C o n t i n u a t i o n

914 40 1
                                    

• C o n t i n u a t i o n

Kaye's POV

10:00 pm.

Andito ako ngayon sa bahay at kanina pa akong paiba iba ng pwesto sa kama ko, hindi ako makatulog nakakainis.

Napabuntong hininga ako at nakapasandal sa headboard ng kama.

Kinuha ko ang aking laptop at nag check ng messages, tutal hindi rin naman ako matulog.

From: Mama

Anak! Malapit na mag birthday si Papa mo, uuwi kaba? Balak ko sanang linisin na ang kwarto mo.

Hala! Oo nga pala.

Napatingin ako sa kalendaryo at 5 days nalang birthday na ni Papa.

Agad akong nag reply.

To: Mama

Opo ma, pipilitin kong makauwi diyan saatin.

May isa pang message.

From: Calvin

Hey, I don't know your phone number so I DM you. Kumusta na pakiramdam mo?

Nag reply naman ako at sinabi kong okay na ako.

Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit bigla nalang sumama ang pakiramdam ko. Nag scroll lang ako saaking mga social media pampaantok, kaya lang mukhang matatagalan akong makatulog dahil gising na gising pa ang diwa ko.

'Ang boring naman, mga walang kwenta nakikita ko.' bulong ko at sinara ang laptop.

I heavily sighed, pakiramdam ko may gusto ako.

'Aish!' lumabas ako ng kwarto at nag tungo sa sala, makanood nalang ng TV.

Nag lipat ako ng mga channel, may nakita akong palabas na action. Saglit ko itong pinanood at mukhang okay naman.

Sa gitna nang aking panonood ay nag karoon ng SPG scene naalala ko tuloy yung nangyare saamin ni Alex. Bigla akong nag init saaking pinapanood kaya pintay ko nalang ang TV.

Ano ba yan! Sasapian pa ata ako ng masamang espirito!

Napatingin naman ako sa guest room kung saan nag stay si Alex, nag lakad ako papunta dito at binuksan ang pinto.

'Hala di ko pa pala natatanggal yung bedsheet.' bulong ko.

Naupo ako sa gilid ng kama at parang bigla kong naamoy si Alex.

'Omg.. His scent.' dumapa ako sa kama at oo nga! Yung amoy ni Alex.

Kinuha ko ang unan at niyakap ito saka binaon ang aking mukha. 'Hmmm...' grabe ang bango! Ang sarap amuyin!

Dito nalang siguro ako matutulog. Dalawa ang unan ang isa ay gamit ko at ang isa ay yakap yakap ko. Pakiramdam ko tuloy andito si Alex.

Pumikit ako at mas dinama ang unan, hindi ko alam bakit naaadik ako sa amoy niya. Nung una oo gusto ko talaga siyang naaamoy, pero ngayon mas tumindi.

Hindi ko na namalayan na nakatulog ako habang yakap yakap ang unan.

--

Naalimpungatan ako at napabangon sa kama, may nafe-feel akong kung ano.

Lumabas ako ng kwarto saka nag lakad papunta sa ref.

Nadismaya ako ng makita ko ang mga laman, wala manlang ako magustuhan. Pakiramdam ko ay maiiyak ako na ewan. Napatingin ako sa orasan at shocks, alas 2 palang pala!

'G-gutom na ako..' napahikbi ako, kinuha ko ang aking cellphone at tinext si Alex.

To: Alex

Are you still awake?

He is SheWhere stories live. Discover now