C o n t i n u a t i o n

806 37 0
                                    

Alex's POV

'Dad..'

Napatayo ako mula saaking kinauupuan, 'Anong sinabi mo Alexander?' tanong niya.

Bigla naman akong pinawisan ng malamig at sunod sunod na napalunok.

'Mag kakaanak kana?' muli niyang tanong.

'Y-yes Dad.' sagot naman.

'At wala ka manlang balak sabihin saamin?' seryoso niyang sabi.

'No, hindi po sa ganun Dad, nag hahanap lang po ako ng tamang tiyempo. Alam ko pong galit kayo saakin at baka pag sinabi ko lang yon maging wala lang sainyo.' paliwanag ako.

Sarkastiko siyang tumawa, 'Talagang umalis kana ng tuluyan sa puder namin ano Alexander? ni hindi mo manlang yata kami naaalala.'

Sunod sunod akong umiling, 'Hindi po yan totoo Dad, palagi ko po kayong naaalala nila kuya. Kaya lang po ako hindi lumalapit sainyo dahil baka ipag tabuyan niyo ako uli.'

Narinig ko ang mabigat niyang pag buntong hininga, ngayon ko lang din napansin na namayat ang pangangatawan ni Dad.

Lumapit siya sa puntod ni Nanay at kinuha ang bulaklak na inalis ko kanina saka muli itong nilagay.

'Sobra naman itong anak mo saakin Lara, pati bulaklak na bigay ko inaalis, umalis na nga siya saakin. Pati ba naman ikaw gustong ilayo.'

Napakunot ang aking noo, 'Ikaw Dad ang laging nag dadala ng bulaklak kay Nanay?'

He nodded.

'Everyday, everyday I always bring your mother a flower. Hindi ko sakaniya nagawa ito nung nabubuhay siya.' he said without looking at me, diretso lang na nakatingin sa puntod ni nanay.

Bahagya siyang tumawa, 'Hindi naman talaga ako nag g-golf pag umaalis ako. Dito lang naman ako palaging pumupunta.'

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa sinasabi ni Dad.

'Araw-araw, humihingi padin ako ng tawad sa nanay mo.' he chuckled, 'Wala eh, hindi ako nakuntento noon. Masyado akong naging kampante na hindi ako iiwan ng nanay mo. She never left even a minute, kaya lang. Kinuha naman siya saakin. Iniwan padin niya ako.'

May kinuha siya sakaniyang bulsa at isa itong panyo, ngayon ko lang napansin na may luha na sakaniyang mata.

'At noong nawala na nga ang nanay niyo, natakot ako. Sobra akong natakot na baka isumbat niyo saaking mag kakapatid ang nangyare sa nanay niyo. Pati nga ang kuya Alfred mo naidamay ko eh, he knew my dirty secrets.'

Nakikinig lamang ako sakaniyang mga sinasabi.

'Alam kong nagu-guilty din ang Kuya mo, pinilit ko lang naman siya noon na huwag sabihin sainyo at sa nanay mo ang nalalaman niya.'

'Kaya heto ako ngayon, nag tatapang tapangan. Pakiramdam ko mas lalo kong na-disappoint ang nanay niyo, dahil hindi ko kayo napalaki na kagaya ng ini-plano naming dalawa.'

Marahan niyang hinaplos ang ukit ng pangalan ni Nanay.

'I'm so sorry Lara, I failed as a husband to you. At ang mas malala pa doon, I also failed as a father to our children.'

'Wag niyo pong sabihin yan Dad, kahit papaano ay naging mabuti po kayo saamin nila Kuya.' sabi ko.

Umiling siya, 'Alam ko ang pag kakamali ko, pati nga pag lalaro ng babae tinuturo ko sainyo. Sa tingin mo gawain ng mabuting ama iyon, Alex?'

Pinunas niya ang kaniyang luha at nag angat ng tingin saakin, 'Now tell me, who's the lucky girl na nag pabago sayo? Pasasalamatan ko siya!'

Napakamot ako saaking batok, 'Si.. K-kaye po.'

Kumunot ang kaniyang noo, 'Kaye? The fake girlfriend of yours?'

Tumango ako.

'Wow! So, it's real now?'

'No Dad, hindi ko po siya girlfriend. As of now, ginagampanan ko po ang pagiging daddy sa baby namin.' sagot ko.

'That's my man. Panindigan mo yan.'

'Ofcourse Dad.'

Bumaling siya sa puntod ni Nanay, 'Sa wakas Lara! Mag kaka-apo na tayo!' masaya niyang sabi.

'Hindi na po ba kayo galit saakin Dad?' tanong ko.

'Noong una, oo galit na galit ako. But later on, lagi kong naiisip na anong magagawa ng galit ko sayo kung ganon na talaga ang kagustuhan mo. But look at you now son, ikaw ang bunso pero ikaw 'tong mag kakaanak na.'

'Mababagal po sila Kuya eh.' pag bibiro ko.

'But seriously anak, gusto ko pumunta kayo sa bahay kasama ang babaeng nabuntis mo.'

---

He is SheWhere stories live. Discover now