C o n t i n u a t i o n

619 27 0
                                    

Kaye's POV

Nasa hapag kainan kami ngayon, si Mama, Papa, Kuya, Sean, Dave at Alex.

Ang nag babantay kay Austin ay ang asawa ng kuya ko.

'Wow grabe sarap ng pagkain!' masiglang sabi ni Dave, 'Sarap dito tumira!' dagdag pa niya.

'You can always eat naman po dito kuya Dave eh.' magalang na sabi ni Sean

'Aampunin mo na ba ako Sean or asawahin ko nalang si Tita Kaye mo?' pag bibiro niya, nag katinginan naman kami nila Mama at si Alex ay kumunot ang noo.

'You can't do that Kuya Dave, Tita Kaye has Tito Alex already diba.'

Nanlaki ang aking mata sa sinabi ni Sean, hindi ko naman alam kung nag iimagine ba ako o ano dahil parang nakita kong ngumisi si Alex.

'Alex, kamusta naman Daddy mo?' tanong ni Papa, 'Dapat sa susunod na pagkikita namin inuman nalang.' pag bibiro niya.

'Okay naman po si Dad, nakwento niya nga po saakin na nakausap niyo raw ho siya noong naka-confine ako.' sagot naman ni Alex.

Ako ay nakikinig lamang sa kanilang pag uusap habang patuloy na kumakain.

'Tita Kaye dito kana ba uli titira?' tanong ni Sean.

Napatingin naman ako kila Mama, 'Uhmm.. May work kasi si Tita sa Manila eh.' sabi ko naman.

'Edi kasama mo na po uli si Tito Alex?'

Hindi ako agad nakasagot kay Sean, sa halip na umimik ako ay sinubuan ko na lamang siya ng pagkain.

'Eat some more pa Sean.' sabi ko.

Pakiramdam ko ay nasa hotseat ako.

'Kayo bang dalawa ay nag usap na?' seryosong tanong ni Papa.

Nag katinginan kami ni Alex pero sabay din kaming napaiwas.

'Uhm.. Opo?' di sigurado kong sagot.

'Oh maayos ba ang naging usapan niyo?'

'Ahh eh.. Opo?' sagot ko muli.

'Naku si Kaye nakakausap ng maayos? Parang anlabo naman!' singit ni Dave, nakita ko naman na napairap si Alex sa hangin.

Hindi ko alam kung saan ba ako kumukuha ng loob, dahil pakiramdam ko nag seselos siya.

'Tumigil ka nga Dave kung ayaw mong dukdukin kita nitong tinidor!' bulyaw ko sakaniya.

'Oh tingnan niyo na AMAZONA! Akala mo hindi nag atungal sa panganganak. Paano mo natitiis ugali ng babaeng 'to?' baling ni Dave kay Alex.

Alex looked at him and he tilted his head a little. 'When you love the person, kahit ano pang ugali niyan matitiis mo. Minahal mo siya eh, edi panindigan mo. Atsaka her AMAZONA persona is one of the things that I loved about her.' dire-diretso niyang sabi.

Hindi ko alam pero parang nakalock ang mata ko sakaniya. He looks so handsome right now.

I feel so kilig kainis.



'So, nasagot ko ba ang tanong mo?'

--

He is SheWhere stories live. Discover now