C o n t i n u a t i o n

845 39 0
                                    


Alex's POV

Napakunot ang aking noo sa sinabi niya. 'Ha? Bakit? Ano bang meron kay Kaye??' tanong ko.

Saglit namang hindi nakaimik si Cali.

'K-kasi ano.. '

'What?'

'Duh! Syempre kasi kaibigan natin si Kaye. Kaya syempre may karapatan tayo na i-make sure kung safe ba siya ganon hehe..'

Napaismid ako, 'No, hindi ayan yung tinutukoy bakit kailangan mag pacheck up--

'Oh my.. Carlie! Bakit ang dungis dungis mo? Wait Alex, I'll call you nalang later ha? Don't worry ite-text ko si Kaye!'

'Wait--

'Bye Alex!'

Call ended.

Napabuntong hininga ako nang patayin ni Cali ang tawag. Pakiramdam ko ay hindi ako makakapag-focus sa trabaho ngayon.

Lumabas muna ako ng opisina at nag patimpla ng kape.

'Alex!'

Napalinga ako saaking gilid.

'Oh hi Rose.' bati ko.

'Asan si Kaye? Di ko na siya masyado nakikita ah?' tanong niya.

'Ah maaga siyang umalis uuwi sa kanila. Sa province.' sagot ko naman.

'Talaga? Oh bakit hindi ka kasama?'

Hindi naman ako agad nakaimik. Di naman niya kasi ako sinama eh. Sa totoo lang gusto ko makilala ang family niya.

'Uhmm.. Kasi walang mag babantay dito.' iyon na lamang ang aking sinagot.

Tiningnan naman niya ako na parang hindi naniniwala saakin. 'Asus! Ang sabihin mo LQ kayo! LQ!' panunukso niya.

Napailing ako, 'Pang lovers lang yung LQ.'

'Oh bakit love mo naman siya ah!'

Napaikom ang aking bibig.

Love? Parang mabigat ang salitang 'yon.

'Sir eto na po ang coffee niyo.' pag abot ni Badette.

'Salamat.' sabi ko.

*toot*

Tumunog ang aking cellphone.

1 message receive.

From: Cali

Traffic daw mukhang gagabihin si Kaye bago makadating sa kanila.

Napahilot ako saaking sentido. Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Gusto ko tuloy siyang sundan doon.

--

Kaye's POV

I glanced at my watch at alas 4 na ng hapon medyo malayo pa ako. Kanina pading kumukulo ang tyan ko.

Kulang pala yung binili kong pagkain kanina nung nag stop over yung bus.

Gutom na gutom na ko, ay mali pala. Gutom na kami. Napahawakan ako saaking tiyan. 'Sorry ah, mamaya pag dating natin sa bahay kakain ako madami.' bulong ko saaking isip.

'Masakit tiyan mo miss?' napalinga ako saaking katabi na kanina pa ako dinadaldal.

'Hindi.' maikli kong sagot.

'Sure ka?' kahawig siya ni Alfred, o baka nag iimagine lang ako?

Tumango ako.

*kruuuu*

Nanlaki ang aking mata nang kumulo ang aking tiyan at gumawa pa ito ng ingay. I heard him chuckled. 'Ah hindi masakit kasi gutom pala hahahahahaha!'

Inirapan ko naman siya. Kainis!

May kinuha siya sakaniyang bag at inabot ito saakin, 'Here I have some snacks oh.'

Inaabot niya saakin ay puro junkfoods kaya umiling ako. 'Hindi yan pwede.'

Kanina habang nasa biyahe ay nag search ako ng mga dos and donts ng isang buntis. Kaya kahit papaano may kaunti na akong alam sa mga dapat kong gawin.

Pag balik ko nalang sa Manila ako mag papa-check up.

'Ang choosy mo naman.' sabi niya.

'Bawal nga kasi yan saamin.'

Nilakihan niya ako ng mata, 'Saamin? Hala! May nakikita kabang hindi ko nakikita?!' pag bibiro niya.

'Ewan ko sayo!'

'Pfftt-- joke lang eto naman hindi mabiro. Pero bakit saamin?'

Hindi ko na siya pinansin at tinuon ko nalang ang sarili ko sa pag ce-cellphone. Medyo nakokonsensya ako, kanina pa nag te-text sakain si Cali dahil nag aalala daw si Alex.

Iniisip ko pa nga din kung paano ko sasabihin kay Mama at Papa. Natatakot ako.

Mga dalawang oras pa mahigit ang nakalipas at sa wakas ay nakadating na din ako.

Pag baba ko ng bus ay may nakita akong nag titinda ng tinapay kaya agad akong bumili.

'Manang dalawa nga po atsaka isang tubig.'

'Ito iha, kuha kana.'

Inabot ko ang aking bayad at nag hanap ng tricycle.

'Uy. Saan ka?' heto nanaman siya, nangungulit. 'Baka pareho tayo ng pupuntahan.' dagdag pa niya.

'Ayoko nga sumabay sayo. Baka mamaya masama ka.' diretso kong sabi.

Humawak siya sakaniyang dibdib at ngumiwi, 'Aww ansakit naman non!'

I rolled my eyes at dire-diretsong sumakay sa tricycle, iniwan ko siyang nag kakamot ng ulo doon.

Habang umaandar at papalapit ako ng papalapit sa bahay ay lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

I heavily sighed.

Sa gitna ng biyahe ay may nadaanan kami na parang tindahan ng mga langis langis.

'Para sa sakit ng ulo, tiyan, rayuma, at iba pa.'

Yaan ang nakasulat sa karatula ngunit may isa pang umagaw ng pansin ko.

'Pampalaglag ng hindi inaasahan'

---

He is SheМесто, где живут истории. Откройте их для себя