C o n t i n u a t i o n

618 26 0
                                    

Kaye's POV

'Oh anak bakit pangiti ngiti ka diyan?'

'AY KALABAW!!!' nagulat ako nang biglang umimik si Mama. Nakalimutan ko na siya nga pala ang nag babantay kay Austin.

Jusko pasensya na anak, nilandi ni mommy ang daddy mo.

'Ah... Wala po Ma, si Alex daw po sa sofa nalang matutulog. Ako na po ang bahala kay Austin, makikibigay nalang po kay Alex ng kumot at unan.' sabi ko.

'Bakit hindi pa kayo mag tabi dito? Panigurado akong gusto niya din mabantayan si Austin nahihiya lang yon mag sabi.'

After what I did earlier?! NO WAAAAY!!

'Eh okay na daw po siya doon.' pag sisinungaling ko.

Dahan dahan akong humiga sa tabi ni Austin at inalis ang kulambo niya. Yung para bang pantakip sa ulam na kulambo ng baby.

'Pogi naman ng baby Austin ko.' bulong ko.

Bumaba na si Mama at sinaraduhan ang pinto.

Ako naman ay nakatitig ngayon sa anghel na aking nasa harap. 'Parang photocopy lang ni Alex.' bulong ko.

Sabagay, hindi naman talaga imposible dahil isa si Alex sa mga pinag lihian ko. And I'm not complaining ang pogi kaya nila pareho. Hehe.

Sa pag titig ko kay Austin ay unti-unti na akong nakakaramdam ng antok at pagod. Pakiramdam ko gusto ko lang matulog ng matulog.

Bumabagsak na ang aking mata at nilalamon na ako ng tulog.

*uwaaa*

*uwaaa*

*uwaaa*

Agad akong napamulat ng mata at tinapik tapik si Austin. 'Mmmm.. Mmm.. Sleep na baby.' 

Mas lalong lumakas ang kaniyang iyak kaya napaupo ako sa kama, 'Gutom na ba ang baby ko?'

Marahan ko siyang binuhat at palakas ng palakas ang iyak niya. 'Shh.. Shh.. Eto na eto na baby.' tinaas ko ang aking damit at pinadede si Austin, sumala pa sakaniyang bibig ang aking nipple kaya parang nainis siya at umiyak nanaman.

Bumukas ang pintuan at niluwa nito si Alex na nag alala ang mukha.

'Why is he crying???' tanong niya.

'Gutom yata.' sabi ko. Tumahan na si Austin nang makuha na niya ang aking nipple at makadede.

Lumapit siya at tiningnan si Austin. 'Nakakakaba naman ang iyak mo anak.' mahina niyang sabi.

Pareho lamang kaming nakatitig kay baby at pinag mamasdan ang bawat galaw niya, habang patagal ng patagal ay bumabagal ang pag dede niya saakin.

Kahit na nakasandal ako sa kama ay ramdam ko padin ang aking antok dahil mabigat ang aking mata at parang gustong bumagsak.

'He's asleep again.' imik ni Alex.

'Kailangan niya mag burf.' sabi ko naman.

'Can I?' pag papaalam niya.

'Oo naman.' sabi ko at marahan ibinigay sakaniya sa Austin.

Inalis niya ang cellphone niya sakaniyang bulsa at nag alcohol bago kunin si Austin.

Marahan niyang hinilig si baby sakaniyang dibdib. 'God he's so soft.'

Napatawa naman ako ng bahagya sakaniyang sinabi.

Ang ganda nilang tingnan mag daddy, hindi ako mag sasawang makita ang mga reaksyon at galaw ni Alex tuwing nakalapit siya kay Austin.

'Uhmm.. Baka gusto mong dito na matulog?' sabi ko sakaniya.

'I'm scared.'

Napakunot naman ang aking noo sa sinabi niya. 'Huh? Bakit ka matatakot?' tanong ko.

'You might harass me again.'

WHAT?!

'Hoy! I didn't harassed you no!' dipensa ko.

'Lower down your voice baka magising si Austin.' bulong niya kaya agad naman akong napatakip saaking bibig.

'I didn't harassed you okay?' bulong ko.

iimik sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya at umilaw ito.

Awtomatiko naman akong napatingin at parang akong kiniliti sa puso nang makita ko na kami ni Austin ang lockscreen niya.

---

He is SheWhere stories live. Discover now