C H A P T E R 69

645 27 3
                                    

7 weeks later.


Kaye's POV


'Wow! Akala ko sa dagat lang may balyena, dito din pala sa lupa meron no?'

Napairap ako at mas nilakasan ang pag paypay, sobrang init ngayon.

'Akala ko sa aso lang nag kakaroon ng garapata, dito din pala sa bahay namin meron?!' sagot ko naman pabalik.

'HAHAHAHA! Eto garapata? Ang mukhang 'to???'

Araw araw palaging nambu-bwisit 'tong lalaking 'to. Hindi ko alam kung bakit ba nakilala 'to nila Mama eh.

'Hay nako, bangayan nanaman kayo ng bangayan, Kaye inumin mo na 'tong gatas mo.' sabi ni Mama.

'Wow! Go tagay ng gatas!' sigaw niya.

Walang iba kundi ang nakasakay ko dati sa bus noong umuwi ako dito nang nalaman kong buntis ako. At heto siya ngayon walang ginawa kundi mang asar.

'Opps! Bawal pikon baka lumabas ang baby na nakasimangot!' imik nanaman niya.

'Ikaw ba pinag lihi sa p*ke ng baboy?! Ang daldal mo daig mo pa ang babe!' bulyaw ko sakaniya.

'Uy grabe ka naman! Hindi ako pinag lihi doon. Pero mahilig ako sa.....'

'Goodness!! Kadiri ka!!!!' pinaltok ko sakaniya ang hawak kong pamaypay at nakailag naman siya agad.

'Uwuuu! Pikonnnnn! HAHAHAHAHAHA!'

Di ko na lamang siya pinansin at ininom ang aking gatas.

'Alam mo para may magawa ka, samahan mo nalang ako mamaya doon sa may dagat gusto ko doon mag pahangin. Atsaka kailangan ko din mag lakad lakad sabi ni Doctora.' sabi ko.

'Sus! Ayun lang pala eh! Tara ngayon na!' hyper niyang sabi.

'Teka naman, excited? excited? Pag kaubos ko nitong gatas pwede?' sarkastiko kong sabi.

'Ay opo kamahalan pwedeng pwede po.' 

--

Nag simula na kaming mag lakad lakad papunta sa dagat, hindi naman iyon masyadong kalayuan sa bahay kaya lagi akong pumupunta doon. Bilin din kasi ni Doctora na mag lakad lakad ako tuwing umaga para ma-exercise ako.

'Grabe, ano kaya yang anak mo? Sana kasing pogi ko pag lalaki no? Tapos wag mo sanang maging kamukha kung babae.'

'Pwede ba Dave? Wag kana umasa. MAS gwapo pa 'to sayo dahil napaka pogi ng daddy nito.' mayabang kong sabi.

Sumimangot naman siya sa sinabi ko.

Nakahawak ako saaking tiyan habang marahang umupo.

'Hayyyy.. Ang sarap talaga dito..' bulong ko nang maramdaman ko ang sariwang hangin na humahampas saaking mukha.

Napapikit ako at mas dinama ang kapayapaan dito habang marahan kong hinihimas himas ang aking tiyan.

'Ang ganda.' rinig kong imik ni Dave.

Napamulat naman ako at nakatingin siya saakin.

'Ang ganda.... ng paligid diba?' sabi niya habang nag kakamot ng batok.

'Yeah, kaya nga gusto ko lagi dito eh.' napatingin ako sa malayo.

My eyes are locked from afar where the sea kisses the sky.

Bigla kong namiss si Alex.

Actually I miss him every single day pero wala eh. I don't know what happened, hindi na masyadong nag me-message saakin si Aj, pansamantalang siya ang nag babantay sa dalawang Café.

Si Cali sobrang busy hindi ko rin siya masyado makausap.

Kaya heto ako, hindi ko na alam kung ano bang kalagayan ni Alex, ang huling balita ko sakaniya halos tatlong linggo na nakakalipas, ang sabi nila he's still in the hospital. Sa bahay hindi rin siya masyadong binabanggit ni Mama at Papa, hindi ko alam kung nagalit ba sila o ano.

Baka daw tinatakasan na ng pamilya nila Alex ang responsibilidad nila saakin pero sabi ko naman baka talagang marami silang inaasikaso ngayon.

'Lalim ng iniisip ah? Mas malalim pa ata dito sa dagat na natatanaw natin.'

Napabalik ako sa sarili nang umimik si Dave.

'Ahh.. De wala. May naalala lang ako.' sabi ko.

'Sino? Tatay ng anak mo?'

Hindi ako sumagot sakaniya, napahawak ako saaking tiyan nang bigla akong may maramdaman na pag hilab.

'Aw..' daing ko.

'Oh bakit? Ano masakit?' nag aalala niyang tanong.

'W-wala.. Tara na bumalik sa bahay.' pag aayaya ko sakaniya.

'Oh sige tara, baka namaya mapagalitan pa tayo ng Mama at Papa mo.'

Inalalayan niya ako tumayo at parang bigla akong nahirapan na mag lakad.

Sumisipa kaba baby?

Behave ka lang diyan medyo masakit na sa tiyan ni Mommy.

---

He is SheWhere stories live. Discover now