C H A P T E R 7

981 44 1
                                    

Alex's POV

Pag dating ko sa bahay ay nag pahangin ako saglit sa terrace, grabe ang stress ko ngayong araw jusko!

'Here bro.' napalingon ako saaking likuran.

Inaabot sakin ni Kuya Alfred ang San Mig Light na nasa lata. Tinanggap ko ito at agad na ininom.

'Malalim ata ang iniisip mo ah?' panimula niya saka umupo.

Oo napaka lalim! Huhuhu ikaw nag bigay ng stress sakin ngayon!

'Di naman masyado Kuya.' sagot ko.

'Anyway, about your girlfriend.' napatingin ako kay Kuya at inintay ang susunod niyang sasabihin.

'She seems... Nice.'

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib at muli akong napainom.

'Ofcourse, magiging girlfriend ko ba siya kung hindi.' pag yayabang ko.

'Kaya lang, she's familiar eh. Parang nakita ko na siya somewhere? Hmm..' sabi niya at parang nag iisip.

Patay! Saan naman kaya nakita ni Kuya ang babaita na yon?!

'Pero maiba tayo, tagal ko nang di nakauwi dito, namiss ko kayo nila Dad.'

'We missed you too Kuya.'

He drank his beer. 'Kaya nga for now, dito muna ako mag s-stay.'

Naibuga ko ang aking iniinom at nasamid. 'Ahem!! Ahemm!!!'

WHAT?!!!!!!! MAG TATAGAL PA SIYA DITO?!!!

'Oh are you okay bro? Anyare?' tanong niya.

'D-de wala kuya nasamid lang ako sa iniinom ko.' palusot ko.

WHAT THE...

I'M DOOMED!

---

Nang matapos kaming mag usap ni Kuya ay agad akong sumakay sa kotse at pumunta sa bahay ni Kaye para chumika pero wala siya don, I tried calling her pero di siya sumasagot.

Kaya nag diretso ako sa Café tutal doon lang naman siya pumupunta.

Pag pasok ko ay agad kong naaninag si Calvin.

Napakunot ang aking noo nang makita kong nag uusap sila ni Kaye.

Parang seryoso ang pag uusap nila dahil hindi maipinta ang mukha ni Calvin, dahan dahan akong nag punta sa direksyon nila.

'Then what is it?!'

'I STILL LOVE YOU KAYE!'

Bahagya akong napatigil saaking narinig.

Aba at mahal pa daw niya?

'What did you said? Mahal mo pa ang GIRLFRIEND KO?' matigas kong sabi.

Napalingon sila pareho sa direksyon ko.

Agad na napatayo si Kaye sa kaniyang kinauupuan at lumapit sakin.

'Alex.' pag tawag niya.

'Babe, nang gugulo nanaman ba ang lalaki na to?' tanong ko.

Tumayo si Calvin at humarap saamin dalawa. 'Come on pare, wag kang bastos nag uusap pa kami ni Kaye, let her talk to me.' maangas niyang sabi.

Aba't ini-imbyerna mo ako ha?!

'Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo kita.'

'Babe, tamana yan.' pag awat ni Kaye at hinawakan ang kamao ko.

'Is that so? Ganiyan ba dapat ang pag trato sa customer?' he smirked.

'Customer kaba talaga? O umaaligid ka lang sa Girlfriend ko?'

'Both, but the second one is much true--

Akmang sasapakin ko na ang lalaking ito nang hawakan ni Kaye ang braso ko.

'Stop! Babe! Please tamana. Hayaan mo na siya!' natataranta niyang sabi at pilit akong hinihila palayo.

'Halika kana sa loob! At ikaw naman Calvin, umalis kana pakiusap.' muling sabi ni Kaye at tuluyan na kong hinila sa loob ng opisina.

---

Kaye's POV

Nang makarating kami sa loob ng opisina ay agad kong ni-lock ang pinto.

'Arggg! Nakakahiya sa iilang customers na nasa labas.' sabi ko at napahilamos saaking mukha.

'Ano nanaman bang kailangan ng ex mo aber?' tanong ni Alex.

'Hindi ko alam... *sigh* hindi ko alam.' biglang tumulo ang aking luha sa di ko malaman na dahilan.

Naramdaman ko naman na tinabihan ako ni Alex at hinagod ang likod ko. 'Oh siya pasensya kana, na-imbyerna ako sa kumag na yon eh. Tumahan kana diyan.' sabi niya.

'Kasi naman eh, ang tahimik na ng buhay ko tapos... B-Babalik siya.'

'Mahal po ba siya?' tanong ni Alex.

Napaangat ako ng tingin sakaniya at iniintay niya ang sagot ko.

Yumakap naman ako sakaniya at napahagulhol. 'Di ko alam bakla! *hik*'

'Ay nako, tama ba yan? Nag tataksilk ka sakin babe.'

Napatingin naman ako sakaniya at kumunot ang noo ko. 'De biro lang pinapatawa lang kita girl, panget mo umiyak eh.'

I pouted. 'Buti na nga lang dumating ka eh, feeling ko kasi kanina bibigay na ko. Ayoko naman na sa harap niya pa ko umiyak.'  sabi ko habang pinupunas ang aking luha.

'Ako nga rin eh, malaki ang problema.' nanlulumo niyamg sabi.

'Ha? Bakit? May nangyare ba kanina??' nag aalala kong tanong.

'Si Kuya Afred kasi eh.'

'Why??'

'Sa bahay muna siya mag s-stay.'

Napatampal ako saaking noo. 'Oh my goodness. Patay tayo diyan.'

'I know right girl! Huhuhu nahihirapan na ko ngayon palang!'

'Eh kung umamin--

'No! H-Hindi ko pa kaya girl. Aamin din naman ako eh. Pero hindi sa ngayon, natatakot ako.'

Ramdam ko ang kaniyang emosyon kaya this time ako naman ang humagod ng likudan niya.

'Sige, ikaw ang mag decide kung kailan kaya mo nang ipahayag kung sino at ano ka talaga, at kung ano ang sinasabi nito.' hinawakan ko ang kaniyang dibdib at mabilis ang tibok ng puso niya.

---

Matapos naming mag usap ni Alex ay umuwi na siya sa kanila at ako naman ay nag paiwan sa office.

I'm currently using my laptop at nag b-browse sa IG.

*ting*

Calvin Del Mundo started following you.

Napakunot ang aking noo.

Agang kong ini-click ang profile niya.

7.1k followers. 12 following.

Tiningnan ko ang mga pictures niya at halos puro beaches at sceneries ang laman nito. Bibibira ang sarili niyang pictures.

Bigla naman pumasok sa isip ko na mahilig siyang mag travel.

Naalala ko pa noon, kung saan saan kami pumupunta. Tumatakas ako sa dorm para lang makasama ko siya.

Sa kalagitnaan ng pag b-browse ko ay may nakita akong picture, naka-suot siya ng safety helmet with the caption,






















'Eng. Calvin Del Mundo at your service.'

---

He is SheWhere stories live. Discover now