C H A P T E R 47

863 40 0
                                    


Alex's POV

Malapit na ako sa resto kung saan andoon sina Kaye. Nag hanap lang ako na pwedeng paradahan nitong sasakyan at bababa na ako.

Naaninag ko na sila sa may bintana na parang seryoso ang pinag uusapan nilang tatlo dahil nakakunot ang noo ni Kaye. Inayos ko lang ang aking damit at tuluyan nang pumasok sa loob.

'Magandang tanghali po sir.' bati ng isang waiter at tumango ako. Nang makita ako ni Kaye ay agad na napatikom ang bibig niya.

'Ahem.. Andito na ang prinsipe.' bati ko sa kanila at tumabi kay Kaye.

'Anong prinsipe eh diba dapat prinsesa! Nag iba na taste mo?' makahulugang sabi ni Cali.

Ay oo nga pala 'no.

'Oh edi prinsesa na. Ano ba pinag uusapan niyo kanina? Kitang kita ko mga mukha niyo eh, di maipinta.' pag iba ko ng usapan.

Akmang iimik na si Cali pero inunahan siya ni Kaye.

'H-ha? Wala. Pinag uusapan namin yung Café.' sagot ni Kaye, tumango naman ako.

'Order ka nalang ng food mo.' dagdag pa niya saka bumaling ang tingin kay Jax at Cali.

Nag kibit balikat nalang ako at tumingin sa menu.

--

Matapos naming kumain ay nag karoon kami ng mahaba habang kwentuhang apat. Kaya lang, hetong si Kaye parang wala sa sarili. Hindi siya masyado nag iiimik kanina eh siya nga 'tong madaldal.

We're currently on the way sa main Café namin. 'Huy, imik naman diyan.' sabi ko dahil nakatulala lang siya.

'Nitong mga nakaraang araw parang nag iba ang moods mo ah? Pa-check up na kasi tayo sa--

She cut me off.

'NO. Ayoko mag pa-check up. Wala lang 'to.' sabi niya.

'Nag aalala na kasi ako, hindi ka naman ganiyan dati.' I said.

'A-ano kaba naman Alex, ganito na talaga ako noon pa. Hindi ko lang siguro napapakita sayo.' seryoso niyang sabi.

'Ang kulit mo naman.'

'Ikaw ang makulit Alex, kaya ko ang sarili ko.' naging malamig ang kaniyang boses kaya hindi na muna ako umimik.

Hanggang sa makarating kami sa Café ay hindi na siya umimik saakin, pakiramdam ko tuloy may nagawa akong mali na hindi ko alam.

Gusto ko siyang tanungin kaya lang baka mas lalong magalit saakin.

Seryoso lamang siya sa pag aayos ng papers, tumutulong ako sakaniya pero panay padin ang tingin ko sakaniya.

Nakakunot ang noo niya at para bang badtrip na badtrip.

Inunat niya ang kaniyang braso at inikot ikot ang leeg.

'Uhmm.. Ahem.. Kung pagod kana, pwedeng ako naman diyan.' sabi ko.

'Okay lang.' she said without looking at me.

'Kanina kapa nag aayos diyan eh, ako heto wala naman masyado ginagawa.'

'Okay nga lang Alex, sanay naman na ako.'

'Eh baka nagugutom kana diyan? Gusto mo bang ibili--

'Bakit ba ang kulit mo Alex?! Kanina kapa ah!' sigaw niya saakin.

Parang ngayon ko lang siya nakita na ganito magalit, hindi nga siya nananakit physically pero yung emotions niya, mas nakakasakit ng damdamin.

'S-sorry..' iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

'Nakakainis na! Kaya ko ang sarili ko, okay? Hindi ako bata!' bulyaw niya.

'Alam ko naman 'yon, nag aalala lang talaga ak--

'Bakit? Ano ba kita? Boyfriend ba kita? HINDI NAMAN DIBA?! BAKLA KA!'

Pagkabitaw niya ng mga salitang iyon ay dire-diretso siyang lumabas sa opisina at naiwan akong mag isa dito.

Napayuko ako at pakiramdam ko ay may mga kutsilyong tumutusok sa puso ko dahil sa mga sinabi niya.

She's right.

I'm not her boyfriend. Masyado yata akong naging pakielamero.

At ang sakit lang marinig lalo na't galing pa sakaniya.

---

He is SheWhere stories live. Discover now