C H A P T E R 28

895 41 0
                                    


Kaye's POV

We're already home at napasalampak ako sa sofa.

'Gosh.. I'm tired.' bulong ko.

Umupo din si Alex sa tabi ko, 'Sa dami ba naman kasi nitong napamili natin.'

Napatingin naman ako sa mga paper bags na punong puno ng laman. 'Grabe teh! Parang pang isang taong supply ng damit ah?'

'Syempre I gotta have new clothes, new car, new life, new people, ikaw nga lang at si Cali ang luma sa buhay ko!' pag bibiro niya.

'No but seriously, it'll be different from now on.' sabi niya muli.

'What do you mean?' I asked.

'Syempre di naman pu-pwede na basta back to normal nalang ang gagawin ko after nang recovery ko. I need to do something para naman maipag malaki na ako ng pamilya ko.' seryoso niyang sabi. 'We need to work harder, I can imagine many branches of our Délice Café being built! Sounds good diba?' I can hear excitement in his voice.

Tumango naman ako, 'Ofcourse, that would be really great.'

'Sana pag naging successful na 'ko hindi na nila tingnan ang kasarian ko.'

'Bakit mo naman ipapakita ang t*te mo?' pag bibiro ko.

'Walanghiya ka talaga!' bulyaw ni Alex.

'HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA SABI MO EH!'

---

Matapos naming ayusin ang mga dala namin ay nag punta muna ako sa kwarto ko, sumasakit nang sobra ang puson ko. Aish.

Date naman kasi tolerable yung nararamdaman ko, pero ngayon medyo nakakaiyak na yung sakit. Sana naman bukas pag gising ko mawala na.

I opened my laptop para mag check ng e-mails, pero biglang may nag notif. sa IG ko.

I clicked it at may message.

From: Calvin del Mundo

'Hi, Kaye. I just want to say sorry sa mga eskandalo na nadala ko nung nakaraang buwan. Gusto ko lang sana na mag thank you kasi kahit hindi mo alam, you are my inspiration.' napatigil ko sa pag babasa nang message niya at napakunot ang noo ko, 'Hetong pagiging Engineer ko, it was because of you. And I'm also sorry kung galit kapa din saakin because of what happened in the past, I hope we can still be friends? or be my Sweetie again? Haha nope, just kidding. Take care of yourself Kaye.

P.S If you need help, I'm always here!
P.P.S I still love you Kaye Ann Cruz.

- Eng. Calvin del Mundo

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa message ni Calvin.

Should I reply?

'Uh.. Thanks?'

No no no. Delete.

'Thank you.'

Aish! Ang pangit.

'Salamat, Calvin. Take care of yourself also.'

Ayan okay na siguro 'to.

Sent √

Akmang isasara ko na ang aking laptop pero may tumatawag.

Kurt Cruz wants to have a video call with you...

Agad ko itong sinagot at bumungad saakin ang nakangiting si Mama at Papa.

'Ma!! Pa!!' masigla kong bati.

'Anak! Miss ka na namin!' sabi nila at kumakaway kaway pa.

I suddenly feel the longing.

'Ako din po! Miss ko na kayo!' maluha luha kong sabi. 'Kuya umuwi ka satin?' tanong ko.

'Oo, bumista kami dito. Ikaw ba? Kailan ka uuwi?' tanong naman niya.

I sighed, 'Hindi ko pa alam eh, pero promise malapit na! Pag di na sobrang busy dito. Pangako uuwi ako satin.' sabi ko naman.

'Anak, baka naman pinapabayaan mo na ang kalusugan mo, wag masyadong trabaho ng trabaho baka mamayat kana.' sabi ni Mama.

'Kaya nga walang love life yang anak mo eh.' singit naman ni Papa kaya natawa ako ng bahagya.

'Pa naman! Kahit kailan bully kayo talaga!' reklamo ko at pinag tawanan nila ako.

Biglaang bumukas ang pintuan ng aking kwarto at niluwa nito si Alex, 'Can I sleep he-- oh sorry, sino kausap mo?'

'Anak? Sino 'yang kasama mo sa bahay??' tanong ni Papa.

Sinenyasan ko naman si Alex na lumapit.

Sumilip siya saaking laptop at kumaway.

'Ma, Pa, si--

'Si Calvin na ba yan?' tanong ni Mama na ikinagulat ko. 'Naku Iho miss kana din namin ni Papa!' dagdag pa niya.


Napatingin naman ako kay Alex na parang na-awkward sa sinabi ni Mama saka siya ngumiti ng peke.

---

He is SheWhere stories live. Discover now