C H A P T E R 46

915 43 0
                                    


Alex's POV

It's already 9 am kanina pa akong gising samantalang si Kaye ay tulog na tulog padin. Late na kami sa office, kahit na kami ang may hawak ng oras namin matatambakan kami ng mga papers doon.

Kailangan ko padin kasi umuwi sa bahay dahil wala naman ako dalang damit, siguro ay mag papaalam nalang ako kay Kaye.

Lumuhod ako sa gilid ng kama kung saan siya nakatapat at marahan ko siyang tinapik.

'Babe...' pag tawag ko.

Walang response.

'Kaye.. Wake up.' napakamot ako sa ulo dahil hindi manlang siya nagigising.

'Babe.. Gising kana.' pag ulit ko, dahan dahan naman siyang nag kusot ng mata. SA WAKAS!

'Uuwi muna ako kailang--

Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang biglang yumakap saakin si Kaye. 'Wag ka umalis..' sabi niya at mas lalong humigpit ang yakap niya.

'Ha? Eh mag ki-kita naman tayo mamaya sa office, kailangan ko maligo at mag bihis. Wala ako damit.' paliwanag ko.

'No! Wag ka umalis. Please..' mag mamakaawa niya.

Ano bang nangyayare sakaniya?

Humiwalay siya saakin at may namumuong luha sa mga mata niya. 'Shh.. Wag umiyak.' I heavily sighed, 'Ganito nalang, isasama kita sa condo gusto mo ba yon?' tanong ko.

Tumango naman siya at nag punas ng luha.

'Great, now take a bath na tapos mag ddrive-thru nal--

Bigla siyang tumayo sa higaan at tumakbo papunta sa lababo.

*aacckkk*

'Kaye?? Hala!' nakayuko siya sa may gripo at nag susuka, hinawakan ko ang kaniyang buhok at hinagod ang likod niya.

'Ano ba nangyayare sayo? Pa-check up na kaya tayo sa hospital.' sabi ko habang patuloy na hinahagod ang likod niya.

Nag mumumog na siya at nag hahabol ng hininga, 'I think dahil 'to sa kahapon, masyado napadami ang kain ko ng pipino kaya masama ang tiyan ko ngayon.' sabi niya.

Oo nga pala, mali ang ginawa ko na tambakan siya ng napakaraming pipino. Naparami din masyado ang kain niya.

'No more pipino na. Tinamo oh nag susuka ka na.' sabi ko.

Kumunot ang noo niya. 'But I want pipino!'

'No more buts. Ang kulit mo.' sabi ko at inayos ang buhok niya. 'Di mo pa nga nabibigay saakin yung reward na pipimo-- ARAY!' siniko niya ako sa tiyan!

'Diyan kana nga maliligo na ko!' sabi niya at tinalikuran ako.

Ako naman ay napailing at naupo sa sala para inintay siya.

--

Nang matapos maligo si Kaye ay nag diretso na kami sa condo, kaya lang nag karoon ng emergency sa 2nd branch ng Café dahil sa materials, nag pumilit si Kaye na siya na ang mag aayos. At nanalo nanaman siya sa pag tatalo naming dalawa.

Ang sabi ko ay susunod ako sakaniya doon wag siyang pupunta kahit saan at um-oo naman siya.

---

Kaye's POV

'Ma'am paano po yung ibang materials? Hindi pa po nag ca-callback yung supplier.' sabi ng isang tauhan.

'Alam na ba ni Calvin?' tanong ko.

'Opo ma'am, may makukuhanan naman daw po kaya lang hindi lahat. Siguro po ay kaunting pag babago lang naman ang mag kakaroon kung ma-approve niyo po.'

He is SheWhere stories live. Discover now