C H A P T E R 27

877 44 0
                                    

After a month.




Alex's POV


Humarap ako sa cabinet na may salamin.

'Babe, pumo-pogi na ko ulit.' sabi ko habang inaayos ang aking buhok.

Parang wala naman siyang narinig at nakahiga lang sa kama habang nag c-cellphone.

'Ahem!' pag agaw ko ng atensyon niya. Binigyan naman niya ako ng ano-problema-mo-look.

'Tanga, baka gumaganda kana ulit.' pag tama niya sa sinabi ko. 'Pasalamat ka sakin, ako fairy God mother mo.' dagdag pa niya.

'Aba bakit? Ikaw ba nag te-take ng gamot ko? Ikaw ba yung ointment? Ikaw ba--

'HINDI.' pag putol niya sa sinasabi ko. 'Pero ako nag aalaga sayo.' tinaasan naman niya ako ng kilay.

'Asuuuus! Baka nag papalambing ka lang ha?' sabi ko at nilapitan siya sa kama.

'Tigilan mo nga ako Alex, sasampigahin kita tinamo.' pag ta-taray niya.

'Aba bakit ang taray mo ata ngayon babe? Nako siguro may dalaw ka 'no?' pantutukso ko. 'Nakoooo may dalaw nga siya! May pulang likido ayiee ayiee--ARAY!!!'

Napahimas ako saaking ulo nang maramdaman ko ang malakas siyang pag sapok saakin.

'Bwisit ka!' bulyaw niya. Akmang hahampasin nanaman niya ako pero nahawakan ko ang pulso niya, 'Oh oh oh! Tamana masakit na. Sorry na.'

Inirapan naman niya ako at binawi ang kamay niya.

'Hmm.. I think kailangan ko na mag shopping babe.' I said.

Simula kasi noong tumira ako dito sa bahay ni Kaye paulit ulit lang ang damit ko. Limang shirt at tatlong short, feeling ko nga nangungupas na sila.

Ang tanging nabibili ko palang para sa sarili ko ay cellphone. Iba na ang aking number at iilan palang ang nakakaalam nito.

'Edi mag shopping ka mag isa mo!' sabi naman ni Kaye.

'Ehhh samahan mo ko babe, I need to buy new clothes para naman mas pumogi ako sa paningin mo diba.' pag bibiro ko.

'Gago!'

'Sige na kasiiiiii! Samahan mo na ako.'

Hindi siya umimik.

'Excited na akong pumasok sa Café sa isang araw! Kaya kailangan ko na mamili!'

'Oh tapos?' walang gana niyang sabi.

'Ili-libre kita.'

Nakita ko naman na nag liwanag ang mata niya sa sinabi ko, I chuckled, 'Yieee sasamahan na ako ni babeee..'

'Ligo lang ako.' sabi niya at dire-diretsong lumabas.

Patay gutom talaga!

---

11:15 am.

Andito kami ngayon sa mall, specifically sa men's section para mamili ng damit ko.

'Bagay ba?' tanong ko kay Kaye habang nakalagay sa una ko ang damit.

'Hmmm.. Mas bagay sayo yung navy blue na color.' sabi naman niya.

'Okay then, I'll get it.'

Nag ikot ikot kami uli at nag hanap ng iba pang damit.

'Look oh, babagay sayo tong khaki short.' sabi ni Kaye at inabot saakin.

'Hmmm.. Para namang hindi bagay eh.' komento ko.

Kumunot naman ang noo niya. 'Anong hindi? Eh ba--

'Mas bagay ka kasi sakin.' I said and smiled.

Nakita ko naman ang pag pigil ng tawa ni Kaye.

'HAHAHAHAHAHAHA BWISIT KA TALAGA BAKLA! PINAPASAKIT MO NANAMAN ANG TIYAN KO!'

'Omg! Alexander is that you?' napalingon kami sa babaeng nag salita, she looks familiar.

She's wearing a body hugging nude dress at sapat na make-up. Sobrang straight din ng buhok niya na akala mo maya't maya pinalantsa.

'It's me Alexandra! Remember?' sabi niya saka bumeso saakin.

'Oh yeah, Xandra! Long time no see! How are you?'

Alexandra is my friend when I was in elementary school but they moved in Canada after we graduated.

'I'm doing fine Xander! You look good huh? Soulmate!' sabi naman niya.

Napatawa ako, 'Yeah, soulmate.' ayun ang tawag saamin dati because of our names.

'Ahem...' napatingin ako kay Kaye.

'Oh by the way Xandra this is Kaye, my friend. And uhmm.. Kaye, Xandra, my friend when I was in elementary.'

Nag shake hands naman sila.

'Nice meeting you Kaye.' sabi ni Xandra at malawak na ngumiti.

'Likewise.' maikling sagot ni Kaye.

Nag karoon ng ilang segundong katahimiman saaming tatlo.

'Uhmm.. Cr muna ako. Maiwan ko muna kayo.' biglang sabi ni Kaye saka mabilis na tumalikod at nag lakad palayo.

'Wait!! Kaye!' pag tawag ko pero hindi niya ako pinansin.



Anong nangyare dun?!

---

He is SheWhere stories live. Discover now