C o n t i n u a t i o n

778 43 0
                                    


Alex's POV

Matapos namin mag usap ni Dad sa harap ni nanay ay umuwi na din siya, nag punta ako sa Café para mag check ng files. Medyo madami-dami na ito pero buti nalang ay noong wala kami ni Kaye hindi nag karoon ng problema.

I'll just give Badette an additional credit for her extra effort.

It's almost 5 pm at tinatawagan ko si Kaye para itanong kung anong gusto niya.

*kringg*

*kringg*

'Hello?'

'Hi mommy! Pauwi na ako. May gusto ka ipabili?' tanong ko sakaniya. Kanina ko pa gustong umuwi at sabihin sakaniya na okay na kami ni Dad.

'La.' maikli niyang sagot.

'Sure ka ba mommy? I'm in my car na.' sabi ko.

'La nga.'

*toot*

Call ended.

Anong nangyare don? Aish! Baka nasingga nanaman ang pagiging moody niya.

Nag simula na akong mag maneho, dumaan muna ako sa 7 11 para bumili ng ice cream. Mag dadala padin ako ng pu-pwede niyang makain, kilalang kilala ko na yun. Pabago bago ng panlasa.

I drove heading to our condo.

Our.

Napangiti naman ako, by just thinking that we are living in the same roof.

After minutes of driving ay nakarating na ako. Pumasok ako sa elevator and I pressed the 7th button.

*ting*

Dire-diresto akong nag lakad papunta sa unit.

*knock knock*

Pag bukas ng pinto ay bumungad saakin ang nakasimangot na si Kaye. 'Hi mommy! I bought ice cream!' masaya kong sabi at tinaas pa ang supot na dala ko.

Hindi manlang siya umimik at tinalikuran ako.

What the?

'Huy, ano problema?' tanong ko, pinasok ko muna ang ice cream sa ref dahil medyo lumambot na ito.

Napabaling ako sa lamesa at may pagkain, kumuha ako ng kutsara at tinikman ito. 'Wow! You cooked? Ang sarap naman nito mommy!' sabi ko at patuloy na kinain. 'Tamang tama gutom na ako!'

'Luto ni Xandra yan.' malamig niyang sabi. Agad ko namang naibuga ang pagkain at naipatong ito sa lamesa.

Pinunas ko ang aking bibig.

Oh shit.

'Sarap ba?' sarkastiko niyang sabi.

'Uh.. De akala ko luto m--

'De wala, sabi mo masarap eh. Edi dun ka.' mabilis siyang nag lakad papuntang kwarto.

Aish! Ang tanga mo Alex!

Agad ko siyang sinundan at nang hinawakan ko na ang door knob ay naka-lock ito.

'Kayeee.. Open the door pleaseeee..' sabi ko.

Walang respond.

'Mommy naman.. I miss you.' malambing kong sabi. Kinatok katok ko ang pintuan pero wala talaga.

Ang hirap manuyo ng buntis!

'Mommy please, open the door. Usap tayo oh.'

'Kaye..' pag tawag ko.

Bigla kong naalala na may susi nga pala ako ng kwarto, I get the keys from my keyholder and boom, I unlocked the door.

Nakadapa siya sa kama at nagulat ng makita ako.

'Huy, mommy.' pag tawag ko.

Muli niyang sinubsob ang kaniyang mukha na akala mo'y hindi ako nakita. Lumapit ako sakaniya, 'Ang dami kong kwento sayo mommy.' imik ko.

'Galing ako sa puntod ni nanay kanina.' panimula ko kahit na hindi ako sigurado kung nakikinig ba siya.

'Tapos sinabi ko sakaniya na magiging daddy na ako.'

'And guess what, nag kakita kami ni Dad at nakausap ko siya. I also told him na buntis ka, and he wanted us to go in our house.'

Dahan dahan niyang pinaling ang kaniyang mukha saakin.

'He forgave me already.' nakangiti kong sabi.

'Aren't you happy for me?' I held her chin.

'I am.' maikli niyang sabi at inirapan ako.

Unti-unting nawala ang ngiti saaking labi.

Napabuntong hininga ako at umalis sa kwarto. Nag tungo muna ako sa kusina at hanap ng pu-pwedeng makain sa ref. nagugutom na ako, I was expecting na sabay kaming mag d-dinner ni Kaye pero napansin ko na may mga plato nang napagkainan, I guess she already ate.

Galit siya saakin and I don't know why kung anong nagawa ko, hahayaan ko nalang muna siyang mag palamig ng ulo. Baka mas lalo siya mainis saakin.

Hindi ko pati alam na luto ni Xandra ang nakain ko.

Nag painit ako ng pagkain at nag sandok ng kanin.

Naupo ako sa lamesa at tahimik lang na kumakain.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay lumabas si Kaye ng kwarto at parang nag aalinlangan na tumingin saakin.

'Kumain kana ba?' paninigurado ko.

Tumango siya.

'Eh yung milk mo? Nainom mo na?'

Umiling siya.

Tumigil ako sa pagkain at kinuha ko ang gatas niya sa ref. 'Sandali ipag titimpl--

'A-ako na.' mahina niyang sabi.

'It's okay, ako na.' hinalo halo ko ang gatas niya at inabot ito sakaniya.

Agad niya itong ininom at ako naman ay bumalik sa pag kain, may lungkot akong nararamdaman, I was really excited to tell Kaye what happened today but she seems not interested.

Walang naimik saaming dalawa kaya tinuon ko nalang sa pag kain ang atensyon ko.

Nang matapos siyang uminom ng gatas ay dahan dahan siyang nag lakad papuntang lababo na nasa may likuran ko.

Ilang segundo pa ang lumipas ay parang hindi siya gumagalaw sa kaniyang puwesto.

Akmang lilingunin ko na siya nang may biglang maliit na brasong yumakap saakin.

She's hugging me from behind.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

'I'm sorry for my attitude, come on and tell me how's your day, daddy?'

---

He is SheWhere stories live. Discover now