C H A P T E R 6

1K 49 1
                                    

Kaye's POV

7:00 pm.

Nang maihatid ako ni Alex sa bahay ay agad akong nag bihis ng damit na mas komportable, dahil masyadong fit na fit sa katawan ko ang dress na suot ko kanina.

Ang kulit ng baklita na yon ang sabi ko sa office ako ihatid pero dito sa bahay ako binaba. Mas gusto ko sa office may ginagawa ako eh dito sa bahay wala, wala din naman kasi akong kasama dito.

Si nanay at tatay nasa probinsya namin. Ang kuya ko naman may sarili nang pamilya kaya bibihira ko na din siya makausap.

Pakiramdam ko ay mababaliw ako pag wala akong ginagawa kaya kinuha ko ang bag ko at pumara ng taxi. Pupunta ako sa Café tutal 9 pm pa naman ang closing nun at doon na rin ako matutulog.

Ilang minuto lang ang layo ng Café sa bahay ko kaya mabilis akong nakarating dito.

'Goodeve po ma'am Kaye!' bati ng isa naming empleyado.

'Hi! Kamusta dito?' tanong ko.

'Okay naman po ma'am, medyo madami pong customers kanina kaya makalat po sa kitchen atsaka may ilang ingredients na din pong mauubos.'

'Ganun ba? Sige, bukas mamimili nalang ulit ako.'

Inikot ko ang aking paningin at may iilan pang customers. Napakunot ang aking noo nang makita ko nanaman siya at nakatitig siya saakin.

Tumayo siya sakaniyang kinauupuan at nag lakad papunta sa direksyon ko.

Dug dug dug dug dug dug.

Kumalma ka Kaye!

'Uhmm.. Hey? I'm sorry about what happened earlier.' panimula niya.

'It's okay kalimutan mo na.' sabi ko at umiwas ng tingin.

'Pwede mo ba kong samahan? I just wanna talk to you.'

Ha? Para saan?

'About what?' I asked.

Bahagya siyang ngumiti, 'Kaya nga samahan mo muna ako saglit. Sige na Kaye.'

Bumuntong hininga ako at tumango. Nag lakad kami sa spot kung saan lagi namin siyang nakikita ni Alex, umupo ako sa tapat niya.

'Balak mo bang dito tumira sa Café namin? Halos lagi kang andito.' sabi ko.

He laughed kaya sinamaan ko siya ng tingin. 'Well, ang sarap kasing balik balikan ng kape niyo dito. Sobrang swak sa panlasa ko. That's why I always come back here.'

Diniinan niya ang huling salita na sinabi niya.

Nag karoon ng saglit na katahimikan sa pagitan naming dalawa.

'Uhmm.. So, gano katagal na nga 'tong Café mo?' tanong niya.

'2 years na din.'

'Wow, nakakatuwa naman dati pangarap lang natin-- I mean uh.. pangarap mo tong ganito diba?'

Ngumiti ako at tumango 'Yeah, I never knew na matutupad.'

'Sus! Kunyari kapang walang bilib sa sarili eh ikaw nga ang pinaka masipag at matiyaga na taong kilala ko.'

'Kaya nga nakapag tiyaga ako noon diyan sa ugali mong di maintindihan eh.'

'That's why I loved you so much back then.' he said.

'But then, you left me.' sabi ko. Napaangat ako ng tingin nang ma-realize ko ang lumalabas sa bibig ko.

Shit.

'I-I'm sorry Kaye.' mahina niyang sabi.

Pilit akong ngumiti, 'No no it's okay hehe sorry din. Kalimutan na natin yon ano kaba. It's been what? Uhmm.. 10 years? Hahaha. 17 palang ako nun eh. Kumbaga puppy love palang.'

Biglang sumeryoso ang mukha niya. 'Really huh? Puppy love? It's not a freaking PUPPY LOVE Kaye. Alam kong minahal mo ako.'

'Paano ka nakakasigurado?' matalim kong sabi.

'You gave yourself to me Kaye.'

Para akong naubusan ng hininga sa sinabi niya. Matapos naming mag hiwalay wala na 'kong relasyon na pinasok pa.

'I knew that moment na akin ka lang, na we did IT for love Kaye.' muli niyang sabi.

Sa sobrang pag mamahal ko sakaniya noon, kahit sarili ko binigay ko.

'Stop Calvin.' malamig kong sabi. 'You knew? Talaga? Pero after a week na binigay ko ang sarili ko sayo iniwan mo ako.'

'I have my reasons.'

'Alam ko, dahil may nakita kang mas maganda, mas sexy, mas magaling--

He cut me off. 'NO! Hindi totoo yan.' matigas niyang sabi. 'My Dad forced me to.'

I sarcastically laughed. 'That's bullshit Calvin, wag mo akong dinadaan sa ganiyan. Napaka common na dahilan yan, anong akala mo? Nasa isang fairytale tayo? One day, there's a guy that fell inlove with a girl but he cannot love her because the king wants him to marry a real princess? WOW! BULLSHIT!'

'No! That's not what I meant--

'Then what is it?!'

'I STILL LOVE YOU KAYE!'

Bahagya niyang nahampas ang lamesa saaming harap.

'What did you said? Mahal mo pa ang GIRLFRIEND KO?'










Napalingon kami pareho sa lalaking dumating.

---

He is SheWhere stories live. Discover now