C H A P T E R 41

832 38 0
                                    

Kaye's POV

Nag aayos lamang ako ng documents dito sa office nang biglang tumunog ang cellphone ko.

*toot*

1 message receive.

From: Alex

Samahan mo ako sa The Empire's Bar.

Napakunot naman ang aking noo, anong meron? Bakit kami pupunta doon?

*toot*

1 message receive.

From: Alex

'Asan ka? Susunduin kita.'

Agad naman akong nag reply.

To: Alex

Andito ako sa Café. Intayin kita.

Sent √

Mamaya ko nalang siya tatanungin kung bakit kami pupunta doon, nag ayos muna ako ng sarili saka lumabas.

It's already 6:15 pm.

'Badette, kayo na ang bahala mag sara nitong Café, may pupuntahan lang kami ng Sir Alex niyo.' sabi ko.

'Okay po ma'am, ingat po.'

Tumango ako at naupo muna sa may bukana ng Café, dito ko nalang iintayin si Alex.

Makalipas naman ang ilang minuto ay naaninang ko na ang kaniyang kotse kaya lumabas na ako, kita kong nakasuot siya ng shades.

Aba wala namang sinag ng araw ah?

Binuksan ko na ang pinto ng kotse niya. 'Hi Babe.' bungad ko, sinuot ko na ang aking seatbelt.  'Bakit tayo pupunta sa Bar?' tanong ko.

'Para makalimot.' sabi niya at nag simula nang mag maneho.

Napatingin naman ako sakaniya dahil iba ang boses niya.

Nagulat ko nang mapansin ko ang mukha niya. 'Oh my God. Bakit ng pula ng mukha mo??' tanong ko at hinawakan ito.

'Ouch..' daing niya at umiwas.

'Stop the car Alex!' sabi ko sakaniya at agad naman niya itong inihinto.

Hinawakan ko siya sa pisngi at inalis ang salamin niya.

'Anong nangyare sayo?! Bakit ganiyan ang mukha mo?!' nag aalala kong tanong.

He's looking at me coldly. 'Wala naman, nabugbog lang ulit ni Kuya Alfred.' sarkastiko niyang sabi at nag simula nanaman mag maneho.

'WHAT?! Bakit?! Anong--

'Shut up Kaye, please... Naiingayan ako. Gusto ko muna mag saya at makalimot kahit ngayon lang. Paano ako makakalimot kung tanong ka ng tanong?'

Napayuko ako at may kumirot sa dibdib ko sa tono ng pananalita niya.

Hindi na ako nakaimik dahil baka pati siya ay magalit pa saakin.

---

Buong biyahe ay tahimik lamang kami pareho, nahihiya ako mag tanong sakaniya.

Seryoso lamang ang tingin niya sa daan at nakakunot ang noo na para bang hindi mo gugustuhin na makipag usap sakaniya. Maybe he had enough sa mga binabatong pananakit at mga salitang natatanggap niya sa sarili niyang kapatid.

He parked the car at dire-direstong bumaba kaya agad naman akong sumunod sakaniya.

Ang bilis niyang mag lakad kaya medyo nahuhuli ako, may nabangga pa akong lalaki. 'Sorry po. Excuse me.' sabi ko.

'It's okay miss.' sagot niya at naamoy ko naman agad ng hininga niyang amoy alak.

Naramdaman kong may humawak saaking kamay at hinila ako, 'Tsk. Ang bagal mo. Come here.' sabi ni Alex at pinulupot ang braso niya saakin.

Umupo kami sa table na pang apatan na tao. 'Hindi ba tayo mag VIP?' bulong ko sakaniya dahil sa sobrang ingay.

Umiling siya. 'I wanna have fun tonight.'

---

He is SheWhere stories live. Discover now