sa sahig at nakatitig lang sakaniya, nagu-guilty ako sa pag sigaw ko over the phone.

Hindi ko naman sinasadya eh, at hindi ko na rin alam ang nangyayare saakin. Ako paba 'to?

I'm gay pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Dapat bang ganito ang isang KAIBIGAN lang?

Naguguluhan ako, I caress her hair. 'What have you done to me?' bulong ko.

'Bading ako bading ako bading ako.' paulit ulit kong bulong. 'P-pero bakit nag se-selos ako? Bakit ayaw kitang mapalapit sa iba?'

'Bakit gusto ko ako lang kasama mo?'

'Bakit ayokong nasasaktan ka?'

'Bakit ang ganda-ganda mo sa paningin ko?'

I heavily sighed, nakita kong dahan dahan siyang nag mulat ng mata kaya kinahan ako.

Shit? Narinig niya ba ang sinabi ko?

Nang maimulat na niya ang kaniyang mata ay nakasimangot siya, 'Gusto ko ng pipino.' sabi niya.

'H-ha?' nag tataka kong tanong.

'Gusto ko ng pipino.' pag ulit niya.

'Wala manlang bang hi Alex diyan? O kaya di mo manlang ba ko tatanungin kung ano ginagawa ko dito sa sahig?' tinaasan ko siya ng kilay pero inarapan niya ko.

'Wala kong pake sayo, ang gusto ko pipino!'

Nalaglag ang aking panga sa sinabi niya. The hell?!

Kanina lang ang higpit higpit ng yakap niya sakin tapos ngayon ang taray taray?!

'Saan mo naman ako papakuhanin ng pipino aber?' tanong ko.

'Tanga kahit saan diyan.'

'Bakit ba kasi pipino ang gusto mo?'

Tumayo siya sa kinahihigaan niya, 'Ako na nga lang hahanap nakakahiya naman sayo!' pag mamaktol niya agad ko naman siyang inupo.

'Oo na oo na eto na hahanap na kong pipino, di mabiro eh.' pag suko ko.

'Susunod din naman pala.' bulong niya.

'Teka, upo ka lang diyan hahanap ako.' I said saka nag tungo sa pintuan.

Di manlang ba ko sasabihan nito na mag ingat ako? Nilingon ko siya at nag sisi ako agad nang makita kong nanlilisik ang mata niya sa saakin kaya dali dali akong lumabas.

Nakakatakot naman ang babae na yun!

Sumakay na ako sa kotse, 'Aish sa supermarket nalang ako bibili, sure naman na meron dun.' imik ko.

Atsaka malapit lapit lang din naman dito ang supermarket. Hapon na hapon na pipino ang gusto meryendahin? Kakaiba talagang babae!

---

Nang makarating ako sa supermarket ay kinuha ko ang pipino na nakalagay sa styro at may plastic na proteksyon, eto nalang bibilhin ko mukhang fresh. Tatlo ang kinuha ko, incase lang na kulangin. Pero mukhang malabo naman, dahil tatlong pipino ang laman ng isang styro.

Matapos kong mag bayad sa counter ay dumaan muna ako sa jollibee, bumili ako ng rice meal atsaka spaghetti para din kay Kaye.

I drove again heading back to the Café bitbit ang mga pagkain.

He is SheWhere stories live. Discover now