C o n t i n u a t i o n

825 38 0
                                    

Alex's POV

'At ngayon naman na okay na ako, andiyan ka padin, you never left my side. That's why isa ka sa mga taong hinding hindi ko hahayaang mawala sa buhay ko.' I said while looking at her straight in the eyes.

Hindi ko alam pero parang may humihila saakin palapit kay Kaye.

I am being magnetized.

I feel like... I wanted to kiss her.

Napansin ko naman na parang siyang nag aalinlangan at hindi makagalaw sa dahan dahan kong pag lapit sakaniya.

Our lips are only one inch away from each other.

I closed my eyes, I just want to feel her lips on mine.

*ring*

*ring*

*ring*

Para akong binubusan ng malamig na tubig nang biglang may mag ring na cellphone.

Tangina?! Wrong timing!

'Uh... Uhm.. ' napakamot si Kaye sa kaniyang ulo at tumayo. 'S-sayo ata yun?' sabi niya.

Aish..

Kinapa ko ang aking cellphone saaking bulsa.

Saakin nga, tumingin muna ako kay Kaye bago ko sagutin.

'Hello?'

'Goodafternoon Sir! What time po ang punta niyo sa condo?'

Yung nag bebenta ng condo pala 'tong panira.

'Tomorrow morning, maybe around uhm.. 9 am.' sagot ko naman.

'Okay sir. Thank you.'

'Thanks. Bye.'

Binalik ko na ang cellphone saaking bulsa at tumingin kay Kaye na parang naiilang padin saakin.

'Y-yung sa condo, yung tumawag.' sabi ko.

'Ahh..' iyon lang ang tanging sagot niya. Napahimas nalang ako saaking hita dahil pati ako ang naiilang na din.

'M-mag luto lang ako dinner hehe. Diyan ka muna.' sabi niya at bilis bilis na tumalikod.

'S-sige lang..'

Nang tuluyan siyang makaalis ay napasandal ko sa sofa at napahilamos saaking mukha.

Ayun na yun eh!!!

Nag lakad ako papuntang kwarto, at nag tanggal ng damit, maliligo muna ako, pakiramdam ko ay kailangan kong mahimasmasan dahil sa nangyare kanina.

---

Nang matapos akong maligo ay tinapis ko na ang tuwalya sa may bewang ko at lumabas, bumungad agad saakin ang amoy ng niluluto ni Kaye kaya nag punta ako sa kusina.

'Hmmm.. Amoy palang nakakagutom na ah.' sabi ko.

Humarap siya saakin at bigla uli siyang tumalikod, dahil siguro tuwalya lang ang suot ko.

'Uhm.. M-malapit na 'to maluto, mag bihis kana para makakakain kana.'

'Ako lang? Sabay na tayo.' sabi ko.

Sinalin na niya ang kaniyang niluluto sa isang lalagyan at marahan itong nilagay sa lamesa.

'Go na, mag bihis kana dun mag hahain na ako.' sabi niya at tumango naman ako.

Nakakailang hakbang palang ako ay bigla siyang sumigaw.

'Arayyy!! Putcha!!' habang hawak niya ang kaniyang kamay at hinihipan hipan ito.

Agad naman ako lumapit sakaniya, 'Oh ano nangyare???!'

'N-napaso nung kawali!'

Kinuha ko ang kaniyang kamay at hinipan ko din ito.

'Aww awww whooo ansakit!' daing niya at nag papapadyak pa.

'Bakit ba napaso?!'

'Nakalimutan ko hawakan yung pot holder!'

'Ano??!! Ang tanga mo naman!'

Namumula na ang kalahati ng kaniyang kamay.

'Bakit moko sinisisi--

'Wag ka malikot! Saglit kukuha ako ng petroleum jelly!'

Nag hanap ako sa may medicine cabinet ngunit wala ako makita.

'Bilisan mo bakla ang hapdi!!' sigaw niya.

'Saglit! Saan mo ba kasi nilagay yun?!' pati ako ay natataranta na sakaniya.

'Baka nasa may dulo ko nailagay!'

'Aish!! Bakit dun mo nilagay?!' tumalon ako ng bahagya para makita ang nasa dulo ngunit sa kasamaang palad ay..

.

.

.

.

.

.

.

.

'OH MY GOODNESS ALEX!!!!!!!!!!!'

.

.

.

.

.

Agad na tinakpan ni Kaye ang kaniyang mata, pero wala na...

Nakita na niya...

.

.

.


















'YUNG TUWALYA MO NAHULOG!!!!'




Ang birdie ko!!!

----

He is SheWhere stories live. Discover now